Chapter 24: It doesn't matter because no one can make me happy but you.

Mula dari awal
                                        

“Thank you..” She said

While we were eating, tahimik pa din si Samantha, ayoko namang tanungin kagad sya ng tanungin, aantayin ko na lang na sya ang mag sabi kung saan sya galing at ano ang ibig sabihin ng mga sinabi nya kanina.

Unti unti kong napansin na malungkot si Samantha, ang kaninang masayang mukha na pinakita nya, ngayon ay lumalabas na ang lungkot sa mga mata nya.

I didn’t say anything, I just held her hands. Then tears eventually flow from her eyes.

“Do I deserve this pain?” She whispered.

“Of course not, Samantha, tell me what happened..” I told her after I gave her my handkerchief.

“I went to see Lauren, ang kabit ng asawa ko…” Samantha said.

“What? Bakit mo naman ginawa ‘yun Samantha?” Nagulat kasi ako sa sinabi nya.

“Alam ko kasing meron syang alam tungkol sa amin ng asawa ko.. Sinubukan kong makipagkasundo sa kanya, sinabi ko na I’m going to convince Jerome para i-urong na ang kaso laban sa kanya, kapalit ng pagsasabi nya sa akin ng lahat ng nalalaman nya.. Pero hindi sya pumayag, tama nga sya, bakit naman papaya si Jerome na makalaya sya kung talagang may nalalaman si Lauren..nakakainis lang kasi ‘yung sinabi nya kanina..” Samantha said and finally she stop crying.

“Anong sinabi nya sa’yo? Alam mo dapat hindi ka pumunta doon mag-isa.. Sana na samahan kita..” I said.

“Hindi ko na sinabi sa’yo kasi akala ko maayos ko din lahat kanina, lalo lang akong naguluhan.. Alam mo ba kung anong sinabi nya, nung tinanong ko sya kung anong nalalaman nya sa tungkol sa amin ng asawa ko,  tinanong nya ako kung sigurado ba akong asawa ko si Jerome?!” Samantha said and her voice is shaky.

“Sinabi nya ‘yun sa’yo??? Mukhang tama ka nga, marami nga syang nalalaman..” I told her.

“Oo, kaya lalo lang akong nag duda kay Jerome.. Ano bang alam ni Lauren na hindi sinasabi sakin ni Jerome?!?!” Samantha is beginning to lose her patience again.

“Calm down Samantha, mabuti pa magpahinga ka na muna, ihahatid na kita, ako nang mag-ddrive ng sasakyan mo pauwi sa bahay nyo..” I said after I paid the our bill.

I accompanied her as we go out of the restaurant.

.

.

.

.

.

.

Habang nag ddrive ako pauwi sa bahay ni Samantha, napansin kong mas lalong naging malungkot si Samantha, hindi ko ata kayang makita na ganito kalungkot ang mahal ko..

“Samantha, alam kong malungkot ka pa din sa nangyayari sa’yo, sabihin mo naman sa akin anong dapat kong gawin para mapasaya ka.. Ayoko kasing makita kang ganyan..” Sabi ko sa kanya.

“Hindi ko na alam Albert, ang gusto ko lang mangyari, malaman ang totoo, naniniwala ako sa’yo na possible ngang ako si Cesca, gusto kong ibalik ang dati kong buhay, pero bago mangyari ‘yun, gusto ko din shempreng malaman kung saan ang simula ang lahat, paanong naging ako si Samantha, gusto ko lang malaman lahat, pagkatapos nun, babalik na ako sa’yo, ‘yun ang tunay na magpapasaya sa akin..” She said as she tried to hold back her tears.

“Nandito lang ako para sa’yo Samantha, at hindi kita papabayaan, tutulungan kitang maalala ang lahat..” I said.

“Sa tingin ko, may isa pang makakatulong sa’yo.. Are you free this coming weekend?” I added.

“This weekend? Albert pwede bang saka na lang ‘yan, pwede bang samahan mo na lang muna ako, meron akong gustong puntahan, and this time alam kong makakahanap na ako ng sagot..” She replied.

“Ganun ba, okay sure, no problem, sasamahan kita this weekend..” and we are already in he front of their house in New Manila.

“Thank you Albert, paano ka ngayon uuwi nyan? Iniwan mo ng sasakyan mo sa restaurant..” Samantha asked me before we go out of her car.

“’Wag mo kong intindihin, mag tataxi na lang ako pabalik ng Restaurant para mabalikan ko ang sasakyan ko, maaga pa naman.. ikaw ang importante dapat magpahinga ka na..” I said as I gently touch her face..

“So, I’ll see you this weekend?” She told me. And finally, nakita ko na ulit ang ngiti nya.

“Of course..” I said and I can’t help it, I pull her close to me.. I kept staring at her eyes and then to her lips, and we kissed. Then she went inside their house.

 Maybe it is wrong, but it doesn't matter because no one can make me happy but her.

****************************************

FOLLOW | COMMENT | VOTE

Thank you! :)

We Only Part To meet AgainTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang