XxX(Ang boyfriend kong writter)

52 0 0
                                        

(Narrator:Mas maganda magbasa ng ganito habang may music,yung medyo sad song tapos with feelings.THANK YOU)

Ang kwentong to ay isinulat ko para sa boyfriend Kong writer,"Isinulat ko ang istoryang to para mas  makilala mo ako",
yan yung mga katagang sinabi mo nung umalis kana sa tabi ko
at binigay mo saken ang papel na pinaghirapan mo
at sabi mo basahin ko dahil ito
,"Ang kwento mo,habang kasama mo ako".

Alam mo,sobrang pinagmamalaki ko kung gaano ka kagaling magsulat
Ikaw pa nga ang naging inspirasyon ko para makapagsulat ng kwento sa wattpad,
sobra kitang ipinagmamalaki kung gaano kalaki ang dedikasyon mo sa paggawa ng mga storya
na parang nararanasan mo kahit hindi  naman talaga.

Gusto ko yung kapag nagkukwento ka eh parang ikaw yung karakter sa pelikula,
gusto ko yung kapag nagsusulat ka titingin ka muna saaking mataat sasabihin mong "Alam ko na"
na para bang ako yung inspirasyon mo,
na para bang ako yung nasa  isip mo,
na para bang sa isang idlap alam no na ang kasunod ng kwento
at Oo!Dun kita  hinahangaan,
sobrang hinahangaan kita dahil nakita ko kung paano ka gumawa ng storya
at alam mo,isa  sa mga hindi  ko malalilimutang regalong binigay mo
ay  yun yung sinulat mo yung kwento nating dalawa,
yung kwento nating dalawa na binigay mo saaken na kung saan ito ang hindi  ko makakalimutang regalo nung  umalis ka dahil kahit saan ka dalhin ng pagsulat mo,
naniniwala akong  nasa  puso ko parin ang ala ala mo,
At ngayo'y hawak-hawak ko ang kwento mo," Ang Kwento ng Tayo".

Nabasa ko sa simulang pahina kung papaano Tayo nagkakilala,
nabasa ko sa mga sumunod pa kung paano ko binitawan ang mga salitang "Mahal Kita",
nabasa ko rin yung mga nakakatawang eksena
lalo na yung kumakaen tayo sa karinderya tapos may crush sayo yung tindera,
naalala ko rin  yung parte  na nagselos ka tapos pinapalayo mo yung best friend ko kasi palagi kong  kasama.

Ang sarap balikan ng mga ala-ala
dahil nababasa ko yung mga naiisip mo sa mga pagkakataon na yun
  na hindi  mo na masasabi ngayon,
ang sarap balikan ng mga ala-ala ngunit humantong na ako sa bandang gitna,
parang  may karakter na akong  hindi  ko na makilala,
Alam mo medyo nalito ako na kung Ako o Tayo ba yung bida
,kasi may mga storya  at eksena na hindi  ko na maalala
na para bang wala na ako sa storya.

Nung binanggit na yung kayong dalawa yung magkasama nung araw pa naman na monthsarry nating  dalawa,
alam mo binalikan ko yung mga ala ala
pero nung naalala ko hindi  naman tayo nagkita
kasi sabi mo saken gagawa ka ng storya,
gagawa ka ng storya pero hindi  katulad ng sinabi sa eksena
yung ang aking  ipinagtataka.
May kasama ka pero hindi  naman ito  nangyari saating  dalawa,
yung ang aking  ipinagtataka at ito pa ang pinakamasaket na eksena
nung sinabi mo na Sobrang saya mo sa kama
dahil kahit kelan hindi  kita  nakasama sa kwarto,
kahit minsan hindi  kita  nakasama sa kwarto pero ganun yung nakasulat sa eksena naguguluhan ako pero alam mo,
duon lumiwanag ang utak ko,
nalaman ko na Hindi ako yung nasa  kwento pero hindi  ko parin tinigil ang pagbabasa.

Nilipat ko parin ang mga pahina
kahit sobrang kabang-kaba na,
at sa bandang dulo  nalaman ko kung sino
kung sino nga ba ang tinutukoy mo
dahil unang una mas  nagulat ako
dahil sa mga sumunod na senaryo
ang taong tinutukoy mo ay  ang taong MAS KILALA KO PA KESA SAYO.

Naalala ko yung nagbibit tayo
kasama ko yung bestfriend  ko
kaya siya yung pangatlo,
pero ang point of view ng kwento
ay ang point of view na hindi  ako ang kasama mo
kundi ang kwento na point of view na kasama mo ang katabi ko,
at ang alam ko ay  nahihirapan ka dahil napapagitnaan ko kayo
,nabasa Kong nahihirapan ka dahil nahihirapan kang hawakan ang kamay niya
kaya ginawa mo to sa likod ko."Alam ko na!",alam ko na ang tinutukoy mo,
"Hindi Ako!",hindi  ako ang tinutukoy mo
at ng humantong na ako sa huling parte  ng storya,
mas  naliwanagan ang utak ko,
dahil humantong na ako.
Duon ko napagtanto ang mga sinabi mo noong huli tayong  magkita na "basahin ko ang storya para mas  makilala kita".
dahil nung binasa ko yun alam ko ko kung ano  kana,
di tulad nang pagkakakilala ko sayo nung una,
alam ko na kung sino talaga ang gusto mo saaming dalawa,
" Alam ko na" alam ko na,na hindi  ako ang mahal mo,alam ko na,
na hindi  ako ang gusto mo di  dahil hindi  ako ang hinahanap ng katawan mo,
alam ko na,na hindi  ako ang gusto mo kundi ang bestfriend  ko,
alam ko na hindi  ako ang gusto mo dahil hindi  ako ang lalakeng  kaibigan kong  siya palang iniibig mo.
Oo hindi  ako para sayo at Hindi ako magiging gusto mo dahil babae  ako!
At ang pinakanalaman ko sa lahat,"Hindi ang tayo ang isinulat mo kundi ang sainyo habang kasama ako.

ANG KWENTO MO NA SIYA ANG MAHAL MO HABANG NAGPAPAKATANGA AKO SAYO,alam ko na!Salamat!
Alam ko na pero salamat,
dahil kahit wala kana hanga parin ako kung paano ka gumawa ng storya,"ANG STORYA NA AKALA KO TAYO ANG BIDA,PERO AKO LANG PALA ANG EXTRA"

Spoken WordsWhere stories live. Discover now