Till Death Do Us Apart

946 20 11
                                        

             Habang nilalanghap ni Rody ang sariwang hangin sa kanilang terasa ay nagluluto ng kanilang hapunan ang kanyang butihing asawa na si Leni

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

             Habang nilalanghap ni Rody ang sariwang hangin sa kanilang terasa ay nagluluto ng kanilang hapunan ang kanyang butihing asawa na si Leni. Halos dalawampung taon na silang nagsasama magmula noong sila'y ikinasal sa harap ng Poong-Maykapal. Hindi man sila biniyayaan ng supling, nagpapasalamat pa rin sila sa kanilang matibay na samahan na kahit anumang pagsubok ang dumating ay agad nila itong nalulutas dahil sa kanilang tiwala sa isa't isa. Nang maihanda na ni Leni ang hapagkainan, napansin niyang si Rody na nagmumuni-muni sa kanilang terasa na agad niya itong nilapitan upang tawagin at hinawakan niya ang balikat nito.

"Tay, handa na ang ating hapunan...Tara kain na tayo at baka lumamig na iyon, ipinagluto kita ng paborito mo." 

"Oh nay anjan ka pala." Siya'y nakangiti sa kanyang kinauupan. "Kakain na ba? At talagang ipinagluto mo pa talaga ako ng aking paborito huh"

Siya'y tumawa sa pagkagulat ng kanyang asawa. "Aba! oo naman, akala mo ba makakalimutan ko ang espesyal na araw na ito?" Niyakap niya ito magmula sa likod nito at biniro niya. "Ikaw alam mo ba kung anong meron sa araw na ito tay?"

Nagtaka si Rody dahil hindi niya matandaan kung anong meron sa araw na iyon. "Ahh ehh, di ko man maalala ba, bakit ano man meron ngayon?"

Biglang niyang piningot ang ilong ni Rody. "Di mo talaga maalala, wedding anniversary kaya natin ngayon. Ikaw huh, di mo na naalala" Siya'y kunwaring nagtampo na agad namang nanlambing si Rody.

"Ikaw naman nay, halika nga dito..." pinaupo niya ito sa kanyang tabi at pinasandal ang ulo upang magpaliwanag sa hindi niya pag-alala . "makakalimutan ko ba naman ang espesyal na araw na ito? Siyempre hindi, ako kaya yung pinakamaswerte na lalake man noon" 

       Inalala nila ang kanilang nakaraan at ang araw na pinakaespesyal sa lahat ang magbigay pangako sa isa't isa na kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa kanila. Sila'y kapwa nakangiti habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa may kanluran.

"Tandang tanda ko pa kung paano man kita niligawan noon ba, nahirapan man ako sa pag-akyat sa pader ng kapit-bahay namin makapitas lamang ng bulaklak na ibibigay ko sa'yo ba" Tumawa si Leni sa kwento nito. "Sira ka talaga tay, buti hindi ka nakita ni Gng. Rodriguez baka ipahuli ka nun sa mga pulis." Agad namang ibinida ni Rody ang pagiging mailap sa pagtago "Ako pa ba? Hari man ako ng taguan noong kabataan namin" 

           Habang hinahawi ni Rody ang buhok ni Leni ay naalala nila ang pagsubok na dumating sa kanilang buhay na muntikang ikasira ng kanilang relasyon. Ang hindi pagsang-ayon ng mga magulang ni Leni kay Rody. 

"Alam mo nay, handa man kitang itanan noon sa mga magulang mo ba. Pero ipinaglaban kita at pinatunayang karapat-dapat ako sa iyo." 

Naramdaman ni Rody na tila may pumatak na tubig sa kanyang damit at agad tinignan kung ano iyon. Napansin niya na umiiyak na pala si Leni dahil sa mga kwento nito. 

"Bakit ka man umiiyak nay? May masakit ba sa iyo at ipapatingin kita sa doktor." 

Agad sumagot si Leni habang pinupunasan ni Rody ang luha nito.

 "Wala tay, naalala ko lang kasi na ipinaglaban mo ako kahit ayaw sa iyo ng mga magulang ko, hindi ko lubos akalain na ang isang Rodrigo Duterte ang magseseryoso sa isang katulad ko." Si Rody ay basagulero, babaero at kilala sa kanilang lugar na siyang ayaw ng kanyang magulang ni Leni dahil alam nilang sasaktan niya ang kanilang anak.

"Ano ka ba nay? Mahal kita at alam mo ba, magmula noong makilala kita ay nagbago ako. Hindi na gaya ng dati na lahat binabangga ko." Agad niya itong hinalikan sa noo upang ipakita ang kanyang pag-alala sa kanyang asawa dahil ayaw niya itong nakikitang umiiyak.

"Salamat tay, akala mo ikaw ang swerte? Pero ako iyon, ni hindi mo nga ako pinabayaan sa lahat ng bagay eh, lagi kang nandiyan sa likod ko. I love you"

"I love you too." BIglang naalala ni Leni na kailangan na nilang kumain ng hapunan upang mainom na ni Rody ang gamot sa kanyang sakit dahil lingid sa kaalaman ng nakararami ay may malubhang karamdaman ito na dulot ng kanyang katandaan. "Tay hindi pa ba tayo kakain? Iinom ka pa ng gamot." 

"Hindi pa ako gutom nay, ang sarap kaya ng hangin dito busog na ako lalo na't kasama pa kita.Hehehe."

"Hay naku Rodrigo Roa Duterte, ayan ka naman sa pagiging bolero mo."

"Masaya man lang ako ba.Alam mo, wala akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko at kung mamamatay man ako at binigyan ng pagkakataong mabuhay muli, ikaw uli ang pipiliin ko. Ikaw ang bigay ng Maykapal Leni"

"Kung anu-ano pinagsasabi mo tay huh, magtatampo ako sige ka."

"Pwero biro man nay, matanda na tayo at anumang oras, mawawala na tayo. Di ko man alam kung ako man mauuna o ikaw. Pero wala man na akong hihilingin pa sa Diyos, binigay man niya na lahat ng hinihingi ko. Makasama ka man lang sa natitirang oras ko."

       Madalas na nagiging ganun si Rody sa tuwing inaalala niya ang kanyang malubhang sakit na ikinatatakot ni Leni ngunit hindi niya ipinapakita kay Rody na siya'y mahina.

"Ako rin tay, wala na akong hihilingin pang iba. Ikaw lang, sapat na"  Hinawakan ni Leni ng mahigpit ang mga kamay ni Rody habang sila'y nagmumuni-muni.

"Nay, anjan ka pa ba? Wag mong bibitawan ang mga kamay ko huh?"

Nanlamig si Leni dahil sa mga salitang namutawi sa mga bibig ni Rody.

"Oo tay, andito lang ako. Hindi kita iiwan ok?"

Ngumiti si Rody dahil sa kasiguraduhan na hindi nga siya iiwan ni Leni sa kanilang kinauupuan. Biglang kinanta ni Rody ang kanilang theme song habang hinihimas ni Rody ang likod ni Leni.

"Ikaw, ang bigay ng maykapal, tugon sa aking dasal, upang sa lahat ng panahon, bawat pagkakataon, ang ibigin ko'y ikaw. 

  Ikaw, ang tanglaw sa aking mundo, kabiyak, nitong puso ko, wala, ni kahati mang saglit, na sa yo'y 

May ipapalit, ngayo't kailanma'y ikaw. "

     Habang kinakanta ni Rody ito ay hindi tumitigil ang mga patak ng luha ni Leni dahil sa pagkanta nito.Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Rody.

"Nay, inaantok na ako...Pwede bang matulog muna ako?"

    Biglang nadurog ang puso ni Leni sa mga binanggit ni Rody.

"Sige tay, matulog ka na muna. Gisingin kita mamaya huh?"

"Sige nay, ipipikit ko na ang mga mata ko at paggising ko kakain na tayo. "

"Sabi mo yan huh at baka malamig na yung paborito mong pagkain." Sabay punas sa kanyang sipon at luha sa mga mata.

"Nay?"

"Oh tay?"

"Pwede man bang magrequest ng isang beses?"

"Ano 'yun tay? Kahit ano."

"Pwede mo bang sabihin na mahal mo ako?"

"Yun lang ba? Kahit ilang beses ko pa sabihin yan tay, hinding hindi yan magbabago...Mahal na mahal na mahal kita Rody"

        Nang oras na iyon, hindi na kumibo si Rody at siya'y mahimbing na natutulog. Makikita sa kanyang mga ngiti na wala siyang pinagsisisihan sa buhay. Tinanggap ito ni Leni dahil sa nalalapit na panahon ay magkakasama silang muli ni Rody....Sa langit...

------------

DuBredo One ShotsWhere stories live. Discover now