[18] WHEN THINGS GO RIGHT AND WRONG

Comenzar desde el principio
                                    

"S-Salamat naman ho kung ganun nga ang tingin niyo sa akin."

Natuwa siya sa narinig na sa kabila ng pagbabago ng hitsura at istilo ng pamumuhay ni Grace, hindi rin naman pala tuluyang nagbago ang ugali nito. Kahit naging misteryosa ito pagdating kay Blake, batid niyang totoo naman ipinakita nitong kabaitan sa kanya. "Kumusta ho pala ang naging pag-uusap niyo ng lalaking iyon?" pagbalik niya sa orihinal na topic nila.

Bumunot si Aling Cresencia sa bulsa ng uniporme, naglabas ng cellphone at inilapag ito sa mesa.

"Ano ho ito?" taka niya.

"Binigay niya sa akin, gamitin ko daw para kontakin siya kapag nakita ko na ang pinapahanap niyang cellphone. Ayaw ko nga sanang tanggapin dahil sa edad kong ito nahihirapan na akong umintindi sa pagkalikot ng mga cellphone na iyan, kaya lang sabi niya pindutin ko lang daw yung number one tsaka itong call makokonekta na daw ako sa kanya. O di kaya naman daw siya tatawag sa akin para makibalita."

Dali-daling kinuha niya ang telepono at tinawagan ang number na nakasave dito.

"Ano nakokontak ba?" atat na tanong ng matanda.

"Hindi ho, nakapatay,"napapaisip na bigkas niya. "Baka para sa inyo lang talaga ang numero na ito at baka gagamitin niya lang kapag nakahanda na siyang magpakontak o kaya naman siya na lang ang tatawag sa inyo,"

"Kelan mo nga pala ibibigay sa akin ang cellphone na hinahanap ng lalaking yun?" tanong ulit ng janitress.

"Kapag nakapagset na tayo ng lugar kung saan kayo pwedeng magkita. Hindi ko to basta-basta maibibigay sa inyo dahil isa ito sa mga pinakamahalagang bagay na nagkoconnect sa amin sa suspect. Sa makalawa, tawagan niyo siya at kung sakaling makontak niyo sabihin niyong hinahanap niyo ulit ang cellphone at tawagan niyo ako kaagad. Sa araw ding yan ibibigay natin ang cellphone sa kanya. Kailangan ko lang ng mga ilang oras para makapaghanda kasama ng mga kasamahan ko bago natin siya katagpuin."

"I-Ibig mong sabihin, may mga pulis na nakapaligid sa amin pag nagkita kami. H-Hindi ba delikado yun?" kinakabahang sambit ng matanda.

"Huwag kayong mag-alala nay. Mahinahon ko siyang iimbitahan sa presinto para kwestiyunin dahil wala naman kaming solid na ebidensiyang kriminal nga siya. Magsasama lang ako ng mga kasamahan ko para makasiguradong hindi kami matatakbuhan kung sakaling magiging negatibo ang reaksiyon niya sa pag-iimbita ko sa kanya. Ang magiging reaksiyon niya rin sa sitwasyon na ito ang makakapagpatibay sa hinala namin kung sakali ngang may kinalaman siya sa pagkamatay ni Divine," maamong paliwanag niya.

"G-Ganun ba. Sige basta, magtitiwala ako sa iyo. Kahit ganitong may edad na ako, iniingatan ko pa rin ang sarili ko dahil meron akong dalawang maliliit na apong umaasa pa rin sa akin," tugon ng matanda nang may matamlay na boses.

"Huwag kayong mag-alala nay, sisiguraduhin ko hong hindi kayo malalagay sa panganib. Ang kaligtasan niyo pa rin ho ang pinakamahalaga sa amin."

Dumating ang mga inorder nilang pagkain. Habang inilalatag ito sa mesa ng waiter, tumunog ang telepono ni Alex. Tumatawag ang kanyang hepe.

"VALDEMOR!"

Napangiwi siya at mabilis na inilayo ang telepono sa tenga sa lakas ng singhal ng opisyal.

"B-Bakit ho chief?"

"Ano tong taxi driver na nagrereklamo dito sa headquarters?!"

"Taxi driver, nagrereklamo? Sinong inirereklamo?" taka niya.

"SINO PA EH DI IKAW?!" singhal ulit ng opisyal.

Muling inilayo niya ang cellphone sa tenga. "Haist,"nakasimangot munang wika niya habang tinititigan ang telepono, saka ito muling ibinalik ng dahan-dahan sa tenga. "Ako? Bakit ako? Eh ano naman daw ang reklamo niya?"

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora