Suicide Note

17 0 0
                                        


            Nang halikan mo ako may isang bahagi ng pagkatao ko ang nabuhay,isang nabuong mundo kung saan ikaw lamang at ako ang naroroon.Tila naging napakadali lang sayo ng lahat,dahil saglit lang ikaw na ang naging buhay ko,sayo na umikot ang mundo ko.Ngiti mo lang naaapektuhan mo na ang buo kong pagkatao.Mga paru-paro sa sikmura,pusong hindi na gumagana ng tama at isip na kinain na ng sariling sistema.

           Lahat ng mga kwentuhan,lahat ng mga tawanan,nabuong pangako at pangarap.Nasaan na lahat ng iyon?Aalis ka sa buhay ko na parang dumaan lang.Alam mo ba kung gaano karaming babae ang gustong mapunta sa posisyon mo?!Pero 'wag kang mag-alala hindi naman kita ipagpapalit sa iba,hindi ko hahayaang mangyari 'yon,hindi tayo aabot sa sitwasyong iiwanan mo ako,kasi bago mangyari 'yon hawak ko na ang puso mo.Nararamdaman mo ba kung gaano kahigpit ang pagkakahawak ko?Ganoon din kita kamahal,nakakasakal.Naaamoy ko pa ang sariwang dugo na tumutulo sa kamay ko,nararamdaman ko pa ang pagtibok nito.Sayang!dahil wala ng mabubuong kwento sa inyo ng bago mo.Sinabi ko naman sa'yo 'di ba?!Wag kang makikipaglaro sa'kin dahil mas bihasa ako sa'yo.Malas mo lang dahil ako ang minahal mo at mas malas mo lang dahil ikaw ang minahal ko ng sobra.Dito na magtatapos ang lahat...Paalam madayang mundo.

PS:Ako na ang nagmay-ari ng puso mo.Mabait pa naman ako kahit papaano,ipapadala ko ang sulat na 'to sa mahal ng pinakamamahal ko para malaman niyang magkasama na tayo sa mundo kung saan tutuparin natin ang lahat ng tinapong pangako.

ThresaurusWhere stories live. Discover now