"O dali na.", excited niyang sabi sabay bitaw sa akin. Ugh! Hindi ko akalain na gagawin ko 'to.

"Bye, baby. I love you.", nakayuko at pabulong kong sabi. Grabe lang, kahihiyan to the maximum level! 

"Ano? Paki-ulit? Hindi ko narinig. Bumubulong ka ba sa langgam?" Argh, Thomas! Kahit mahal ko 'to, hindi ako magdadalawang isip na sakalin 'to kung kinakailangan. "Dali na, wala nang tao oh."

"Grrr! Fine! I love you, baby! BYEEE -- "

"I love you? Baby?", paglingon ko sa gilid, si Kim na mukhang galing ng gym. Anak ng siopao! Mabilis naman akong humarap kay Thomas na nanlaki din ang mata sa gulat.

"... YOUR FACE! Kapal ng mukha mong mag-'I love you' at tawagin akong baby! Kadiri ka! Bansot!", sabay apak ko sa kaliwang paa niya.

"Aray!", sigaw ni Thomas habang nagtatatalon. Oops, napalakas ata.

"Anong nangyayari dito? Hinaharass ka ba ng bubwit na 'to?", si Kim na tuluyan nang lumapit sa amin.

"Pssh.. Hayaan mo na 'yan, nakatikim na siya. Tara!", hinatak ko na si Kim dahil baka magbigay pa ng follow-up sa ginawa ko. Lumingon na lang ako kay Thomas at nagbigay ng sorry smile pero mukhang hindi niya nakita dahil tumatalon-talon pa din sa sakit.

*End of Flashback*

Kaya ayun, sinumpa ko sa sarili ko na never ko nang uulitin 'yun. Tsaka nakakakilabot talaga. Ewan ko ah, hindi lang siguro ako sanay. Ang tagal ko din naman kasing inaaway at sinusungitan 'tong si Thomas kaya ang weird sa pakiramdam na tawagin siya ng ganun agad-agad. Baka pag nagtagal pwede na. Haha. Pero hindi eh, kinikilabutan talaga ako 'pag naiisip ko. Err..

"Saan ba tayo pupunta?", tanong ko.

"Secret. Tulog ka muna diyan. Alam kong pagod 'yang utak mo sa exams." Last day ng final exams ngayon sa DLSU at kakatapos lang ng exam ko. Medyo late na, 3:30 p.m. na. Pero eto, nagpumilit pa din si Thomas na lumabas. First monthsary daw kasi ULIT kaya dapat i-celebrate.

Siya na din ang nag-insist na magsimula na lang ulit kami para daw new and better memories pero siyempre hindi naman namin kakalimutan 'yung dati. Saka ang weird nga naman kung 'yung dati pa ang susundin namin at parang ipagpapatuloy lang. Ano 'yun, nag-leave of absence? Nag-pause 'yung relationship namin tapos play na ulit ngayon? Buti sana kung months lang ang pagitan, kaso years eh, kaya pumayag na din ako sa gusto niya.

"Bakit ikaw, hindi? Palibhasa hindi nag-aaral.", panunukso ko sa kaniya.

"Kahapon pa po natapos 'yung exams ko." Oops, whattagirlfriend. Hindi ko alam ang sched niya. Sorry naman, busy sa pagre-review this past week eh. 

"Sabi ko nga eh, sorrey.", with matching peace sign pa. "Sige. Bahala ka na, basta uuwi pa tayo ah!", pabiro kong sabi.

"Ano naman akala mo, itatanan kita?", natatawa niyang sagot sa'kin. "Next time na lang, wala akong dalang gamit ngayon eh.", with taas-baba ng kilay pa.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon