Kabanata 1

32 7 7
                                        


" Daint!"

"Daint gising na!"

"Daint ano ba? tanghali na!"

"hmmmmm ano ba lola? ang aga aga pa tss badtrip naman oh"

"Anong maaga pa? 6:30am na 7:30am ang pasok mo di ba? "

"Ayoko pa hong pumasok, nakakatamad pa"

" Nakakatamad!? eh lahat naman ng bagay kinatatamaran mo, bumangon ka na diyan!"

" Bwisit naman oh, oo na ayan na babangon na!"

"May sinasabi ka?"

Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya, matanda na siya kaya makulit na at paulit ulit, maiirita lang ako kung iintindihin ko pa siya. Bumangon na ko at agad na kinuha ang towel ko para maligo at makatakas sa pag bubunganga niya, ang daming nasabi, ano bang masama sa sinabi ko eh nakakatamad naman talagang pumasok.

Hinayaan ko lang na umagos sa mukha ko ang tubig mula sa shower para matanggal ang antok ko, kasabay ang malalim na buntong hininga, ay ang pagkatulala ko panandali at unti unti ko nang nilinis ang sarili ko.

"Hoy kumaen ka na muna bago umalis"

" Wag na! "

" Kumaen ka,nag sangag ako, may hotdog diyan, kumaen ka"

"late na ko sige na sige na okay lang ho ako"

Humalik na ko sa pisngi niya para matahimik na siya, yun lang naman ang kahinaan ng lola ko eh, gusto niya na maging malambing parin ako kagaya noon, pero hindi na mangyayari pa yon. Naglakad na ko papunta sa kanto kung saan ako mag aabang ng masasakyan kong jeep, aabutin ng mga sampung minutong lakaran ang layo nito mula sa bahay namin kaya tama si lola, late na nga ako. Pagkaraan ng mahigit tatlong minuto ay nakasakay na rin ako at sa gawing gitna ako ng jeep napaupo, tatlo lang kaming laman ng jeep, dalawa silang magkatapat na parehong nasa dulo, sa parteng bukana ng jeep at ako naman na nasa gitna bandang kanan, lalaki ang katabi ko at halatang estudyante din sa school na papasukan ko.

"Bayad po, pasuyo"

may kamay na may hawak na pera ang tumambad sa harapan ko pero hindi ako gumagalaw

"hoy sabi ko makiabot yung bayad"

"bakit hindi ikaw ang mag abot? bayad mo yan di ba?"

Sarkastikong sagot ko sa kaniya, medyo natatawa na rin ako sa hilatsya ng mukha niya na halata mong nainis sasinabi ko

"eh gago ka pala eh, tabi nga diyan!"

tumayo siya at medyo sinunggo ako bago niya inabot ang bayad niya sa driver, kaya naman para makaganti, nung pabalik na siya sa pwesto niya ay palihim ko siyang pinatid kaya muntik na siyang masubsob mabuti at nakahawak siya agad sa upuan.

"pftttt"

Tinakpan ko agad ang bibig ko para pigilan ang tawa ko hahahahah

"gago to aaaah!"

hinawakan niya ang kwelyo ko at akmang susuntukin nang magsalita ang driver

" hoy kayong dalawa, huwag kayong mag away dito sa loob ng jeep ko"

"eh ito ho ang nauna eh pinatid ako"

"Haha hindi kita pinatid, baka tanga ka lang talaga!"

"aba, eh gago ka pala talaga eh"

Susuntukin na niya ko ng hawakan ko ang mukha niya

"haha teka teka kuya napaka init naman ng ulo mo, manong para na ho!"
Dali dali akong bumaba at tumakbo papasok sa gate, hindi ko na nilingon pa yung lalaki kung hinahol ako o hindi pero palagay ko ay hindi dahil wala pa namang sumasapak saken hanggang ngayon.

Nasa ikatlong palapag pa ang kwarto namin, pagpasok ko, wala paring pinagbago kagaya noon, maingay parin at magulo, nandun na ang mga kabarkada ko at ang ilang mga kamag aral na hindi ko naman masyadong ka-close.

"Uy Diant, pre kamusta"

"Maayos haha may inasar akong lalaki eh dito din nag aaral"

" Anong ginawa mo? haha siraulo ka talaga eh noh"

" Hindi ko kinuha yung bayad niya para iabot sa driver ayun nagalit, abnormal ba siya, bayad niya yun eh adi sya mag abot haha"

"haha ako man yon baka mapikon din ako"

Natahimik lang kami at naudlot ang kwentuhan nang pumasok na ang teacher namin, nagpakilala lang siya at hindi ko rin naman masyadong pinag tuunan ng pansin dahil wala rin naman akong pakialam sa kaniya, isa isa niyang pinapatayo ang mga kamag aral ko para magpakilala at magsabi nang kung ano ano, bagay na kinaiinisan ko, at nung ako na ay hindi ako agad tumayo, hmmmmm mababadtrip toh panigurado.

" How about you? would you mind to introduce yourself to us?

Umiling lang ako

" Sige na tumayo kana dito sa harap at magpakilala"

nakangiti pa niyang sambit saken bagay na medyo ikinainis ko

" ayoko ho ma'am "

"A-ano?"

"nahihiya po ako eh"

"aah ganun ba sige isulat mo nalang muna sa papel ang pangalan at address mo"

Nakangiti ngunit nagmamadaling sambit niya. Marami pa siyang sinabi subalit hindi na ko nakinig pa at ipinagpatuloy ko nalang ang pakikipagkwentuhan ko sa mga kaibigan kong sila Jack, Brent, at Amiel.

"Psssst quiet, I'm saying something important"

Saway sa amin ng adviser namin na ingles ng ingles, kaya wala lalo akong interes na makinig. Hindi rin naman kase nakakakuha ng interes ang itsura niya, mataba sya at hindi naman maganda, ang daldal pa niya, sobra!

"Ma'am!"

"yes?"

"labas lang po ako"

Tumango lang siya kaya lumabas na ko para magtungo sa palikiran, kinuha ko ang candy na nasa bulsa ko saka ko ito binuksan at hinayaan na malaglag ang pinagbalatan sa daanan, may janitor naman kaya wala akong pakialam, kinalampag ko pa ang pinto ng CR bago ako umihi, nakakatawang basahin ang mga kung ano anong nakasulat sa pader ng bawat cubicle, may mga love, flames at may away pa yata, sa CR ng lalaki? nagtaka ko pero kinuha ko na rin ang ballpen ko saka ako nagsulat.

"Ang papanget ninyong lahat"

haha natatawa ko sa sinulat ko, parang tanga lang, pagbalik ko sa silid ay iba na ang naabutan kong guro, Science? arghhhh mas lalong nakakatamad kaya hindi nalang din ako nakinig at nag umpisa nalang din akong dumaldal.

"Hoy!! ikaw? sino ka nga ulit?"

" Daint ho"

"hindi mo ba nakita na may sinasabi ako, daldal ka ng daldal diyan!"

Tumahimik muna ko pero gusto kong mainis siya kaya nag ingay ako uli, sinasadya kong tumayo at mang hiram ng ballpen kahit meron naman ako, sinadya kong humingi ng papel para lang makuha ko ang atensyon niya.

"Daint!"

Tinignan ko siya ng may pagtataka

"Nananadya kaba?"

"hindi po"
nakangiti kong sagot, kitang kita ko ang pagkainis niya, hmm ayos hahahah

"lumabas ka nga!"

ayos! hahaha agad akong lumabas at nagtungo sa canteen para doon tumambay.

Annoyance Cerita yang bikin terobses. Temukan sekarang