Prologue
I'm Dalia. Dalia Troye. May pagka mabait na maarte, magalang na suplada at higit sa lahat, tamad na may pangarap.
On our school, miyembro ako ng All-In Team, ang pinaka-mataas na grupo sa buong Emperial Music University. Isa akong simpleng estudyanteng may pangarap sa buhay. Kasama ng mga kaibigan ko, pinag hihirapan namin ang aming mga pangarap. Kasabay nuon, hindi mawawala ang kuryosidad namin makahanap at makaranas ng iba't ibang bagay.
Life is short. Kaya sinusulit namin ang kabataan namin hangga't maaari.
Masaya ako sa mga kaibigan ko. Masaya ako sa EMU. In fact, sobra ko nang minamahal ang pag aaral ko dito. Marami ang nakilala dito, maraming naranasan at higit sa lahat, syempre marami akong natutunan.
Pero, bakit pakiramdam ko may kulang?
Parang sa lahat ng bagay na naranasan ko sa buhay ko, may isa pa akong importanteng bagay na hindi nagagawa. Okay ang lahat noon.
Pero nung dumating siya, nag bago ang ikot ng mundo. Oo, hyperbole 'yan para mas dramatic.
Dahil sa kanya sumaya ako. Halo halo. Simula nang dumating siya, gumulo yung mundo ko. Disaster kung iisipin. Pero, kahit na ganun, lumalamang parin yung magagandang bagay. Yung mga pangit sa paligid ko, gumaganda. Yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon, natututunan ko ng gawin ngayon. Sumaya ako sa pag ka-kaibigan namin.
Pero lalo lang gumulo ang lahat nang sa isang iglap ay bigla niyang binigkas ang mga katagang ito...
"Fall for me, please?"
Kung ikaw ang tinanong..
what will be your answer?
~~~
Read the funny and dramatic story that will make you tawa, iyak and kilig. You won't regret it.
Sorry sa prologue. Hindi pa ako sanay nag sulat ng introductory so pasensya na hahahaha. Sana po basahin niyo yung next chapters. Thank you!!!
Btw, slow update po. Buhay estudyante. Pero I will always make time para mag sulat as soon and as much as possible.
- M.
