"Whatever." Kinuha niya ang susi ng motor sa drawer. "Anyway, baka gagabihin na naman ako kaya huwag mo na akong hintayin mamaya."

Hay ano pa bang bago sa babaeng ito? Gabi-gabi nalang late umuwi dahil may gig sa bar. Kung hindi ninyo naitatanong, bokalista itong babaeng ito ng sarili niyang banda.

"Hindi ka pupunta sa botique?" Tanong ko.

"Pupunta."

"Eh bakit ka na pupunta sa bar?"

"May sinabi ba ako?"

"Sungit! sabi mo gagabihin ka nanaman kaya naisip ko may gig ka."

"Meron nga."

"See?" Ang labo kausap ng kambal kong ito. Ang tipid pa.

"Ang labo mo." What?! ako pa ang malabo!?

"Hoy hoy hoy anong-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.

"Pupunta ako sa mga branches ng botique para matignan yung mga tauhan natin doon. Pagkatapos nun, punta na ako sa bar. May gig kami kaya late na naman ako makakauwi."

"Ah okay." Yun naman pala eh. Pero wait lang! Lahat ng branches ng botique? Eh Tatlo kaya iyon tapos magkakalayo pa! "Eh bakit lahat? Are you out of your mind? Mapagod ka lang."

"Wala akong magawa dito sa bahay." Sagot niya.

"Natawagan ko na si Sheila at Anna. Okay naman daw yung botique. Nabisita ko din kahapon yung isa pa. Dito ka nalang samahan mo ako." Sabi ko sa kanya.

"Ayaw ko nga. Manonood ka na naman ng mga kakornihan ng idols mo."

"Hoy! hindi sila corny sadyang sweet lang sila. Ampalaya neto."

"Whatever. Alis na ako." Tignan mo ito kapag sinasabi kong bitter siya, aalis nalang bigla o kaya naman ay iibahin yung usapan.

"Mag-ingat ka! Mag-uwi ka ng pasalubong." Pahabol ko sa kanya.

Hay naiwan na naman akong mag-isa dito sa bahay. Ano pang bago?

Kung nagtataka kayo kung bakit kami lang ni Tiarra ang magkasama dito sa bahay, eh di magtaka lang kayo!

Hahaha joke lang. Kayo naman, hindi na mabiro.

Si Mommy kasi nasa ibang bansa kasama si Kuya Gabby. Wala naman kaming kasambahay. Kung tutuusin, afford naman namin ang kumuha ng mga kasambahay pero mas gusto namin ni Tiarra na kami nalang ang gumawa ng mga gawaing bahay. Oh ang sipag namin no?

Tinuruan na kaming maging independent bata palang kami dahil busy si Mommy sa business namin.

Inaasikaso ni Mommy sa New York ang hospital na ipinamana sa kanya ni Grandpa.

Si Kuya naman ay inaasikaso ang bar niya habang kumukuha ng master's degree sa nursing. Mabuti nga at nababalanse niya ang oras niya eh.

Ang tatay namin? Wala na. May ibang pamilya na dito sa Pilipinas. Hindi nga namin siya nakasama ni Tiarra eh. Buntis palang si Mommy sa amin noong iniwan kami at ipagpalit sa iba.

Naramdaman kong basa na pala ang pisngi ko.

Hindi ko talaga maiwasang maiyak kapag naaalala ko na iniwan kami ng tatay namin.

May malaking parte sa puso ko na gusto kong makita at makasama si Daddy. Kahit naman iniwan niya kami, hindi naman maaalis sa akin na mangulila sa kanya.

Galit na galit si Mommy at Kuya kay Daddy. Si Tiarra naman ay walang pakialam sa kanya. Kaya siguro naging ampalaya na si Tiarra kahit never pa nagka boyfriend.

Tiarra used to believe in fairy tales and happy endings. Bata palang kami noon, gusto na niyang makita ang Prince Charming niya.

Nagbago ang lahat nang nalaman niyang iniwan pala kami ni Daddy at ipinagpalit sa iba. Akala kasi namin noon, nasa ibang bansa lang si Daddy.

Nagtampo siya kay Mommy dahil nagsinungaling si Mommy. Mula noon, naging malayo na ang loob niya kay Mommy.

Naging mas close naman kami sa isa't-isa ni Tiarra. Lahat ng problema namin sabay namin sinosolusyunan. Tinginan palang namin, nagkakaintindihan na kami.

May pag-asa pa kayang mabuo ang pamilya ko? Sana naman meron pa kahit na malabong mangyari iyon.

I want to know what it feels like having a father. I want to have a complete family.

Enough of the drama! May FOREVER kaya!

Umakyat ako sa kwarto ko para manood ng movie sa laptop. Ano pa ba ang papanuorin ko kung hindi ang BriEla. Ang tambalang nagpapatunay na may forever!

Highschool palang ako ay sila na ang idols ko. Nasubaybayan ko ang pag-mature ng tambalan nila hanggang sa umamin sila sa totoong estado ng relasyon nila.

From reel to real. Sobrang lakas ng chemistry nila. That's why I love them so much.

Kahit na graduate na ako at may trabaho na, fan na fan parin ako ng loveteam nila.

Isang taon na mula noong umamin ang dalawa sa relasyon nila at going strong pa sila!

The Love of a BasherWhere stories live. Discover now