CHAPTER 15

5.3K 109 1
                                    

MAAGA akong pumasok ngayon para maka-usap siya. Ayokong magtanim nang sama ng loob sa kanya dahil alam kong kahit siya ay naging biktima rin. Wala rin naman akong balak na umiyak gabi-gabi at magmukmok sa kwarto, hindi ako pwedeng maging mahina, lalo na ngayon.

Dumiretso na ako sa garden nang school at agad siyang hinanap. Alam kong kanina niya pa ako hinihintay. Madaling araw niya pa kasi akong tinxt at nung mga oras na 'yun ay nasa school na daw siya.

Matipid akong ngumiti nang makita ko siyang naka-upo sa isang bench, malapit sa mga bulaklak. Hawak hawak niya ang cellphone niya at bahagyang naka-yuko. Halatang inaantok pa siya, pinipigilan niya lang.

Bumuntong hininga muna ako bago ko siya nilapitan. Umupo ako sa tabi niya nang hindi siya tinitingnan.

Naramdaman kong natigilan siya saglit bago nagawang makapag-salita "Sandy...." Malungkot ang tinig na ani niya.

"Gabriel...." Halos pabulong ko nang sabi sa kanya nang hindi pa rin siya tinitingnan. Nanatili ang mga mata ko sa mga bulaklak. "Ilang taon ka nang ganyan. Sa tuwing nakikita kita dati, parating walang buhay ang mga mata mo. Noong birthday ko lang kita nakitang masaya. Akala ko ayos ka na," Akala ko hindi na babalik ang mga poot sa dibdib niya "pero, bakit ganun? Bakit bumalik ka na naman sa dati? Bakit ka nanakit nang mga inosente? Paano mo nasisikmurang saktan sila gabriel?" Ako kasi ang nasasaktan. Napapa-gitna-an ako nang taong mahal ko at nang pamilya ko. Ayokong mamila nang papanigan sa kanila dahil pareho ko silang mahal.

"I'm sorry sandy," Rinig kong sabi niya "alam kong mali ang ginawa ko, alam kong hindi ko dapat sila sinasaktan.pero, gustohin ko mang pigilan ang galit ko sa kanila'y hindi ko kaya. Malaki ang kasalanan nang pamilya nila sa akin." Napa-tingin ako sa kamay niya nang abutin nito ang dalawang palad ko na naka-patong lang sa mga hita ko. "Hinding-hindi ko sila mapapatawad sandy." Humigpit ang hawak nito sa mga kamay ko. Ramdam ko ang galit niya dun. "Isinusumpa ko sila."

Malungkot ang mga matang tiningnan ko siya. Nangilid ang mga luha ko nang sa wakas ay nagkaroon na ako nang lakas para titigan ang mga mata niya, na ngayon ay napupuno na nang matinding galit at lungkot.

"Mali gabriel. Maling mali." Umiling iling ako "T-Tama na. Please......i-itapon mo na 'yang galit mo sa kanila. W-Wag mong ikulong ang s-sarili mo sa g-galit." Ani ko.

Nag iwas lang siya nang tingin saka biglang binitiwan ang pagkaka-hawak sa kamay ko. Hindi na siya umimik, dahilan para mas lalong sumikip ang dibdib ko. Sunod sunod nang pumatak ang mga luha ko habang nakatitig sa mukha niya at hinahabol ang maiilap niyang mga mata.

"G-Gabriel....." Humikbi ako "T-Tama na, please...." Nagmamakaawang sabi ko. "W-Wag kang pakukulong sa g-galit mo g-gabriel." Sumiksik ako sa kanya saka ko siya niyakap nang patagilid. Umiiyak na rin siya nang gawin ko 'yun. Mabuti nalang at wala pang studyante dito kaya't walang nakaka-kita sa iyakan namin ngayon.

"I'm sorry s-sandy...." Gumanti na rin siya nang yakap sa 'kin. "I'm sorry." Ulit niya.

"A-Ayokong habangbuhay kang maging ganyan. May pamilya ka g-gabriel. H-Hindi ka nag-iisa. At kapag pakiramdam mo ay b-bumabalik ulit lahat nang alaala mo sa nakaraan at n-nakakaramdam ka nang galit, Ibaling mo lang ang tingin mo sa kanila. It can help you, atleast to ease the pain."

Alam kong hindi siya pababayaan nila patty. Kahit lumayo ang loob niya sa kanila ay nananaatili pa rin ang mga ito sa tabi niya kahit hindi 'yon napapansin ni gabriel.

Natahimik lang siya at matagal na nanatili sa mga bisig ko. Tumigil na siya sa pag-iyak pero ramdam ko pa rin ang bigat na nararamdaman niya sa paraan nang pagkaka-yakap niya sa 'kin. As if, he is scared to lost me.

"Don't push them away from you." Gumilid ako at ginawaran siya nang halik sa pisngi, "Palayain mo na ang sarili mo sa lahat nang galit. Gusto kong makita parati ang ngiti sa mga labi mo." I whispered.

Dahan dahan siyang kumalas sa pagkakayakap namin sa isa't isa saka pinag-dikit ang aming mga noo. Napangiti ako nang makita ko ang matatamis na ngiti niya sa labi, Itong side niya ang gusto kong makita palagi. Pala-ngiti at tila walang problema sa buhay. I want to see a lively gabriel.

"I love you sandy." Seryosong sabi niya, "Susubukan kong ayusin ang buhay ko para sa 'yo. Pero, hindi ko mapapangako na mabubura ko itong galit sa puso ko para sa mga taong nanakit sa pamilya ko, Hindi madaling patawarin sila. At ang tanging mapa-pangako ko lang ay ang pagbabago ko." Aniya.

Ngumiti ako, "Sapat na sa 'kin ang mga narinig ko sayo. Wag kang gagawa nang isang bagay na pagsisihan mo sa huli." Hinawakan ko siya sa pisngi saka ginawaran nang isang halik sa labi, "Mahal na mahal din kita. Wag mo sanang kalilimutan 'yun." Sana hindi ito ang huling masasabi ko iyon sa 'yo.

"SAAN ka galing patty?" Tanong ko sa kanya nang umupo ito sa tapat ko.

Nandito kami sa cafeteria para maglunch. Katabi ko sa upuan si gabriel, samantalang ka-u-upo naman ni patty sa katapat kong upuan.

"Sa secret gallery." Simpleng sagot niya.

Kumunot ang noo ko, "Ano namang ginawa mo doon?" Usually kasi ay kasama ako kapag nag-pu-punta siya dun.

"Tumae," Sagot niya saka ako inirapan.

Lalong kumunot ang noo ko. "Bakit iba ata ang timpla nang mukha mo?" Tanong ko.

"Wala." Aniya.

Magtatanong pa sana ako nang biglang dumating si gabriel kasama ang pagkain namin. Binilhan na rin pala nito si patty nang lunch, kaya natuwa ang bruha dahil naka-libre daw siya ngayon.

"Salamat insan. Kung parati kang ganyan baka mag-pa-party na ako." Ngumisi si patty.

"Tsk." Tanging sagot lang ni gabriel.

Naiiling na lang ako sa kakulitan ni patty. Natutuwa ako kasi hindi na lumalayo si gabriel sa kanya, sana lang ay magtuloy tuloy na 'to.

"Nga pala patty, hindi ba mag-la-lunch sila kuya patrick?" Tanong ko nang maalala ko 'yong anim. Hindi ko na din nakikita ang mga 'yun mula nang ma-busy sila para sa paghahanda sa graduation nila.

"Nagpa-deliver ata sila nang jollibee." Kibit balikat na tanong nito.

"Sosyal naman nang mga 'yon." Ngingiting sabi ko.

Napa-irap naman si patty "Sinabi mo pa."

Bumaling naman ako kay gabriel na tahimik lang na kumakain sa tabi ko. Masaya ako dahil hindi na siya masyadong ilag sa mga tao. Ang problema lang ay wala pa siyang mga nagiging barkada. Yung magiging kaibigan niya bukod kela kuya patrick. Maybe, magbibilang lang ako nang ilang araw para dyan.

*****

Isang matagal na update na naman po ang naganap.maraming salamat po sa nagbabasa nito.

Love you guys mwa :*

#voteandcomment

The Coldhearted Beast 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon