Mahal Kong Bayan

208 2 3
                                    

“Mahal kong Bayan”

 “Mahal kong asawa! Mahal kong asawa!” Sigaw ni Don Fernando sa kanyang asawa.Kasalukuyang nag luluto ng makakain sa agahan si Donya Maria. “Bakit mahal kong asawa? Bakit ka sumisigaw?” Sagot ni Donya Maria.”Halika,tayo’y maupo na muna.Ano ba iyon mahal kong asawa?” dagdag pa nito.At naupo naman ang mag asawa sa mahabang upuan na nasa kanilang kusina.”May masamang balitang inihatid sa akin ng ating mensahero mula sa Cebu.” Nanginginig na boses na sinabi ito ni Don Fernando.”Ano!? Ano ang balitang ito? Gulat na gulat na sagot ng Donya. “Nagkaroon ng madugong labanan doon sa Mactan! At hindi alam ng ating mensahero kung ligtas pa ba ang iyong amang Datu.” Halos hindi makahinga ang Donya sa narinig. Totoo ba ito? Kamusta na ang aking ina at amang Datu doon? Yan ang mga paulit ulit na umiikot sa isipan ng Donya, hindi ito mapakali dahil gustong gusto na nito makausap ang kanyang ama at ina. Hindi na nakasagot pa si Donya Maria, napansin naman agad ito ng kanyang asawa kaya naman niyakap nya ito ng pagka higpit higpit upang mapakalma nya ang damdamin ng kanyang mahal na asawa.”Wag ka mag alala mahal kong asawa. Gagagawa ako ng paraan, kahit ano! Basta masiguro lang natin sila na nasa ligtas.” Pagpapakalma ni Don Fernando sa kanyang di mapakaling asawa.                                                                    

   Ramdam na ramdam ang tension sa kanilang tahanan. Si Don Fernando ay nasa kanyang silid, may sinusulat siyang isang liham na ipapadala nya sa kanyang mensaharo. Si Donya Maria naman ay nasa hapagkainan kasama ang kanyang anak na si Señorito Carlos na sampung taong gulang pa lamang. Hanggang ngayon madami pa ding gumugulo sa isipan ng Donya kaya naman parang walang gana itong kumakain. “Ina” wika ng kanyang anak. “Ina,Ina” Paulit ulit na sinambit ito ng Señorito sa kanyang ina, kaya naman naisipan nyang lapitan ito dahil nag aalala na din ang Señorito. “Ina may problema po ba?”. Napansin naman ng Donya ang kanyang kaisa-isang anak na lumapit sa kanya. “Ah, anak bakit?” Sagot ng Donya.”Kasi po parang kanina pa po kayong may problema, wala po kayo sa inyong sarili ina, nag aalala na po ako sa inyo.” Naluluha naman ang Donya sa narinig niya sa kanyang anak dahil ramdam nya ang pag aalala nito sa kanya. “Pasensya na Carlos, may iniisip lang talaga ang ina. Wag kang mag alala, mamaya babawi ang ina. Mamamasyal tayo mamaya sa Parke, gusto mo ba iyon anak ko?” Nakangiting sabi ng Donya. “Opo ina! Gusto ko po!” Maligayang sagot ni Señorito Carlos sa kanyang Ina.

    Lalabas na ng tahanan ang mag ina na si Donya Maria at Señorito Carlos upang mamasyal sa Parke. Napansin ng Donya na madami pa ding ginagawa ang kanyang mahal na asawa kaya naman di na nya ito inistorbo pa. “Ina, di po ba natin isasama ang aking ama?” Nagtatakang tanong ng Señorito sa kanyang ina.”Anak may ginagawang importante ang iyong ama, sa tingin ko ay wag nanatin syang abalahin pa.”Sagot ng kanyang butihing ina. Tumango naman si Señorito Carlos at sabay silang naglakad ng kanyang ina papalabas sa kanilang tahanan.

    Ngayon ay nasa Parke na ang mag ina at masayang namamasyal. Kasama nila ang kanilang dalawang kasambahay na may dala-dalang mga prutas at iba pang makakain at maiinom kung sakaling silay gugutumin at mauuhaw.”Ina don lang po ako! May titiganan lang po.” Pagpapaalam ni Señorito Carlos sa kanyang ina.”O sige anak, magpasama ka kay Aling Lourdes.Mag iingat kayo.” Sagot ng kanyang ina.At umalis na nga ang Señorito at ang kanilang kasambahay. Pinag mamasdan ngayon ng Donya ang kanyang nagiisang anak, masayang Masaya ito habang nanunuood ng iba’t ibang palabas sa pinuntahan nito. Iniisip nya na kung wala ang kanyang anak ay paniguradong walang magpapasaya sa kanya ng ganoon. Nakalimutan niya ang iba pang kanyang mga problema dahil iyon sa mga ngiting nakikita niya sa kanyang anak, ang gaan ng kaniyang loob pag nakikita niya na ganyan kasaya ang kaniyang anak. Maya-maya’y may narinig ang Donya na putukan at hiyawan sa kanyang paligid agad naman niyang nilingon mula sa paghahanap kung saan ito nanggaling ang kaniyang anak. Bumilos ang tibok ng kanyang puso, kinakabahan siya ng sobra.Tumakbo ang Donya papunta sa kaniyang anak ng nakita niyang may magpapaputok ng baril sa kaniyang anak.Nang pagdating niya sa kaniyang anak ay niyakap niya ito ng pagkahigpit higpit at tumama ang bala ng baril na pinaputok nang isang dayuhan sa kaniyang likuran. Nabalot ng takot ang buong lugar. Naghihiyawan at nagtatatakbo ang bawat isa upang maligtas sila. Ang dalawa nilang kasambahay ay nagsitakbo narin. “Ina! May dugo” Mangiyak ngiyak na sabi ng Señorito sa kanyang ina. Nagpapasalamat ang Donya dahil ligtas ang kanyang anak sa kabila nama’y ramdam niya ang sakit ng pagkakatama ng bala sa kaniyang likuran. “A-anak ko, C-carlos” Pilit na sinasambit ng Donya ang bawat salita.”Inaaa! Ano po ito, may dugo! Inaaa! Di po kayo mamatay diba!?” Umiiyak na pagtatanong ng Señorito.”C-carlos, i-ingatan m-mo ang i-iyong sarili. M-mahal na m-mahal k-ko kayo ng i-iyong a-ama.” Lumuluhang sagot ng Donya. Humahagulogol na ang Señorito dahil matapos sambitin ng kanyang ina ang mga salitang iyon ay pumikit na ito.”Inaaaaaaa! T-tulungan ninyo po kami! Ang aking mahal na inaaaa!”

Mahal Kong BayanWhere stories live. Discover now