Meron akong kwento,
May mahal ako, SOBRA. Ewan ko kung baket pero.. Siya yung taong maalaga, mapagmahal at sobrang bait niya. Prinsesa ako sa paningin nya, Hindi niya ko pinagsasalitaan ng masama o masasakit kasi nga prinsesa ako pinahahalagahan niya ko. alam niya pag nagkakamali siya, nagsosorry siya, at tinatanggap niya lahat. Hindi niya ko nakakalimutan sa bawat ginagawa niya at plano niya sa buhay kasama ako, nandun ako. Masaya siya pag nakikita ako, nakakasama ako. Lagi kaming nagkukwentuhan sa mga bagay bagay. Open kami sa isa't isa. May mga pag aaway pero pagkatapos non alam nyang lalambingin niya ko alam niyang susuyuin niya ko. Hindi ako sinusumbatan non. Hindi siya nakikipagsabayan saken pag mainit ulo ko, nag iisip kasi siyang mabuti kung tama ba gagawin nya. Hanga ako don, kasi tangina sobrang maturemagisip nun kesa sakin alam niya gagawin niya. Sobrang saya ko don, sobrang mahal ko yon kung ano siya at sino siya. Pinaparamdam niya saken kung gano niya ko kamahal, kaya hindi ko na kailangan pang magtanong sakanya kasi naipapakita at naipaparamdam pa niya.
Kasooooooo....
Nawala siya bigla. Hindi ko alam kung baket? Nagtanong ako sa sarili ko na baka may nagawa ako, teka magsosorry ako aantayin ko na bumalik siya, tanong kasi sakin nya non kung ayaw ko siyang matututo? Gustong gusto ko naman siyang matuto! Natatakot lang ako na baka sa sobra niyang pagtuto iwan ako, ayun nangyare nga, hahahaha nakakatawa diba? Kinakatakutan ko to oh, iniisip ko non baka mga 21 magbabago na siya, yun pala 17 lang, kaibigan niya at pamilya niya hinahanap siya kasi hindi na daw nila nakikita yon sagot ko palagi. "Ah hindi ko alam, ako nga na mismong girlfriend niya iniwan ako ee" hahahaha tanong ng ate niya "buti natitiis mo pa?" Tanong ng mama niya "bat naman ganon yun"
Sabi ng mga kaibigan niya "hindi naman ganon yun dati ha? Nakakapanibago kahit nga kami ee ganon din" payo nila "hindi ka dapat nakakaranas ng ganan babae ka ee, lalaki siya! Lalaki siya diba? Matalino yon diba? Bat hindi niya alam gagawin, bakit biglang nagbago siya, hayaan mo na siya kalimutan mo na siya."
Sagot ko.. "Okay lang ako, mag aantay ako, malay nyo diba? Ayoko siyang kalimutan kasi nakafocus na ko sakanya ee siya na talaga. Aantayin ko siya."
So nag antay ako ng 3 buwan 4 na buwan oh 5 buwan.. Wala paren,
Hangga't sa wala na talagaaaaaaaaaaa hindi na ko siguro aasa, hindi na siguro ako mag aantay, baka kasi sobrang saya na niya don, sobrang saya na siya sa mga kasama niya, guguluhin ko pa ba?
Kung babalik siya. Sobrang saya ko.. Buo na pagkatao ko. 😊 gagawin ko lahat wag lang siyang mawala ulit, miss na miss ko na siya, miss na miss ko kung anong meron kami. Siya mismo! Miss ko na siya
Kung hindi n siya makakabalik, sobrang laking pasasalamat ko nalang.. As in sobra.. Sobrang thank you sa pagmamahal na naranasan ko sa konting panahon. Asahan niyang hindi ko makakalimutan kung anong naigawa niya para saken. Sobrang saya na niya ngayon ee sobrang taas na niya, hindi na namin siya mareach, so hindi na namin siya guguluhin, thank you nalang
YOU ARE READING
Kwento
RandomKwento ng isang babaeng naghahangad ng pagmamahal, binigyan ngunit panandalian lang
