NYX CRUZ
"Goshess bestieeee!" sigaw ni Yana ng makita akong nakadapa sa daan. "Ano nangyare sayo? Tatanga tanga ka nanaman Nyx!" Dugtong nya sa sinabi nya. Sino nga ba hindi magugulat? Bigla bigla akong nadapa ng wala namang tumutulak. Buti hindi nakita ni Owen nabatukan na siguro ako nun.
"Nadapa lang eh." Sabi ko kay Yana pero deep inside naiiyak na ko habang tumatayo. Araytsu mashakettt may sugat ako.
"Nyx! Yana! Ano nangyare?" Sabi ni Owen patakbo papunta sa amin. Nahalata siguro niyang hindi mapinta mukha ko. "Ano nangyare sayo Nyx Cruz!" sigaw sakin ni Owen. "Yana anong nangyare kay Nyx?" Tanong niya kay Yana.
"Nadapa yang si Nyx jusko. Napakalampa talaga ng babaeng yan Owen." Sabi ni Yana kay Owen.
"Patingin." Madiin na sabi ni Owen. By that pinakita ko na tuhod ko at kamay kay Owen. Nakakatakot kase baka magalit sakin.
"The Heck! May sugat ka Nyx! Let's go home right at this moment. Kailangan gamutin yang gasgas sa tuhod mo." Pag kasabi ni Owen nun hinila niya na kami palabas ng EK ni Yana.
"Nyx. Sobrang protective ni Owen sayo ah." Bulong sakin ni Yana hoping that hindi narinig ni Owen yun. Probably hindi nga narinig hindi kase kami pinansin pagkasakay namin sa Honda CR-V niya.
"Hays. He is like that even before nung mga bata pa kami." Sabi ko kay Yana.
Yana Isabelle Milton is my Cousin. Siya ang natatangi kong pinsan na kasundo ko sa Father side ko. Mga Bitches na kase at Jerks yung iba. Sometimes lang kami mag kita ni Yana noon because she is studying sa ibang bansa. Ngayon yata sa iisang school nalang kami mag-aaral ng College sa Ferraguz University na kami. Malapit na pasukan nakakakaba kase Freshman lang kami so it means maraming gwapong makikita dun which omg marami nga kase college na kami.
"Nyx. Yana. Baba na." Sabi ni Owen ng seryoso.
Owen Gabriel Ferrah kababata ko. First Crush, First Love, First Hug basta halos lahat ng first. Magkaibigan na kami since 6 years old. hanggang ngayon na malapit na kong mag 18. Bestfriends Parents namin kaya allowed ako umuwi ng gabi na basta si Owen kasama ko. Tiwalang tiwala sa kanya parents ko kaya maski matulog na ko sa Condo Unit niya okay lang. Pinagtatakpan niya ko sa mga kalokohan ko. Sumugod nga siya dito nung nalaman niyang break na kami ng First Boyfriend ko na kaibigan niya. Grabe akala ko wala siyang gagawin kase niyakap niya pa si Ares. Jusko pag yakap niya bigla niyang sinapak sa mukha.
"Nyx. Yana. Umupo na kayo sa couch just wait here." Sabi ni Owen. Lagi nalang siyang ganito pag nadadapa ako or nasusugatan. Sobrang sungit niya hindi katulad pag walang nangyayare sakin.
"Nyx? Why ganyan si Owen sayo?" Tanong ni Yana.
"Hay nako Yana yang iniisip mo itigil mo kaibigan ko lang siya." Sabi ko kay Yana. Yan nanaman siya sa pag iisip na may something samin ni Owen. "Atsaka Yana impossibl-." naputol sasabihin ko ng dumating si Owen na may dalang first aid kit.
"Be careful next time Nyx." Sabi ni Owen nung nilagyan niya na ng betadine sugat ko.
