TLB 1

674 12 1
                                    

Sierra's POV

Naniniwala ka ba sa forever?

Kung hindi, malamang bitter ka te! Hahaha

Tama?

Well, hindi kita masisisi kung iyan ang gusto mo. Siguro may past kang ayaw mo nang balikan dahil nasaktan ka ng sobra?

O baka naman,

Bitter ka lang kasi wala ka pang lovelife ever at gustong gusto mo nang magkaroon ng labidabs?

Or...

Bitter ka kasi wala lang? Kasi yun ang trip mo.

Hahaha kung anu-ano pinagsasabi ko. Pasensya, maganda kasi ako!

Anyway... Kaya ko naitanong iyan kasi hindi ako bitter. Hahaha.. Tignan nyo, ano mga connect ng mga pinagsasabi ko?
Hahaha

Naniniwala kasi ako sa forever. And believe me, FOREVER really do exists! Because Brian and Angela is forever.

Nga pala, dumaldal na naman ako hindi pa pala ako nagpapakilala😂. Allow me to introduce myself.

I'm Sierra Emmanule Silva. Twenty two years old. Philippines!

Favorite hobby: kumain, matulog, gumawa ng dress designs at manood.

Speaking of 'manood', nasa bahay ako ngayon at nanonood ng TV.

I'm watching 'The Gossip', isang sikat na talk show kung saan guests sila Angela Henson at Brian Dela Torre o mas kilalang BriEla, the most famous love team in the Philippines.

"Ano ang pinakagusto ninyong ugali ng isa't isa?" Tanong ng host na si Miss Daniella Gomez.

Nagkatinginan ang dalawa at napangiti sa isa't isa.

"Waaaahhh!!!!" Oh My Gulay!! Nagkukulang ako ng hangin sa dalawang ito. Ngitian palang iyan ha?

"Well, hindi ko mabilang sa dami ng gusto ko kay Angela eh." Sabi ni Brian habang nakangiti kay Angela.

Nagtilian naman ang mga fans sa studio. Pati ako na team bahay ay napatili din.

"Pero ang pagiging girlfriend niya sa akin ang pinakagusto ko sa kanya."

"Kyaaaaaa!!"

"SIERRA EMMANUEL ang ingay ingay mo!" narinig ko ang reklamo ng kakambal kong si Tiarra Noelle na nasa kusina.

Hindi ko pinansin si Tiarra at ipinagpatuloy ko nalang ang panonood ko.

"How about you Angela?" tanong ni Miss Daniela.

Napangiti naman si Angela. Jusko! Ang ganda niya sobra! She' absolutely my girl crush.

"Bukod sa pagiging gwapo niya, gustong gusto ko yung boses niya."

"Aaaawww, ang sweet naman ni Bebe Angela!"

"Manuel ang ingay mo talaga. marinig ka ng mga kapit bahay." Nandito na pala siya sa likod ko.

"Tse! Huwag ka ngang magreklamo diyan Noel!? Nanonood ako."

Hindi ko na muli pang pinansin si Tiarra. Ipinagpatuloy ko nalang ang panonood ko. Walang pwedeng umistorbo sa akin kapag nanonood ako lalo na kung ang pinapanood ko at sila Angela at Brian.

Patapos na ang palabas pero nakita kong hinalikan ni Brian si Angela sa pisngi!!

"Waahhh! Grabe te! Ang tamis!!" Yieh.. Nakakalilig talaga!

"Maghihiwalay din mga iyan."

Tinignan ko si Tiarra ng masama. "Hindi no! Bitter ka lang kasi!" Kung pagkabitter ang pinaguusapan, si Tiarra na siguro ang pinaka bitter na nakilala ko.

The Love of a BasherWhere stories live. Discover now