Ano nga ba talaga ang gusto ko? Mula nang makita ko si dark ay biglang tumibok nang malakas ang puso ko. Nalilito na rin ako sa mga bagay na gusto ko. Kung dati ay sigurado na akong ayokong maging bampira'y ngayon naman ay parang unti unti ko nang natatanggap.

Napa-buntong hininga ako. totoo ba ang napa-naginipan ko? Ako ba talaga 'yun? Pero, bata pa ako roon at bata din si dark doon? Paano nangyaring magkasama kami sa isang panaginip na ganun? Gayong, kaka-kilala ko pa lang sa kanya.

Naguguluhan ako. At lalo pa kong naguluhan nang mapansin kong nasa ibang kwarto ako! Damn! Ni hindi pamilyar sa 'kin ang silid na kinaroroonan ko. Lahat pa nang gamit dito'y puros antique, na tingin ko ay pinaglumaan na talaga. Pero mukha pang maayos ang mga gamit, siguro'y inaalagaan ang mga ito nang mabuti.

Sinubukan kong bumangon at namangha ako nang wala akong maramdamang ni katiting na panghihina. Pakiramdam ko ay bumalik na ulit ang lakas ko.

Nang masigurado kong ayos na ako ay agad na akong naglakad palapit sa pintuan. Nakakapagtaka rin na tila di nakakaramdam nang takot ang sistema ko na.

Hindi pa man ako nakaka-lapit sa pinto nang bumukas ito at iniluwa nun si mama. Ngumiti siya sa 'kin pero hindi na 'yung ngiti niya dati.....tila may kakaiba.

"Mabuti naman at gising kana." Nilapitan niya ako saka sandaling yumakap. "May masakit pa ba sa katawan mo? May nararamdaman ka pa bang kakaiba?" Tanong niya.

Bumuntong hininga ako saka ko siya tiningnan nang diretso sa mata "Ma," Alam kong may problema at gusto ko 'yong malaman, pero siguro'y di muna ngayon. "Nasan tayo mama?" Tanong ko at pagbabalewala sa mga tanong niya.

"Kirsten," Napayuko siya saka inabot at hinawakan ang dalawa kong kamay, "Nasa palasyo tayo ngayon nang mga bampira. At Gusto kong magpaka-tatag ka sa mga darating pang araw na pamamalagi natin rito." Muling umakyat ang tingin niya sa 'kin, at dahil doon ay nakita ko ang matinding kalungkutan at takot sa mga mata niya. "Ayaw ko mang malaman mo ang lahat ay wala na akong pagpipilian. Ito na lang kasi ang paraan para ma-iligtas kita."

"Anung ibig mong sabihin ma?" Nagtatakang tanong ko. "Di kita maintindihan."

"Si dark na ang magpapaliwanag sa 'yo nang lahat. Alam kong mas mai-intindihan mo kung siya ang magpa-paliwanag sa 'yo."

"NAGUGULUHAN ako dark. Anu ba talagang nangyayari?" Tanong ko sa kanya.

Tinitigan niya muna ako bago sumagot "Sigurado ka bang handa ka nang malaman lahat?"

"Oo," Wala sa sariling sagot ko. Handa na nga ba ako?

Bumuntong hininga muna siya "Unti-unti muna kirsten para hindi ka mabigla." Sabi niya saka mataman akong tinitigan "Sa ngayon, bago ako mag-kwento ay gusto ko munang humingi nang tawad sa 'yo." Nag iwas siya nang tingin.

"Humingi nang tawad? Para saan dark?" Takang tanong ko.

Bumuntong hininga ulit siya "Sa mga nagawa ko sa 'yo noon."

Lalo akong naguluhan "Noon? P-paano? Hindi ba't kaka-kilala pa lang natin sa isa't isa?" Takang tanong ko.

Mapait siyang napangiti. "Hindi kirsten." Lumungkot ang mga mata niya "Matagal na tayong magka-kilala."

"Ano?" Nanlaki ang mga mata ko. Umawang ang mga labi ko sa sinabi niya. H-How? Paano nangyari 'yun? Bakit wala akong maalala?

"Nasa sinapupunan pa lang tayo nang ating ina ay kilala na natin ang isa't isa. We are bound to each other kirsten."

Lalong unawang ang mga labi ko. Gulat na gulat ko siyang tinitigan. "P-Paano? B-Bakit? Bakit w-wala akong m-maalala?" Naguguluhan kong tanong.

Tumigil siya saglit. Yumuko siya at pilit iniiwasan ang mga titig ko. Nakita kong na-kuyom niya ang mga kamao niya.

"It's my entire fault." Nahi-himig-an ang pagsisisi sa tinig niya.

Natahimik lang ako. Hindi ako kumibo at nanatili lang akong nakatayo sa tabi niya. Naghihintay sa mga susunod niya pang sasabihin.

Ang hirap paniwalaan ang mga sinasabi niya. Ang pagkaka-alam ko ay ngayon ko lang siya na kilala and then it turns out na matagal na pala. Ang hirap talagang paniwalaan nang bagay na 'yun.

Kaya pala may iba na akong nararamdaman nang una ko siyang makita. Kaya pala ang bilis nang tibok nang puso ko nun. 'Yon pala ay matagal na kaming magkakilala.

Ibig sabihin ba nito ay totoo ang naging panaginip ko sa aming dalawa? Ibig sabihin mula nang bata pa ako ay umi-ibig na ako sa kanya? Ngunit, di ko pa rin maintindihan. P-paano ko siya nakalimutan?

Tinitigan ko siya at dun ko lang napansin na nakatitig rin pala siya sa 'kin. Sa mata pa lang ay alam ko nang nagsisisi na siya sa mga nagawa niya NOON daw. At hindi ko alam 'yun kaya hindi ko alam kung kaya ko ba siyang mapatawad ngayon.

Napasinghap ako nang muli siyang magsalita at sa pagkakataong ito ay naging malinaw na ang dahilan kung bakit wala akong maalala.

"I'm sorry kirsten. That time i don't have a choice. Kailangan kong piliing alisin ang mga alaala mo para sa ikatatahimik nang buhay mo at para maiwasang kamuhian mo ako."

*****

Woah! So hard to think hahahahxd.

Hi guys :) I hope nagustuhan nito ang chapty kong ito. Nakaka-dry po nang utak.

Natapos ko po itong chapter 24 ngayong araw 12/16/16 ----1:10 A.M....huhuhu opo inu-maga na ako, para sa chapter na 'to. Sana po magustuhan niyo. O kahit man lang maapreciate niyo :)

Salamat po sa mga reads, votes at comments :) love you guys :)

Happy birthday sa pinsan ko :) jasper samoranos.

Sorry po ngayon lang ako nakapag-update. Yung oras po kasi eh baka mahuli ako nila mudra hahahahahahxd.

#voteandcomment

Qoute for the day!
        I look at but you were looking at her. How sad is that? I love you but you were inlove with her. Do i have to say sorry for being late in entering your life?

See you next chapter! Mwa :*

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now