May tanong ako.
Anong surname mo?
Bagay ata sa pangalan ko.
Pede makuha number mo?
Kumain ka na ba?
Ako kasi hindi pa.
Sabay tayo.
Miss kita, namimiss mo ba ako?
Pero teka may tanong ako.
Mahal mo na ako?
Tayo na?
Ngumiti ka at tumango.
Mahal. Ang saya ko.
Napakasimpleng sagot na nagdulot ng boltaheng kaligayahan sa buhay ko
Nagbigay ng ningning sa mga mata ko.
Ansarap malaman na
Mahal mo ako.
Nag umpisa akong mangarap.
Binuo lahat nang kasama ka sa hinaharap.
Umikot ang mundo sa salitang tayo
At sabi nga nila, ikaw na ang forever ko.
Napakasayang umibig.
Napakasarap sa pakiramdam na magmahal at ikaw din ay minamahal.
Ang palitan ng matatamis na salita.
Ang walang hanggang pangako.
Ang walang katapusang mahal kita.
Sana wala ng katapusan pa.
May tanong ako.
Itong tanong na ito ang paulit ulit.
Talagang nagsusumiksik sa kasulok sulukan ng utak ko.
Pilit kong hinahawi,
Binabalewala,
Kinakalimutan.
Pero wala, patuloy na humaharang.
Nagsusumigaw ng kasagutan.
May tanong ako.
Bakit ba umabot sa ganito?
Na nahihirapan na akong magtanong.
Nahihirapan dahil nag aalala ako.
Nag aalala ako na baka hindi ko marinig ang nais kong sagot.
Yung sagot na kailangan kong marinig.
Kailangan na dahil magulo na.
Magulo na dahil hindi na maintindihan pa.
Hindi ko na alam kung saan lulugar.
Sa harap, sa likod, sa kaliwa o kanan??
Natatakot akong malaman ang kasagutan
Baka ang isagot mo mahal ko
hindi na pwede..
sa tabi mo.
Masakit.
Isipin pa lang ang maaaring sagot mo
Hindi ko na mabitiwan ang tanong ko.
Nakakatawang isipin.
Nakakabaliw nga minsan.
Magtatanong ka pero ang sagot ay ewan.
Magtatanong ka ang sagot walang kasiguraduhan
Magtatanong ka pero ang sagot katahimikan.
Magtatanong ka..
Sa taong walang pakialam.
May tanong ako.
Dati kahit ano pede kong itanong sayo.
Lahat ng bagay kaya kong sabihin sayo.
Pero bakit ngayon,
Kahit simpleng tanong,
Nakakatakot ang magiging sagot
Nakakakaba kapag nakatingin na sa yong mga mata
Hindi ko kaya ang aking nakikita.
Blangko na.
Wala na.
May tanong ako.
Hanggang dito na lang ba tayo?
Mahal mo pa ba ako?
Ang iyong sagot. .
Iling at pag tulo ng luha mo.
Paalam mahal ko. :)
