REENA XIE IMPERIAL: THE LAST PRINCESS

249 6 1
                                    


A/N:

Hello sa mga magbabasa nito! Please watch the video before reading. It serves as a trailer/summary for you to further understand the flow of the story. Thank you and hope you enjoy! ^_^


If a man wants you, nothing can keep him away. If he doesn't want you, nothing can make him stay.  -Anonymous 



------REENA'S POV------



Mabilis akong nagising sa maganda kong tulog ng makarinig ng ingay ng mga nagtatawanang babae mula sa garden. Umaga na pala kaya napabangon ako sa aking higaan at mabilis na nagtungo sa may bintana at binuksan ng kaunti ang mataas na kurtina na abot na sa sahig. Nakita ko sa may garden na naghahanda na ang mga modelo ng Sophisticated Angels, ang bagong pakulo ng Sophisticated Perfume na pagmamay-ari na ngayon ng mommy ko na si Joreen Xie Imperial. Ang daddy ko naman na si Acer Madrid Imperial ang nagpapatakbo ng Nice Creatives at ng Buenaventura T.V Station na parehong mula sa aming angkan. 


Ako si Reena Xie Imperial; maganda, mayaman at kilala hindi lang dahil sa pagiging Imperial ko kundi dahil ako lang naman ang nagdedesenyo ng mga damit ng Sophisticated Angels at isa sa sikat na designer dito sa Pilipinas.Matindi ang panghihinayang ng lahat dahil ang pagiging artist lamang ng mga magulang ko ang nakuha kong katangian sa kanila. Marami ang umaasa na susunod ako sa yapak ng aking ina dahil kilala itong modelo ngunit tanging mala-anghel lang na mukha ang meron ako dahil bata pa lang ay may takot na akong humarap sa maraming tao o may "fear of the crowd". 

Isang malakas na katok at pagbukas ng pinto ang nagpagising sa aking diwa. Agad iniluwa 'nun si yaya Sina.

"Ms. Reena tawag ka na po sa ibaba."

"Sige po yaya, susunod na ako."


Pababa pa lang ako ng hagdan ay nakita ko ng nag-kumpulan na sa sala at complete attendance ang 3rd Generation ng Imperial Family maliban sa kanilang mga asawa. Nandito sila upang tulungan sina mommy at daddy sa event. Bata pa ako nung huli ko silang makita at nababasa ko na sila noon sa aklat na gawa ni tita Kai. Kung ang Imperial Ladies ay puro mga babae maliban kay lolo Light, ang 3rd Gen. naman ay halo-halo at tanging si daddy lang ang nabiyayaan ng anak. Siguro kung nabubuhay pa 'yung malupit na si lolo Zheng sigurado akong hindi niya rin ako magugustuhan.


"Reena? Ikaw na ba yan!?" matinis na tanong ni tita Nami.

"Naku. Kaygandang bata naman." Papuri naman sa akin ni tita Kai.

"Reena, bagay kang mag modelo. Sayang naman. Itry mo kaya?" Saad ni tita Tiffa.

"Hayaan mo Reena andito ako. Isa akong sikat na artista at kailanman ang mga Imperial walang kinakatakutan kaya tutulungan kita." Pagmamalaki ni tito Clyde sabay kindat sa akin.

"Maraming salamat po mga tito at tita." Nahihiya kong sagot sa kanila sabay upo sa sofa.

"Tama na iyan. Okay heto ang plano. Malaking event ang magaganap ngayong gabi dahil ito ang comeback launching ng Sophisticated Angels matapos ang nangyari noon kay Anna Go. Marami ang sikat at kilalang tao ang dadalo at live itong ie-ere sa Buenaventura TV Station.

Nickel at Maki, kayo na ang bahala sa Security. Akira ikaw na bahala sa sound system. Nami, Clyde at Earth sa intermission number. Si ate Kai ang Host at sina Cyrus at Tiffa naman ang magiging special guest; ang Dark Angels sa Runway. Reena sa backstage ka at siguraduhin mong tama ang damit na imomodelo ng mga Angels. Understood?" striktong paliwanag ni daddy.

THE LAST PRINCESS OF IMPERIAL FAMILYWhere stories live. Discover now