Noong December 2015 sinama ako ni papa sa manila para dumalo sa isang meeting ng mga engineers kahit di pa ako engineer pero sumama ako noong paalis na kami dito sa legaspi 2 ng hapon habang naghihintay kami ng sasakyan naming eroplano linibang ko muna ang sarili ko naglaro muna sa cellphone ko at nanuod ng NBA. Nung nakarating na ang eroplano sumakay na kami ni papa patungo sa manila.Nung makarating kami sa manila kumain muna kami sa airport kasi nakakagutom sa biyahe pakatapos namin kumain lumabas na kami para mag hintay ng taxi nung nakasakay na kami traffic ng makaramdam ako naiihi ako nun. Buti nga malapit na kami sa my train station nag cr muna ako tas inutusan ako ni papa para mag line makabayad ang haba ng pila. Nung makatapos ako ng pila grabe ang init tas siksikan nung naghihintay kami ng mrt napansin ko nagtatakbuhan mga tao akala ko kung anu yun pala rush hour na labasan na ng mga estudyant.Nung dumating na ang train nag tutulakan ang mga tao nung nasa loob na ako siksikan ang init nung nakababa na ako kami ni papa ramdam ko na agad ang pagod dahil dun sa tulakan sa loob pumasok kami ng train na fresh paglabas namin para na kaming mga spartan sa pawis. Pakababa namin naglakad kami onti para makarating dun sa office nina papa. Pagdating namin dun nakakahiya kasi yung pawis ko parang naglaro ng basketball maghapon buti nga may pangpalit ako. Pakatapos ni papa pumunta sa office niya diretso na kami sa hotel sa my quezon ito ulit mangdidigma naman sa loob ng train. Pakadating namin sa hotel bihis agad ako at naglinis at nakatulog agad dahil sa pawis, kinabukasan iniwan ako ni papa sa hotel kasi maga attend siya ng meeting ako naman naiwan lumabas ako nang saglit sa hotel para magalmusal pumasok ulit at natulog. Kinagabihan nun Christmas party nila papa sa office nila sinama niya ako dun at kumain ako ng marami kasi masasarap naman talaga ang mga nakahain dun eh. Nung matapos ang party na iyon mga 11 na nun hinatid kami ng service ng opisina nila kasama din ang ibang mga engineers hanggang makarating kami at sabi ni papa matulog na daw ako kasi 7:30 daw ang flight namin kaya natulog ako ginising ako ni papa mga 4 na ng maaga kasi ma traffic daw dun. Nung makarating kami sa airport pagtingin ni papa sa ticket yung flight pala namin 5:40 hindi 7:30 pumunta kami sa booth dun para bumili ulit ng ticket pero wala na daw ubos na kaya nag bus nalang kami pauwi.
