Dear Kings

11 1 1
                                        


Dear Kings,

Hey! dude, bro, brad or whatsoever. How are you? I hope that your NOT okay. Tsk!

Anyway, masaya na ba kayo ngayon?

Well, bakit ko naman yan tinatanong? Obvious na obvious naman na ang saya-saya nyo na. Lalo na kapag nakasakit na kayo ng mga babae. Diba? Tss.

Langya kayo! Ano pang rason ng pangliligaw nyo samin kung sasaktan nyo lang at iiwan? Huh! Tao pa ba kayo? Matapos namin kayong sagutin at mahalin ng buong-buo, heto lang ang naging kabayaran niyo sa amin. Ang SAKTAN kami ng paulit-ulit!

Sabi pa nga niyo "Ang mga babae hindi sinasaktan. MINAMAHAL!". at heto pa "Ang mga babae NIRERESPETO. Hindi GINAGAGO."

Eh, kung sapakin ko kaya kayo ngayon? Bwesit. Puro lang kayo SALITA hindi naman GINAGAWA. Langya!

Tsk! Tao lang din naman kami katulad niyo ah! Pero kung makaasta kayo para na kaming mga hayop. Tanging hangad lang naman namin dito sa mundo ang mamuhay ng payapa tapos ngayon ipagkakait nyo pa.

Buti pa ang gobyerno may nagawa pa para alagaan at protektahan kami laban sa inyo! Buti nalang talaga may Anti-VAWC Law dahil kung wala.... siguro wala ng kababaihan dito sa mundo.

Hays! Talagang nag-iba na talaga kayo ngayon, noh? Hindi tulad nung dati na ang protective niyo masyado, napakagentleman, parati lang kaming pinapasaya, pinaparamdam niyo sa amin na para kaming isang prinsesa, pinaparamdam niyo na kami lang at wala ng iba.

Pero ngayon, ano ng nangyari sa inyo? Bigla lang kayong nagtransform. Naging manloloko, bolero, sinungaling, paasa at nang-iiwan. How sh*t! Gumising naman kayo oh!

Hays!

Ilang bituin pa ba ang bibilangin namin, ilang simbang gabi pa ba ang gugugulin, ilang 11:11 pa ba ang hihintayin at ilang piso pa ba ang itatapon namin sa balon para matupad na yung hinahangad at pinapangarap namin na maganda at payapang buhay kasama ang pamilya namin at ....

Pati narin yung dating kayo.

Kailan pa ba yun darating?

Darating pa ba yun?










DARATING KA PA BA?

Hate,
Queen.

KING vs. QUEENWhere stories live. Discover now