"Balita ko, bukas na dadating si Chloe, hindi daw next week." sabi ni Rilvic.

"So, sama siya saatin bukas sa starbucks?" tanong ko

"Siguro." hindi siguradong sagot ni Rilvic

"Late ako makakauwi mamaya, mag babasketball kami ng mga kaibigan ko. Kayo muna ni Rilvic ang umuwi ng sabay mamaya ah." sabi ni Bryan

Nalungkot ako bigla. "Bawi ka bukas ah." malungkot kong sabi "Naman!" energetic na sagot niya.

Napatawa na lang kami ni Rilvic dahil kay Bryan. Ang bibo niya ehh.


Dismissal time

"Hali ka na Rilvic, uwi na tayo." sabi ko.

Lumapit siya saakin at nagsimula na kaming maglakad.

"Alam kong hindi basketball ang pinunta ni Bryan." biglang nagsalita Si Rilvic.

Anong ibig sabihin niya..?

Napatigil ako sa paglalakad at napansin niya iyon kaya tumingin siya saakin.

"Makikipag break na daw talaga siya kay Tina. Sasabihin niya daw na clear na yung sinasabi niyang wala na sa kanilang mamamagitan at lalayo na sila sa isa't isa."

Bryan..bakit di ko yun alam..? Akala ko may tiwala tayo sa isa't isa..?

Inihatid muna ako ni Rilvic sa bahay ko at nakasalubong ko si Hazel.

"Kakaiba talaga ang nagagawa ng mga magagandang babae kagaya mo ate, iba iba ang naghahatid sayo pauwi ah." tumawa ng malakas bigka si Hazel

Hay nako Hazel.

"Friends ko lang sila, mas mabuti ang single Hazel, sarili mo lahat ng oras." nag smile ako.

Tumaas na ako papunta sa room ko at humiga agad sa bed ko.

Bryan anung meron sayo?

Nagising agad ako ng 10 am at naligo agad pagkatapos ay nag almusal.

"Saan punta mo ate?" tanong ni mommy

"Sa mall po kasama sina Rilvic at Bryan. Ewan ko nga kung sasama si Chloe ehh." sagot ko

"Mag ingat doon hah, kay Bryan ka lang dumikit o kay Rilvic."

Pinagkatiwalaan na ni mommy sina Bryan at Vic, Vic na lang for shot ng Rilvic. Sila yung nag aalaga sakin pag may lagnat ako sakaling wala sina mommy at daddy.

"Alis na po ako." pagpapaalam ko kay mommy

"Ingat ate." huling sagot ni mommy.

Naglakad na ako palabas at pumunta sa mall. Pagkapasok ko sa mall ay nakita ko agad sila Bryan, anjan na si Chloe.

"Traffic sa Edsa, sorry." sabi ko.

"Ok lang yun, hali ka na." sabi ni Rilvic.

Kumalabit sa arm ko si Chloe, naglalambing nanaman to.

"Balita ko..kasama mo si Bryan mag Christmas at New year, maging kayo na kaya?"

Haist Chloe.

"Ulol." tumawa ako.

Pagkadating namin sa starbucks ay nag order agad kami at naghanap ng mauupuan. Nakahanap kami ng table at naupo.

"Ako na lang kukuha ng order natin." sabi ko sa kanila.

Pumunta ako sa counter, tumakbo ako dun. Di ko namalayang may dadaan na lalake na may dalang coffee at nasagasa ko siya.

Nahulog yung cup at nabasag.

"Oops. Sorry." tinignan ko yung damit nung lalake, hindi naman natapunan ng coffee na dala niya.

Huminga siya ng malalim at cold na tumingin siya saakin, tumitingin yung mga tao saamin, and yung mga waiter.

"Ok lang, hindi rin naman ako tumitingin sa dinadaanan ko. Same rin sayo."

Hah..?


Pinulot niya yung cup at yung mga broken pieces.

"Ako na lang po sir." sabi nung waiter.

Nakatayo lang akong tumitingin sa kanya. Mistiso.. Namumula ang kanyang cheeks, kulot ang buhok, cute, muhkang inosente.

Nawala ang tingin ko sa lalake nang may humawak saakin. Si Bryan pala.

"Sorry bro hah." sabi ni Bryan

"Ah ok lang, walang damayan, parehas naman kami."


Im so careless. Umupo na lang kami ulit sa table namin. "Bes anyare?!" tarantang sabi ni Chloe "Sorry na." sabi ko.

Namalayan kong may nagbigay saamin ng order namin.

Yung lalake nanaman!?..

"Nakalimutan niya kunin yung order niyo." sabi nung lalake.


"Ah, salamat." short reply ni Bryan.


Napatingin ako sa lalake, bago siya lumabas ay tumingin siya saakin at nag smile, sabay umalis siya, gumaan ang pakiramdam ko.

"Teka."

Umalis nasiya at di ko nahabol.

Ano kaya pangalan niya?

A/N

Yay tapos na ang chapter 2!!! Tapos na rin ang bagyo!

______________________________________________

-Accelerator-kun

UnbrokenWhere stories live. Discover now