Napatayo ako at lumapit sa kanila. "Bakit kayo nandito? Akala ko ba ay si Dark ang susundo sa 'kin?" Takang tanong ko.

Nagkatinginan muna silang dalawa bago lumapit si mama sa 'kin at kinuha ang dalawang kamay ko. "Hindi matutuloy ang pagbabasa ng propesiya para sa 'yo kirsten." Sabi ni mama.

Kumunot ang noo ko atsaka napatingin kay auntie janice. "Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko sa kanila.

Umiling si mama atsaka tumingin kay auntie janice. Tumango naman si auntie sabay tingin sa 'kin. "Kirsten," Bumuntong hininga muna ito bago nagpatuloy. "Patay na ang taga-basa ng propesiya." Mahinang sabi nito na tama lang para marinig ko.

Umawang ang labi ko. "A-Ano?" Hindi pwede! Hindi...kailangan kong malaman kung ano ang sinasabi ng propesiya tungkol sa 'kin! Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang misyon ko.

"N-Namatay siya n-ng umilaw ang a-aklat ng hinaharap." Nanginginig ang boses sabi ni mama.

Bumagsak na lang ang balikat ko atsaka unti unting lumayo sa kanila. Napaupo na lamang ako sa gilid ng kama at nasapo ang mukha. Ano bang nangyayari?! Bakit ba ito nangyayari sa 'kin?! Ayaw bang malaman ng may lalang kung ano ang silbi ko sa mundong ito! Bakit tila hinahadlangan niya ako!

"Kirsten..." Muli akong nag-angat nang tingin kela mama. Katulad ko ay malungkot din ang mga ito. Napapikit nalang ako at kinalma ang sarili.

Muli akong tumayo. "Pwede ko bang makausap ang hari't reyna?" Mahinahong tanong ko.

"Abala ang buong palasyo ngayon kirsten. Tiyak na ganon din ang hari't reyna." Ani ni auntie janice.

"Anak," Lumapit ulit si mama sa 'kin atsaka masuyong hinaplos ang pisngi ko. "Ang mabuti pa'y dito ka muna at hintaying maging maayos ang lahat. Magulo ngayon sa palasyo dahil sa pag-panaw ng tagabasa." Sabi niya.

Napabuntong hininga ako. "Mama, bakit ganon? Bakit parang ayaw ng tadhanang malaman ko ang propesiya tungkol sa 'kin?" Pinanghihinaan na ako ng loob. At may mga bagay pa rin akong gustong malaman at intindihin.

Alam kong may tinatago pa si dark sa 'kin. Alam kong mas may malalim at mabigat pa siyang lihim. At 'yon ang gusto kong malaman.

"Siguro'y gusto ng tadhanang malaman mo ito sa takdang panahon." Malambing na ani ni mama.

Sa takdang panahon? Kailan pa ba 'yon? Ayokong maghintay ng matagal dahil habang tumatagal ay mas lalo lang akong naguguluhan.

"Karen..." Mahinang tawag pansin ni Auntie kay mama.

Sabay kaming napatingin sa kaniya. "Hinahanap na nila tayong dalawa. Kailangan na tayo." Makahulugang anito kay mama.

"Sige." Bumuntong hininga muna si mama bago muling bumaling sa 'kin. "Bibisitahin nalang kita mamaya. Sa ngayon, ay magpahinga ka na muna." Anito.

Tumango lang ako. At hinayaan silang lisanin ang aking silid. Muli akong napabuntong hininga. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit pakiramdam ko lahat sila ay may itinatago sa 'kin?

Napasinghap ako. Hindi! Hindi dapat ako nag iisip ng mga ganito. Umiling iling ako at iwinaksi ang mga iniisip.

Napatingin ako sa pinto ng veranda nang pumasok mula roon ang lamig ng simoy ng hangin. Kaagad na kumunot ang noo ko, kanina lang ay na-i-lock ko na 'yon. Kaya bakit bukas iyon ngayon?

Naglakad ako papunta doon. At nang akmang isasara ko na ulit ang pinto ng may biglang itim na usok ang dire-diretsong pumasok sa aking kwarto. What the f?!

Paano magkakaroon ng usok rito? Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa kinakabahan ako O dahil sa pagtataka.

"Long time no see, kirsten." Rinig kong sabi ng pamilyar na boses sa likod ko.

Nanlalaki ang mga matang hinarap ko ito. "J-Jiro?! Paanong? Bakit? Anong ginagawa mo dito?!" Gulat at takang tanong ko. Mula nang una ko itong makita sa soccer field nang mga panahong may nasusunod na building sa University ay iyon na rin ang huli naming pagkikita. Hindi ko alam kung pinagtataguan ba ako nito O sadyang hindi lang talaga kami nagkikita.

"Mabuti naman at natatandaan mo pa ako." Ngumisi ito. "Matalas pala ang memorya mo. Kahit isang beses lang tayong nagkita ay kagad mo nang natatak sa utak mo ang pangalan ko." Aniya.

"Anong ginagawa mo dito jiro? At paano ka nakapasok rito sa palasyo?" Pagsasawalang bahala ko sa mga sinabi niya. Alam kong bampira ito. Pero, hindi naman siya kawal O ano mang may katungkulan para hayaang mag-punta siya rito sa palasyo.

Natawa siya. "Easy kirsten, Hindi mo ba muna papa-upuin ang bisita mo?" Ngisi niya.

"Hindi kita inimbitahan dito jiro. Lalo na dito sa kwarto ko." Nagsisimula na akong mairita sa presensiya. Bakit kasi hindi niya nalang sabihin kung ano ang sadya niya at nang makaalis na siya rito, bago pa malaman ni Dark na may lalaki akong kasama rito sa loob. Tiyak na magagalit 'yon.

Napangisi siya. "Ganyan mo ba talaga tratuhin ang isang kaibigang gusto ka lamang bisitahin." May panunukso sa boses niya.

"Hindi ako nakiki-pagbiruan sa 'yo jiro! Ano ba talagang ginagawa mo dito?!" Singhal ko sa kaniya. "Sabihin mo na sa 'kin ang sadya mo, kung ayaw mong tawagin ko ang mga guwardiya rito at ipahuli kita!" Ani ko pa.

Sumeryeso naman siya kagad. "Ganyan na ba ang nagagawa sa 'yo sa pagtira mo rito?" Ipinasok niya ang dalawang kamay sa mga bulsa sa likod ng pantalong suot. "Sabihin mo kirsten, wala ka pa rin ba talagang maalala?"

Kumunot ang noo. "Ano bang sinasabi mo? Umalis ka nalang rito jiro!" Inis kong ani sa kaniya.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya nang humakbang siya palapit sa 'kin. "Hindi mo ba talaga ako naaalala kirsten?" Malungkot niyang tanong.

Hindi ako nakapag-salita. Tila napipi ako sa tanong niya. Napailing ako at sinapo ang aking ulo. Tila may isang alaalang pilit pumapasok sa kaibuturan ng aking utak. At 'yon ang nagpapa-sakit sa ulo ko.

"Alalahanin mo ako kirsten. Ako lang ang totoong nagmamahal sa 'yo. Kaya pakiusap alalahanin mo ako." Bulong niya.

"A-Ahhh..." Lalong kumirot ang ulo ko. Masakit. Sobrang sakit.

"D-Dark...." Mahinang daing ko.

Sinapo niya ang magkabilang braso ko. "Hindi ang lalaking bampirang 'yon ang gusto kong alalahanin mo! Damn it! Ako ang alalahanin mo kirsten. Pilitin mong alalahanin kung sino ba ako sa buhay mo!" Madiing aniya.

Napasinghap ako. Lalong tumitindi ang kirot sa utak ko. Parang may malaking bagay na pilit sinisiksik dito. Sobrang laking bagay na hindi kayang tanggapin ng utak ko.

Napadaing ako sa sobrang sakit. Ramdam ko pa rin ang higpit ng pagkakahawak ni jiro sa mga balikat ko. At tila ba sinusuportahan at inaalalayan akong huwag bumagsak.

"L-Lumayo ka sa 'kin!" Nanginginig kong singhal sa kaniya.

Kahit matindi pa rin ang kirot ng aking ulo ay sinubukan ko pa ring magpumiglas sa kaniya. Pero hindi niya ako hinayaan bagkus ay hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit.

"Pakiusap....Hindi ako papayag na may gawin na naman sila sa 'yo. Hindi ako papayag na ilayo ka nila ulit sa 'kin. Akin ka lang kirsten." Bulong niya.

Sunod sunod na paghinga ang ginawa ko. Bago ko hinayaang ikulong ako ng kadiliman. Ngunit, bago iyon ay nakita ko muna si dark na nasa harapan ko at hindi na si jiro ang nakasapo sa nanghihina kong katawan.

"Magpahinga ka muna, mahal ko...." Huling narinig ko mula sa kaniya bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Hi!

Long time no update hahahaxD.

Sorry po...na-busy po kasi ang lola ninyo haha surrey hihihi.

Mahal ko po kayo! Mwa ;*





KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now