Hay....... uwian na at friday na ngayon, nag lalakad ka sa school ground nyo habang iniisip na napakabilis nang araw, kailan lang nung unang pasok mo nung monday pero ganun parin ang mga kamag aral mo, tahimik, walang alam at inosente, wala ka pang ding mga kaibigan. Hay, sabagay.... siguradong mahihiya yung mga yun na makipag kaibigan sa mga gaya ko. Sa ganda kong ito? Tsk! Sa isip isip mo
"Ouch, pwede bang tumabi ka at tumingin sa dinaraan mo?" Bulyaw mo sa isang lalaking naka bangga sayo, "sorry" sagot nito "tatanga tanga kasi eh!" Sabi mo pero tinitigan ka nang lalaki at sinabing, "last day na ngayon Ms. Ikaw siguro yung bago? Alam mo bang kating kati na sila sayo? Tsk! Syempre hindi, napaka inosente mo eh" sabi nya bago tumakbo.
"Sinasabi nun? Abnormal." Bulong mo lang tchaka naglakad na papunta sa gate nang school kung saan nag hihintay ang sundo mo.
Mabilis na lumipas ang araw, monday nanaman at papasok kana sa inyong paaralan suot syempre ang dress mo na bagong bili nang daddy mo sa Paris dahil wala namang school uniform ang school nyo na ipinagtataka mo samantalang highschool palang naman kayo.
Pag dating mo nang school ay naglakad ka papunta sa room nyo, nag tataka ka kung bakit wala man lang tao sa school grounds, monday ba talaga ngayon? Sayang naman ang outfit ko. Sa isip isip mo
Nakita mo ang mga studyante na nagkukumpulan sa grounds kaya naman napakamot ka, may flag ceremony ba? Okay narin para mairampa ko ang aking outfit. Pag katapos ay nag lakad kana pero nakaka ilang hakbang ka pa lang ay may sumigaw na nang "nandito na sya!"
Naglalakad na silang lahat sayo habang may hawak na baseball bat at nanlilisik ang mga mata a-ako bang tinutukoy nila? Naguguluhan kana sa mga pangyayari nang may biglang nagsalita sa likod mo "kung ako sayo ineng mag tago kana, hindi ka titigilan nang mga yan, si (insert your crush name here) lang makakatulong sayo kaya takbo na, malapit na sila"
Pagkatapos sabihin iyon nang guro ay tumakbo ka nang napaka bilis, hinabol ka nila pero takbo ka lang nang takbo hanggang sa mapunta ka sa pinaka likod at kahulihuliang parte nang school, "shit, ano nang gagawin ko?" Bulong mo habang nanginginig sa takot nang may narinig kang,
"Ms. Transferee, magpakita kana kasi wala ka narin namang tatakbuhan eh" na boses nang lalaki, lalo kang kinabahan nang may biglang "Ms. Ganda kamay mo bilis!" Na boses nang lalaki, tumingala ka at nakita mo sa taas nang puno si "sino ka?" gulat na gulat na tanong mo
"Bilis na, nandyan na sila!" Kaya agad mo namang inabot ang kamay mo, saktong pag akyat mo ay ang pagdating nang mga estudyante, "fuck! Hanapin nyo sya dali!" Sigaw nang maganda ring babae sa baba, nagsitakbuhan naman sila para hanapin ka, samantalang naiwan ang magandang babae kasama ang mga kaibigan nya,
"Natatandaan mo sya?" Bulong nang katabi mo at umiling ka naman. Bigla namang nagsalita ang isa sa kaibigan nang babae sa baba, "ano ba kasing kasalanan sayo nang babaeng yun Queen (insert your mortal enemy name here)? Tanong nito, "nilandi nya si king (insert your crush name here)"
Bigla nalang napa chuckle ang katabi mo at bumulong nang "sabi ko na ngaba" ikaw naman ay naka kunot noo sabay sabing "wala naman akong nilalanding ganun ah, isa nga lang ang lalaking kinausap ko mula noon, imposible namang sya yun eh pangit nga yun eh, nerd tapos mukhang lampa na napaka simpatiko pa, eh diba pag king pogi? baka hindi ako yung sinasabi nila? Naku, mag papaliwanag ako. Wait lang bababa ak------- "
hindi mo na naituloy ang sinasabi mo dahil niyakap ka nya at sinabing "wag! Mapapahamak ka" pero nag kamot ka lang nang ulo at sinabing "hindi nga sabi ako yun, yung simpatikong nerd lang lang at........... tama! May lalaki pa akong kinausap na nakabangga sa akin, hala.... baka yun yung King? Pero bakit ampangit ata nya?" Tanong mo at natawa nalang ang katabi mo.
Ilang sandali pa ay nag si alisan na ang mga babae sa baba, maging kayo ay bumaba narin, pinag pag mo ang damit mo at tumingin sa lalaking tumulong sayo, "Ang gwapo mo pala?" Tanong mo rito, "luh, as in sobrang gwapo mo talaga" ngumiti naman ito nang nakakaloko sabay smirk,
"Hala may dimple ka? Ayyy,,, ang cute mo talaga, mula ngayon crush na kita" pag papatuloy mo, "salamat ah? At...... you are welcome nadin" sagot nya, "ay, simpatiko kadin eh, hindi ka makapag hintay na ako mag thank you? Hmmmf ka turn off ka naman eh," sabi mo at tumawa ito,
"alam mo may kaboses at kahawig ka, hindi ko nga lang maalala kung saan ko nakita, basta!" Pagpapatuloy mo, "wala yun, tara na nga" aya nito at nag lakad ka nadin naman pasunod sa kanya
"Lahat nang gagawin at sasabihin ko makisakay kanalang ah?" Patanong na sambit nito, "ha? Bakit?" Naguguluhang tanong mo naman, "for them to stay away from you, para tantanan kana nila" sabi nito at hinawakan ang kamay mo.
"Guys, nandito nanaman sya!" May sumigaw ulit at lahat sila lumapit sayo,
Bakit kasama nya si........
Oh my! Hhww?
Sweet!!!
Tsk! Landi talaga,
Papatayin sya ni Queen nyan.
Ilan lang yan sa mga bulong na naririnig mo nang may biglang dumating, yung babaeng tinawag kaninang queen "so, you are with him again? Tsk! Unbelievable," Sabi nito na nakapag pataka sayo, mag sasalita ka palang sana nang biglang nagsalita ang katabi mo na nakahawak sa kamay mo,
"Because shes my girl, and from now on! I dont want to see you hurting nor touching her because as you all knew, my girl is my girl." Sigaw nito, sari saring komento ang mga naririnig mo samantalang ikaw ay tulala padin, pero mas lalo kang natulala sa huling sinabi nya,
"And one thing more, from now on I dont want you calling me king, just call me prince and this girl beside me is my princess, come on babe, I'll drive you home, I know you are tired." Sabi nya habang inalalayan ka papuntang kotse nya,
buong byahe ay wala kang ginawa kundi tumunganga, at nang tumigil na kayo sa tapat nang bahay nyo ay pinag buksan ka nya, "i-ikaw si k-king?" Tanging tanong mo lang, "not until today, now I am just a prince while you are my princess, just search for our school babe, good bye"
and with that he left you dumbfounded.
