Si BestFriend

6 0 0
                                    

Si Joe yung naging sandalan ko kapag may problema ako, ganun din sya kung may problema sya. Palagi kaming magkasama. Parang nakakabatang kapatid ko na nga ang taong to eh. Si Joe ay mataas, medyo payat maputi,mahinhin pero gwapo at matalino. Sa ilang bwan na pagsasama namin, napagtanto ko na cute pala sya, parang crush ko na nga sya eh pero di pwede kasi magkaibigan lang kami at ayaw kong sirain ang pagkakaibigan namin nang dahil lang sa nararamdaman ko para sa kanya. Isa pa, may puwang parin si memot sa puso ko at di ko talaga sya makakalimutan at kakalimutan. Sabi nga nila, “First Love Never Dies”

Busy na kami sa aming mga pag aaral kaya kinalimutan ko muna ang mga nararamdaman ko, baka malaglag pa ako sa honors at pagalitan ako nang mama ko. Okay lang naman umibig wag lang sobra kaya aral muna.

“Momay, may sasabihin ako.” sabi ni Joe

“Ano yun?” Sagot ko 

“Ah, eh wala. Nakalimutan ko na!” ani ni Joe.

Ano kaya ang nangyari dun? Parang weird eh. Minsan suplado, minsan naman ay sweet, bahala na sya!

Isang gabi nag facebook ako, may nabasa akong post galing sa bestfriend ko.

“Napakadaling magmahal pero mahirap umamin. Ano kaya gagawin ko para magustuhan niya rin ako?”

Yan yung post ni Joe. “Aba nag eemote yung bestfriend ko ah. In love na yata. Ma like ko nga” sabi ko sa sarili ko.

Kinabukasan tinanong ko si Joe, “Oy Joe sino ba yung pinatatamaan mo sa Post mo kagabi? Ikaw ah.. You’re keeping secrets from me.”

“Ikaaw” biglang ubo ni Joe.

“Ha?Ano?” biglang tanong ko.

“Ikaw yung unang naglike sabi ko. Nabilaukan kasi ako kaya ako naubo” sabi niya.

“Ganun ba?”-ako

“Oo nga at di ko sasabihin sayo kung sino sya. Bleehhh!” Pang aasara niya sabay tawa nang malakas.

“Bahala ka nga dyan. Ang labo mo naman eh!” irita kong sagot sabay walkout.

Ano ba tong nararamdaman ko parang may tumutusok na karayom sa puso ko. Nagseselos ba ako? Eh si Memot talaga mahal ko eh. Pero bakit affected ako kay Joe? Haixttttttttttttttt! Ansakiiiiiiiiiiit nang ulo ko. Sino ba talaga laman ng puso ko? Yung bestfriend ko o yung first love ko.?

Nagdaan pa ang mga araw at laging humuhugot yung bestfriend ko sa facebook at ako namang gaga eto like lang nang like, nakangiti na wari’y kinikilig pero di naman ako ang pinapakilig. Bahala na! Aral muna ako.

Isang araw, nakita ko si Memot, nakasalubong at nag usap nang sandali.

“Oy momay musta kana?” sabi niya

“Eh ikaw?” sagot ko.

“Eto, may nililigawan na ako, sana sagutin na niya ako” bigla niyang sagot.

Parang magunaw ang mundo ko sa narinig ko, parang bubuhos ang luha sa aking mga mata pero pinigilan ko. Ayaw kong makita niya na umiiyak ako. Ano ba naman ako sa buhay niya diba?

Naalala ko tuloy nung elementary palang kami............ Pano nalang kaya si Joe? Sino ba talaga? Si Joe o si Memot. Yung Bestfriend ko o Yung First Love ko? Pareho lang naman sila eh, parehong mahal ko pero di naman ako sigurado kung mahal rin nila ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

More Than FriendsWhere stories live. Discover now