Maraming tao ang may ibat ibang talento
Marami rin ang may kakaibang talento
Pero tulad nila may talento rin ako
Talentong maipagmamalaki ko
At ou hindi ko ito ikakahiya
at ito ay ipagmamalaki ko
ipagmamalaki ko tulad ng pagmamalaki ko sayo
at ou lahat ng ito ay totoo
Mahal magaling ako
Magaling akong ngumiti kahit masakit na
Magaling akong maging tapat kahit niloko na
Magaling akong Magmahal kahit sinaktan mo na
at ou lahat ng ito ay talento ko
hayaan mong ibahagi ko saiyo
ng malaman mo.
Ang mga kinakaya ko.
Para sayo
Magaling po akong magbago ng anyo
Nagmimistulang hunyango
sa harap ng pamilya at kaibigan mo
Magustuhan lang nila ang tulad ko
At mas mahusay pa ako sa mga bading
na kumakain ng apoy tuwing pyesta
Dahil kaya kong lunukin ang pride ko
Magkabati lang tayo
at ou lahat ng ito ay talento ko
hayaan mong ibahagi ko saiyo
ng malaman mo.
Ang mga kinakaya ko.
Para sayo
Mahal magaling ako
Magaling akong magbulagbulagan kahit harap harapan na
Magaling akong umako ng pagkakamali wag ka lang mawala sakin
Magaling akong mahalin ka kahit mahal ang pagmamahal mo ay napawi na
At lahat ng ito ay ginagawa ko
Dahil sa pagmamahal ko sayo
At sa tingin ko
kung sumali man ako sa kahit anong patimpalak
Ay magwawagi ako
Dahil sa lahat ng ginawa ko
Naging tanga na ako
Para sayo
At mahal sa huling pagtatanghal ko andun ka
Isa ka sa taong papalakpak
Isa ka sa taong mabibilib
Kapag naging magiling narin ako sa pagsuko
At sa pagsara ng tela ay maglalaho ako
Kasama lahat ng lahat alaala at pagasa
Sawakas naging nakuha ko na ang talentong gusto ko
Yung ang makalimot sayo
YOU ARE READING
TALENTO
PoetryIto ay tula para sa mga taong ginagawa ang lahat para sa mahal nila Ito ang Talento
