Last Wish

0 0 0
                                        

Zaccariah

Sino bang magsasabing tatamaan ako sa isang babaeng katulad niya?

Hindi ba pwedeng sa normal na babae ako mainlove? Ung babaeng minsan bagsak sa exams, minsan natutulog sa klase, minsan napapahiya sa klase o kaya naman may normal na pamilya.

Pero hindi.

Nangligaw ako sa babaeng katulad niya. Si Catheryne.

Ang babaeng galing sa mayamang pamilya. Sikat sa batch namin. At club president. Malaki laki ang responsibilidad nya kaya nga nakakamangha at pumayag syang magpaligaw sa katulad kong pagiging varsity lang ang nakakaproud. Haha

"Catheryne! Saglit" paghahabol ko sakanya

Ngumiti naman sya at sinabi ang pangalan ko "Zac"

Lahat sila sinasabi kong Zaccariah ang itawag saakin. Dahil si Cath lang ang gusto kong tumawag ng Zac saakin. Ang nagiisang babae sa buhay ko.

Napaka lame siguro kung sasabihin kung nalove at first sight ako sakanya. Usual cheesy reason kung bakit nahuhulog ang mga tao sa kapwa nila. Love at first sight.

Hindi kasi katulad ng iba si Cath ung spoiled brat porke mayaman. May consideration siya at mapagmahal sa kapwa kaya nga sobrang daming kaibigan nyan haha mas nakakainlove tuloy.

Inihatid ko na si Cath sa section nya. Hindi grades ang batayan ng sections dito sa school. Sadyang nasa easy section lang si Cath dahil nga alam niyo na un ang nais ng mga mayayamang magulang ang mapabuti ang anak nila. Kaya magkaiba kami ng section.

"Salamat Zac ah sa paghatid." Alam na nga nyang nililigawan ko siya pero thank you pa din sya ng thank you saakin.

"No problem honey. Sige na pasok ka na" at ngumiti ako sakanya ng sobrang lapad ung abot hanggang tenga haha.

"Oh pare ano ng balak mo sa Friday?" Pagtatanong saakin ni Dale pagkapasok ko ng room namin.

Sa friday? Balak ko na syang tanungin na maging girlfriend ko. Oo o hindi lang naman sagot diyan.

"Mamaya na natin pagusapan after ng class tol haha" mga kaibigan ko lang naman ang handang tumulong saakin.

--
"Cath saan gusto mo mamaya magdinner?" Pagtatanong ko sakanya dahil 11th monthsary nanaming dalawa at eto kami gusto niya padinner dinner lang ayaw nya ng surprise o kaya masyadong magastos.

"Siguro maglomi nalang ulit tayo tapos daan tayo sa isawan haa Zac." Nakangiti nyang saad saakin. Sabi sainyo gusto nya matipid lagi. Kahit gusto kong magbigay ng sobrang laking surprise dahil mas nagtatagal kami. Isang buwan na lang anniversary nanamin.

"Sige ba basta ba ano e.." sabi ko sakanya habang tumatawa na nagpapacute.

"Basta ba ano baby ko?" Ang pangit ba kiligin pag lalaki? Hehe

"Basta ba kikiss mo ko baby ko e" tumawa naman sya ng pagkalakas lakas. Ang ganda niya nakakabaog.

Tumango tango naman sya sa sinabi ko kaya naglakad na kami papunta sa lomihan. Paborito nya to lalo na  pag may itlog na di masyadong luto.

After non dumaan kami sa isawan habang magkahawak kamay. Shempre "holding hands while walking."

"Tara baby park muna tayo" sabi nya saakin habang nakangiti. Shempre pumayag naman ako, sabi ng baby ko e.

Sana ganto na lang kami palagi ng mahal ko.

"Baby ko..." bulong nya sakin. Akala nya siguro tulog na ako. Nakahiga kasi ako sa lap niya habang nakapikit.

"Baby ko sorry kung kailangan kong makipag break saiyo. Kaso..kaso di ko alam kung paano o.. o anong dahilan ang sasabihin ko sayo.." wtf?

"Baby ko mahal kita kaso kailangan ko ng bumitaw." May naramdaman akong pumatak na tubig sa mukha ko.

Inalis nya ung ulo ko sa lap nya. Di ko na sya maramdaman. Di ko na sya marinig. Gustong gusto kong tumayo at habulin sya pero bakit ganon di ko magawa. Puta.

Mahal nya ako pero bat sya bumitaw? Kung kailan magoone year na kami. Bakit nya pa pinatagal? Hype naman.

--
Pumunta ako sa kanila pero di ko nakikitang lumabas. Hindi na rin siya pumapasok. Kailangan kong malaman kung bakit.

Mahal, pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Kung oo, mag kikilay ako para sayo. Pero kung hindi, iexplain mo naman kung bakit mo ako ginaganito.

"Catheryne!" Sigaw ko sa labas ng bahay nila. Ng paulit ulit.

Ng paulit ulit ulit.

Babae lang ba ang pwedeng gumawa nito ang mageskandalo? Kung may iba na sya sabihin nya handa akong maging panakip butas. Kung pagod at sawa na sya saakin, puta kaya kong manligaw ulit. Hindi yung ganito.

"Catheryne!" Tawag ko sakanya ng makita ko syang lumabas ng bahay nila. I miss her. I miss us.

"Ano ba Zac? Tama na okay? Nakakapagod kana! Umalis kana lang dito please lang." mas masakit pala pag harap harapan na.

"Bakit Cath? Kahit un man lang please..." umiwas sya ng tingin.

"Di na kita mahal okay? Hindi na. Ayaw ko na sayo. Masaya kana? So stop this already. Stop messing my life Zaccariah!" Ha..ha ang saya ko. Fuck.

"Cath.. one week pa please? After that I promise hindi na ako mang gugulo. After one week atleast alam ko na diba hindi na ako masasaktan ng ganito diba? Please Cath? One week pa.." I'm begging her.

She said no.

"Atleast let me hug you.." for the last time.

------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Last WishStories to obsess over. Discover now