GIRLINLOVE Meets JERON TENG

Magsimula sa umpisa
                                    


"Sige anak mag iingat ka palagi ha? Mahal na mahal ka ni Mama. Mauuna na ko."


Kiniss niya ako sa noo tapos hinatid ko na siya sa labas.

Kailan ko kaya makakasama ng matagal si Mama? :/

"Hoy! Galing dito si Tita?"

Sigaw ni Ron mula sa itaas.


"Obvious ba? Di mo ba nakita? Di mo narinig?"


"Oo! Wala kasi akong mata , tsaka tenga!"


Nag sisigawan nanaman kami.

Hindi na kami nagkasundo nitong Pinsan ko -,-"


Saturday ngayon. So anong pwede kong gawin?


Hmmmmmm?

ahhh! Pupunta ko kina Misty.


Nag suot agad ako ng Tsinelas at nagtatakbo na sa bahay nila.

"Misty! Misty!"

"Hoy Babae. Ano ba't sumisigaw ka?"


Tapos niyakap ko siya.

"Oh bakit ka yumayakap? Teka na. Hahaha. Nag lalambing ka nanaman bestfriend?"

Tapos tumingin ako sa kanya ng nakaka loko.


"Ah! Ice Cream? TARAAAA!"

Tapos pumunta agad kami sa kusina nila at kumuha siya ng Ice Cream.


Ay graaaabeee! Ang sarap.

"Besfriend kailangan ko na atang mag hanap ng trabaho."


"Teka? Bakit naman?"


"Eh ayoko naman kasi sa bahay nalang lagi , atsaka wag kang maingay kay mama."


"Nako Jedah mukhang mahihirapan ako mag tago kay tita. Kabilin bilinan ni Tita wag daw kitang hahayaang mapagod."

Hay nako! Palagi naman eh. Ilang buwan na kong naka tanga sa bahay.


Gusto ko ng may ginagawa.


"Pero bestfriend may itatanong ako sa'yo."

Bigla naman ako napatigil sa pagkain ng Ice Cream.


"Ano yon?"


"Ayaw mo pa talagang mag Boyfriend?"


Ayan nanaman siya.

Lagi nalang niya akong tinatanong kung ayaw ko pang mag Boyfriend.


"Ikaw nalang Misty."

"EHHH! Bestfriend naman. Bakit kasi---"

Tapos kinuha niya yung hawak hawak kong baso na may laman ng ice cream.


"Hoy teka akina nga yan!"


"Hindi ko ibabalik sayo 'to hanggat di mo sinasabi yung dahilan."


-_____-"


"Ayoko pa kasi nga ayoko , ayoko ng problema , ayokong masaktan , ayoko ng lahat."

"Ayaw masaktan? Eh di ka pa nga nagkaka boyfriend."

"Kaya ngaaa! Kaya nga ayaw kong masaktan. Ngayon? Pwede mo na bang ibalik yung Ice cream ko? Pabitin ka Friend!"


"No!"

0___0


-___^

"Hoy teka! Sinagot ko na diba? Ano pa bang gusto mong malaman?"

GIRLINLOVE Meets JERON TENG i.ƒ.mTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon