PROLOGUE

27 0 0
                                        

    "I want an annulment."

    Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para ilabas ang mga katagang iyon nang hindi lumuluha sa harapan ng lalaking labis-labis niyang minahal. Alam niyang mahirap ang desisyong kinailangan niyang gawin nang mga sandaling iyon, pero para sa kanya, iyon na ang pinakamabuting desisyong kanyang magagawa. Para sa sarili niya, para sa mga taong sangkot sa pangyayaring iyon, at lalong-lalo na para sa kanyang nagmamahal ngunit labis na nasasaktang puso.

    Napatayo nang bigla si Stanley nang marinig ang kanyang sinabi. Alam niyang hindi nito inaasahan ang sinabi niya, ngunit hindi na niya iyon mababawi pa. Nasasaktan siya ngayong nakikita itong nahihirapan dahil sa kanyang naging desisyon. Pero paano naman siya? Siya ang naagrabiyado ng sitwasiyon. At nararapat lang na makamit niya ang katahimikang ninanais niya nang mga sandaling iyon.

    "No.", narinig niyang mariing tanggi ng lalaki kasabay ng pagtulo ng masaganang luha sa pisngi nito. "No. No. No. Never, Princess. I don't want an annulment. Please, tell me you don't want to do this to us. Please, babe.", pagsusumamo pa nito sa kanya at lumapit sabay gagap ng kanyang mga palad.

    Sinubukan niyang bawiin ang mga kamay mula sa mahigpit nitong pagkakahawak. Pero katulad ng kanyang paninindigang hindi na babawiin ang naging desisyon ay ganoon din ito kadesididong ayaw siyang bitawan. Bakit kailangang maging ganoon ang reaksiyon nito sa kanyang sinabi pagkatapos ng ginawa nito? Ano bang akala nito sa kanya, uto-uto at isang malaking tanga?

    "I'm sorry. Let me go, Stanley.", aniya sa tonong walang anumang emosyon na mababakas sabay hila ng kanyang kamay.

    Pero hindi siya nito pinakawalan. Bagkus ay mas lalo pa siya nitong hinawakan. Pinilit niyang tinatagan ang sarili at ginamit ang lakas para mabawi ang kamay mula sa lalaki. Nang magtagumpay ay kaagad siyang tumayo at tinalikuran ito. Ngunit agad siya nitong niyakap mula sa likuran. Ramdam niya ang paghagulhol nito sa likod ng kanyang balikat. Gustung-gusto na niyang umiyak sa nakikitang paghihirap ng loob ng asawa. Pero kailangan niyang patigasin ang kanyang puso sa mga sandaling iyon.

    Gamit ang lakas ay sapilitan niyang kumawala sa mga yakap ni Stanley.

    "Let go of me, Stan. Enough of this!", ang mahina ngunit matigas niyang wika. "Wala na itong patutunguhan kaya pakawalan mo na ako."

    "Babe, please. I don't ever want to lose you. Please, huwag mo itong gawin sa atin. I'll make it up to you. Just don't do this to us."

    Gamit ang buong lakas ay kumawala siya sa asawa. Humakbang siya ng ilang hakbang mula rito para magkaroon sila ng distansiya.

    "I guess, I don't have to explain myself to you, anymore. My lawyer will be the one to talk to you and your lawyer about this."

    "Princess, please."

    "Goodbye, Stanley.", pagkasabi niyon ay kaagad na siyang humakbang palabas at palayo sa lugar na iyon. Kasabay ng kanyang pagtalikod ay ang pagtulo rin ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata na kanina pa niya pinipigilan.

    And that was the last time he saw him.

   

  

   

   

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 08, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Don't Say You Love MeHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora