Himala
Napakagandang salita
Sa wikang ingles ay miracle ang katumbas.
Ito ang tawag sa mga imposibleng bagay na nagiging posible pala.
Ang mga may sakit at wala na daw lunas ay gumagaling. Himala nga.
Ang mga di nag review ay nakapasa, wow chamba, himala yata.
Madaming himala sa mundo dahil madaming pangyayare na imposible ngunit nangyayare pala.
Di ko alam kung himala nga ba ang nangyaring pag tatagpo ng puso nating nag hahanap ng lunas.
Oo, siguro nga himala iyon.
Himalang nakita ka ng mga mata kong nabulag sa sakit ng mga nakalipas na panahon.
Himalang nahagkan ko ang mga kamay ng anghel na pinadala ng dyos.
Himalang nakaranas ako ng pagmamahal na nadala ng ligay at sayang dulot mo.
Himalang tumibok ulit ang puso ko dahil sayo mahal.
Himala na umibig ako muli kahit sabi ko nun hindi na talaga. Ayoko na.
Siguro hindi na talaga.... tama na. Himala nalang siguro ang lahat.
Himalang umalis ka sa piling ko dahil sawa kana.
Isa yung himala, dahil imposibleng umalis ka dahil mahal mo naman ako diba?
Ngayong lumisan ka... hinahanap ang bagong taong mag papaligaya sa puso mong nag sasawa na sa mga himalang nangyare sa ating dalawa.
Himala lang siguro na tumingin ka sa paligid mo at ako ang inisip ng mapaglaro mong utak.
Himala nalang siguro na bumalik ka sa lugar kung saan tayo unang nagtagpo mahal.
Himala nalang talaga na bumalik ka sa aking piling at sabihin na ako ay iyong mahal.
Himala lang talaga ngunit di tinadhana.
Pinatikim ang matamis na pag ibig na para naman talaga sa iba.
Parang dumaan na ulan na binasa lamang ang mga natutuyong kalsada.
Sabi ko noon kahit kailan di ako maniniwala sa himala, ngunit naniwala ako sa pag ibig mong imposible namang magtagal.
Ang pag-ibig mong imposibleng maibigay. Naniwala ako dun, kahit sinabi ko na di ako maniniwala sa himala.
Isa lamang himala ngunit di tinadhana.
