Pilipinong Manunulat Assemble

4.7K 75 267
                                    

Magandang araw sa inyong lahat!

Ang book club na ito ay mula sa pagtutulungan namin ni @Be_myTRUEself at siyempre yours truly. Open po ito sa lahat ng Genre.

Tunguhin ng club:

1. Gusto lang po namin na tayo ay magtulungan at ma-critique ang mga istorya.

2.Gusto rin po namin na maging magkakaibigan tayong lahat hindi lang dito sa club kung hindi pati sa labas nito. Bawal po dito ang snobs.

3. Ayaw din po namin ng away sa club kaya panatilihin po natin ang kapayapaan dito.

4. Puwede po kayong umalis o magpahinga ayon sa nais ninyo. Wala rin pong pressure sa pagbabasa kahit kailan ninyo po siya matapos pero siyempre mas may advantage yung mabilis magbasa.

Rules:

1. Say "I WANT" if you would like a partner and say " Tapos na po" kapag tapos na kayong basahin ang story ng partner ninyo.

2. Required po kayong basahin yung 5 parts ng story ng partner ninyo at as much as possible makapag-comment po kayo sa lima

3. Magkakaroon po tayo ng featured writer linggo-linggo at para maging featured writer ay magkaroon tayo ng botohan at ang mananalo ay magkakaroon ng pagkakataon na mabasa ng lahat ang story.

*Parang maging featured writer ay kailangang basahin ang featured story ng buo at nakapag-comment sa halos kalahati ng featured story.*

4. Gusto po sana namin na maging active kayo sa club at makipagkaibigan sa mga members kung kaya't tuwing linggo po ay magkakaroon tayo ng laro at sana po ay sumali kayo. For further announcement na lang po ito dahil bawat linggo ay iba iba ang gagawin natin.

5. Add ninyo po ito sa reading list ninyo for updates at ita-try po namin na magpair araw-araw.

At finally sa mga gustong sumali pasagutan lang po ang mga tanong na ito at pa-post ang mga sagot sa comment section:

I want

Username:

Reasons you want to be a P.M.A.er:

The story you want to be read and background of the story:

And tag it to @RadixGrayCe 'cause she would be the one to welcome you

Click the external link for the thread.

At yung mga magiging members ay ipo-post na lang namin sa mga message board nila ito.

"Welcome P.M.A.er"

Pilipinong Manunulat AssembleWhere stories live. Discover now