Chapter 1

91 0 0
                                        

This will be my second story.
Thank you for reading ONE NIGHT WITH A KOREAN GUY. Sana basahin niyo rin po eto.

Thanks guys! Enjoy reading.

THIRD PERSONs POV

Maagang nainlove si Zia, at the age of 12, 1st year high school, she had her first boyfriend pero dahil bata pa sila that time, their relationship lasted for more than 3 months only. And she had her 2nd boyfriend after 10 months of being single. Their relationship lasted for more than 8 years but they went through a lot.

Their story started when she was in second year highschool. His name was Julius; matangkad, maangas na mayabang pa, magaling sumayaw, kasali sa banda ng school niya, gwapo kaya habulin hindi lang ng mga babae kundi pati mga beki, mabisyo, mabarkada, hindi sineseryoso ang mga bagay bagay, happy go lucky.

Zia is a simple school girl, hindi siya ganun katangkad, 5'2" while Julius is 5'10", morena, hindi magaling pumorma, walang dating, cheering squad member din siya ng school niya, at dahil mahigpit ang papa nia bahay at school lang siya. Feeling niya masyadong komplikado ang pagkatao niya at magulo ang kwento ng buhay niya.

Paul was her ex-boyfriend courting her again since the school year (for 2nd year highschool) started at dahil hindi na sya interesado sinabi niyang may bagong boyfriend na siya. Paul is a good man, iyong tipo ng taong super bait, caring at ipaparamdam na sobrang mahal na mahal ka niya to the point na sobrang ang corny na and too proud na girlfriend ka niya. Hindi sila nag aaway dahil masyadong understanding si Paul but to Zia she got bored kasi wala daw thrill iyong relasyon nila so she broke up with him.

Jay, Julius youngest brother is courting Zia since she was in grade 6, pero dahil mas bata si Jay ng isang taon, hindi siya pinatulan ni Zia though she likes him too.

She promised herself na hindi siya magkakaroon ng boyfriend ulit after Paul and to focus muna sa pag aaral, but not until Julius came.

He met him nung elementary days palang nila, laging tambay eto sa tindahan malapit sa bahay nila at lagi siyang inaasar at sinusungitan pag nakikita siya kahit wala naman siyang ginagawa at hindi niya naman ito pinapansin. Zia remebered one time nung pumunta siya sa tindahan  para bumili "Ate, pabili nga po ng napkin iyong modess with wings" Pabulong niyang sabi sa tindera pero narinig ni Julius at inasar siya ng inasar "Baka ilipad niyan yang ano mo dahil may pakpak yan, sige ka." Sabay tawa ng malakas. Inirapan niya lang ito at umuwi na siya dahil nahihiya siya sa mga taong nakarinig sa pang aasar sa kanya.

Madaming beses pang nangyari ang pang aasar sakanya ni Julius na hindi niya pinapatulan. Dumating iyong araw na hindi na niya na ito nakikita "Nakakamiss din pala ang mokong na iyon" sa isip isip niya. Hanggang sa may nakipag textmate sakanya at naging close sila.

Intramurals sa school nila Zia at kinukulit siya ng mga kaibigan niyang ipakilala daw niya ang bagong boyfriend sakanila. "Busy siya friend. Next time nalang." Palusot nalang niya sa mga kaibigan niya dahil wala naman talaga siyang maipapakilala sakanila.

"Naku friend ha! Niloloko mo lang ata kaming may boyfriend ka para hindi ka na namin kuliting makipagbalikan kay Paul!" Sabi ni Vin, ang baklang bessy niya. Dahil kaibigan din nila si Paul kaya tinutulungan nila siyang kumbinsihin akong balikan siya. Kaso wala na talaga kay Zia yun. Isa pa ayaw sa kanya ng isang ate ni Paul, kaya gustuhin man niya, natatakot siyang baka magalit ang ate niya kahit wala namang sinabi ang ate ni Paul na ayaw niya kay Zia ay iyon naman ang nararamdaman niya.

"Friend naman! Busy sa practice. Soon. Ipapakilala ko din sainyo. Promise talaga!" Iyon ang sinabi niya para sana ay makumbinsi niya si Vin para manahimik na ito.

Tinignan niya si Paul na nasa basketball court that time. "Pero alam mo friend! Effort na effort na si Paul oh! Mahal na mahal ka niya, ewan ko ba sayo, mabait naman siya, sobrang bait. Gwapo naman. Proud na proud pa sayo. Nagwala pa nung naghiwalay kayo, iniyakan ka niya friend! Ang swerte mo nga at ganyan siya sayo. Saan ka makakahanap ng ganyang lalaki friend? Iyong totoo, ang shunga mo din talaga eh noh!" Pang aasar ni Vin kay Zia.

Alam niya naman lahat nang iyon. Pero kahit ilang beses niyang sabihin sakanilang hindi na talaga niya mahal si Paul ay hindi sila naniniwala. Kaya tumahimik nalang siya. "Message mo nalang iyong so called boyfriend mo ng i love you bebe girl, kung may boyfriend ka nga talaga para maniwala kami at para hindi ka na din namin kuliting makipagbalikan kay Paul. Kasi nakakaawa na din iyong tao oh, ang tagal niya ng nanliligaw ulit sayo." Sabi ni Yel, isa sa mga barkada nila.

Gosh! Sino? Sino naman ang imemessage ko at mag a i love you ako. Alangan naman mga kuya ko! Panic mode na siya! Mahuhuli na siya for sure, kukulitin lang siya lalo. Sigurista pa man din ang mga barkada niya, siguradong tatawagan nila iyong imemessage niya to make sure na boyfriend niya nga ito. Haist!

She browesed her contacts sa cellphone niya. Then she saw Julius' name. Siya nalang! Bahala na mamaya! Magpapaliwanag nalang ako sakanya! Siguradong hindi naman niya seseryosohin tong i love you na toh!

To Julius: I LOVE YOU:*

Juskow! Bahala na! Sent!

"Ayan na tapos! Nag i love you na ako. Tigilan niyo na ako ha. Utang na loob!"

Tumayo na siya at dapat ay aalis na nung biglang inagaw ni Vin sakanya ang phone niyan. "Wait ka lang diyan friend! Baka ginu good time mo kami eh. Antayin natin ang reply niya para sureness talaga eto friend."

Wala pang limang minuto ay nagreply naman si Julius, si Vin ang nagbasa. >I love you too. Ibig sabihin sinasagot mo na ako? Tayo na for real?<

"Akala ko ba friend boyfriend mo na siya? Bakit tinatanong niya kung sinasagot mo na siya?" Nagtatakang tanong ni Vin sakanya.

"Baka nakalimutan niyang sinagot ko na siya friend. Baka akala niya joke time lang nung sinagot ko." Palusot niya

"Ok friend! Nagreply ako ng OO para malinaw na sakanya na sinasagot mo na siya! Naniniwala na kami. Congratulations friend. Hindi man si Paul ang boyfriend mo, masaya kami for you." Niyakap nilang lahat si Zia.

Wala na akong lusot neto. Kailangan ko siyang kitain mamaya para magkaliwanagan kami! Baka kung saan pa humantong ang ginawa ko!

To Julius: Magkita tayo after class. May sasabihin ako sayo.

From Julius: See you! Antayin kita sa tindahan malapit sa school niyo. Ingat ka.

Kinakabahan ako! Ano kayang mangyayari......

The OneWhere stories live. Discover now