Hi, hello. Kamusta ka na?
Kamusta na ba ang liwanag ng buwan na iniilawan ka?
Kamusta na ba ang simoy ng hangin na nilalanghap ng mga bata?
Kamusta na ba,
Kamusta na ba ang mga luhang pumapatak sa iyong mga mata?
Kamusta ka na?
Na sa simula pa'y minahal ko na.
Sa bawat paglakad, pagngiti, pagimik, pagtawa, pagkisap ng mga mata at paghikbi ay tinaggap ko na.
Ngunit nandiriyan sya.
Nawala lang ako ng saglit ay nasa kanya ka na.
Huminga, ipinikit ang nga mata, ipinagdikit ang mga palad, ipinatak ang mga luhang namuo sa aking mga mata,
Tumungo, huminga ng malalim, at lumuhod sa harapan mo.
Nagmakaawa, at humingi ng tawad, ngunit wala ka na.
Bumitaw ka na.
Umayaw
Umalis
Nasan ka na ba?
Antagal na nating di nagkikita ah.
Kamusta ka na?
YOU ARE READING
Mga Sulat Ko Para Sayo
Humorcompilation of tagalog poems, written by MakatangUmasa.
