Team A - Entry #1 FIVE OF SEVEN: WSGEP

En başından başla
                                    

"Huwag kang mag-alala kung male-late tayo. Alam naman nilang abala ka sa mga ginagawa mo kaya okay lang 'yan."

Habang abala sa pag-uusap ang dalawa, lingid sa kaalaman nilang mayroong magtatangka sa kanilang buhay.

Isang putok ang umangalingawngaw. Tumama ang sunud-sunod na bala sa kanilang sasakyan na naging dahilan upang sila'y mapayuko. Ngunit huli na nang yumuko si Mike dahil natamaan siya sa ulo ng balang nanggaling sa lalaking nakasakay sa isang motor at wala pang plaka. Agad na naalarma si Miriam sa nangyari nang matigil ang pagputok at makaalis na ang lalaking dahilan ng engkwentrong iyon.

"Mike!" natatarantang sigaw ng pangulo habang hindi na napigilan ang pagdaloy ng mga luhang agad na nagsibagsakan mula sa kaniyang mga mata. "Tumawag ka ng ambulansya, manong. Bilis!"

"Gusto mo na bang isuko ang pagkapangulo at mamuhay ng ligtas?" Isang tinig ang agad niyang narinig. Papalubog na ang araw, tanda na sa anumang oras ay magdidilim na ang paligid. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses na iyon, ngunit bigo siyang makita kung sino ang nagmamay-ari niyon.

"Sino ka? Magpakita ka sa 'kin!" sigaw niya sa kawalan. Patuloy pa rin sa paghahanap ang kaniyang mga mata.

"Hindi ako ang kalaban mo, Miriam. Hindi rin ako ang nagtatangka sa buhay mo. Sa katunayan, ako pa ang tutulong sa 'yo sa kagustuhan mo."

Tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang buong paligid. Isang malamig na kamay ang naramdaman ng pangulo sa kaniyang balikat at nang lingunin niya kung kanino iyon, halos atakihin siya sa puso dahil sa pagkabigla at takot na biglaang tumakbo sa kaniyang buong katawan.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa 'kin? Demonyo!" Mapupulang mata ang agad na bumungad sa kaniya. Nakatingin ito ng deretso na mas lalong nagpanginig sa kaniyang laman.

"Binibigyan kita ng pagkakataong baguhin ang iyong kapalaran, Miriam. Iyon ay kung papayag ka sa inaalok ko." Nakakabaliw na ngiti ang pinakawalan nito. Hindi pa rin maiwasan ni Miriam na manginig sa takot.

"At paano naman mangyayari 'yon?" tanong naman ni Miriam na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

"Purong galit ang kinikimkim ng iyong puso, at iyan ang hinahanap ko sa isang tao. Ang ganiyang katangian ang binibigyan ko ng pagkakataong maghiganti at baguhin ang kanilang kapalaran." Nakangiti pa rin ito na animo'y may malalim na binabalak. Agad na nagkaroon ng lagusan sa isang puno malapit sa kanila na pinalilibutan ng itim na awra.

"Hindi ba't galit ka sa mga taong nagtangka sa buhay mo na naging dahilan kung bakit na-comatose ang asawa mo ngayon? Hindi ba't gusto mong gantihan ang mga taong nasa likod ng pagkapahamak ng mahal mo sa buhay? Pwes, gamitin mo ang galit na 'yan para makuha mo ang inaasam mo."

Tila nakaramdam ng hilo si Miriam nang lumalim ang tingin ng kausap niya sa kaniya. Nakaramdam siya ng biglang pagliyab ng damdamin sa kaniyang puso na hindi niya alam kung ano at paano nangyari.

Hindi na niya namalayang kusa na siyang naglalakad papunta sa lagusang ginawa ng demonyo. "Hindi ko hahayaang mabuhay ng payapa ang mga taong 'yon. Magbabayad sila!" sigaw niya. Bago pa man tuluyang makapasok, bakas ang punung-puno ng galit sa kaniyang mukha.

Nang tuluyan na siyang lamunin ng lagusan, isang malakas na halakhak ang pinakawalan ng demonyo. "Tagumpay ang plano ko!" at saka ipinagpatuloy ang malakas na paghalakhak sa malalim na boses.

---

"AYOKONG sumama sa inyo, Ma. Maiiwan na lang ako rito," sambit ng pitong taong gulang na batang si Bobby.

"Huwag kang tatamad-tamad diyan! Wala kang kasama rito kaya kailangan mong sumama sa 'min ng Papa mo!" galit namang bulyaw ng kaniyang ina. Hawak pa nito ang pamaypay na anumang oras ay ipapalo sa kaniya.

Blitz #5 - DekadaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin