panaginip,

6 1 0
                                        

ang mga tao'y abala,paroo't parito,
sa kasalang masagana,at tila apurado,
minamadali ang lahat ngunit tila nasa ritmo,
nakahanda ang lahat, organisado't kabisado

ang lahat ng bagay ay nagagayakan,
simula sa mga kurtinang kulay luntian,
mesa at silya naaayusan,
nakahanda na sa okasyong laan,

ang mga abay din ay nakagayak na,
lalaki at babae tila handang handa na,
kaligayahan ang masasalamin sa kanila,
pagbati ang laging maririnig anong kasing saya,

tangan na ang singsing ng batang maliit,
nakabihis man,ay walang kasing kulit,
kaya ang bilin sa kanyang matalinhaga,,
ang mahalagang tangan ingatang hwag maiwala,

handa naring magsaboy ng kanyang bulaklak,
ang batang babae tangan ang basket na may gayak,
mga rosas na bagong bukadkad
sa pagsasabuyan anong halimuyak,

ang mga ninong at ninang,nakapila narin,
pangalawang magulang na ang sa kanila ay turing,
mga pagpapayo sa kanila manggagaling,
upang mapanatag itong aking damdamin,

handa narin ako sa aking pangkasal,
sa adornong perlas ang kagandahan ay litaw,
sa aking tabi hawak ako ni itay,
sa unahang upuan,naroroo't lumuluha si inay,

tila ba sya'y nalulungkot? o masaya lang talaga,
pagkat lumuluha minsan nama'y tumatawa,
ngunit ang ngiti,masasalamin sa kanya,
kasabay ng lungkot iyo ring madarama.

ang pagdarausan nama'y walang kasing ganda,
nagagayaka't bihis ay maganda,
perpektong perpekto sa araw na mahalaga,
sa buhay ko maghahatid ng panibagong sigla,

panibagong yugto ito ng buhay,
na di alam kung anong naghihintay,
ngunit ang natitiyak,ito ang araw na pinakahihintay
habang ako'y inihahatid ni itay,


tumugtog ang organ,nagsimula ang pagmartsa,
ang mga abay ang syang nauuna,
sinundan ng mga batang kaysisigla,
nasa likuran ako totoong kinakabahan na,
mabuti nalang katabi ko amg aking ama,


inaalalayan niya ako,kalakip ng sinserong ngiti,
isang katibayang,sya'y nariyan parati,
anumang mangyari,si itay ang takbuhan,
siya lang ang aalalay sa aking paghakbang,.

nang hudyat ng pagpasok,tila napansin ko na,
natigil ang paghakbang nakalimutang talaga,
sa lahat ng preparasyon tila baga may kulang,
na syang nagpabitin sa nananabik kong hakbang,


natulala ako? natakot at nagtaka?
panong nanyari anong twist sa istorya,
bakit ganito ang aking nadarama,
ang lahat ay parang limot ko na,


ano't aking nakalimutan ang inportanteng bagay,
sa harap wala sa aking naghihintay,
wala pa pala sa akin ay takda,
ano't ang kasiyahan ay naglahong parang bula,


anong nangyari, ano ang nagawa,
handa ang lahat ngunit ikaw ay wala,?!
paano na ang pangarap na kasal,
kung ang kulang ay ang ikakasal?

bakit ganun tila lahat ay lumalabo,
ang kasama kong si ama tila naglalaho,
nawawala ang lahat tila iniiwan ako,
sumigaw ma'y tanging boses ko lang ang naririnig ko,


kung panaginip ay nais magising,
walang nakikinig sa aking hinaing,
nasaan ang kasiyahang kani kanina lang ay sumasalamin,
tila naglalahot kasabay ng pagdilim


walang magawa kundi ipikit ang mata,
pagkat dilim lang ang nakikita,
at tanging kalungkutan ng aking nadarama
ang kaligayahan ko'y nasaan na?


sa pagdilat muli ng aking mata,
isang maaliwalas na umaga,
napangiti ako pagkat naririto sa aking kama,
ang lahat ng naganap panaginip lang pala,
mabuti naman,maari ng magsaya,,


napangiti ako kasaba'y ng pagluha,
pagkat isang alaala ang sa akiy nagpatulala,
sa panaginip, kasama ko si itay,
ngunit matagal na syang nahihimlay,,


oo at natakot ako?
pagkat ang hirap ng naranasan ko,
sa aking kasal wala ang takda ko,
ngunit mabuti nalang at hindi totoo,,


ngunit sa kabilang banda masaya din ako,
pagkat sa ilang sandali si itay ay nakasama ko,
para naring tinupad ang pangarap ko,
na syang maghahatid sakin sa araw ng kasal ko,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

panaginipWhere stories live. Discover now