Pagkatapos ng panauhin, umalis siya kaagad. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta hanggang sa tinanong ko si Manang kung saan siya pero wala ding kaalam-alam si Manang. Pinuntahan ko lahat ng mga pwedeng puntahan ni Stephen ng mga oras na 'yun - sa resthouse nila, sa bahay nila, sa lola't lolo niya. Ni isang lugar, hindi ko siyang nakita. Hanggang sa nakarating ako sa pribadong resort nila. Walang pwedeng makakapasok sa resort na iyon kundi ang kanilang pamilya at kamag-anak lamang. Mabuti nalang at madali akong nakapasok. Pagpasok at pagpasok ko, nakita ko siyang nakatayong patalikod. Napakalakas ng hangin at napakaliwanag ng araw. Tumakbo ako papunta sakanya at agad siyang ginulat. Ang akala kong magugulat siya, nagkamali ako. Tumingin lang siya sakin at agad na ibinalik ang kanyang mga tingin sa dagat. Tinabihan ko siyang tumayo.

"Alam ko kung bakit ka nagiinarte ngayon" Pagbibiro ko naman sakanya. Hanggang ngayon wala pa din siyang kibo. Nakatingin pa din ang kanyang mga mata sa dagat.

"Uhmm.. Okay... Ganito nalang ang gawin mo..." Kumuha ako ng iang skop ng kamay na buhangin at agad na itinapon sa dagat. Napa-aray naman siya nang itinapon ko na ang mga buhangin sa dagat. Napakalakas kasi ng hangin kaya nagsilapadan ang mga buhangin na nasa kamay ko. Natawa nalang ako sa reaksyon niya. Makikita mo kasi na inip a inip na siya tapos dadagdagan ko pa.

"Oh Ikaw din. Kumuha ka ng isang sakop ng kamay mo at itapon mo sa dagat. Ang kadalasan ko kasing nakikita, bato yung itinatapon nila sa dagat kaya para maiba tayo, buhangin nalang yung itapon natin. Sabi kasi ni Mama sakin kapag nagkakaproblema siya, kumukuha siya ng isang maliit na bato at itinapon sa sapa o sa kung ano mang anyong-tubig. Gumagaan kasi ang kanyang pakiramdam kapag ginawa niya yun. Hindi naman sa agad-agad nawawala ang kanyang problema, pero para bang nagkakaroon ng bawas. Kaya payo ko sa'yo, gawin mo din baka gumaan ng konti ang pakiramdam mo." Napangisi siya sa sinabi ko. Una, ayaw niya pa sanang gawin ang ipinapagawa ko sakanya pero sa kakapilit ko sakanya, napapayag din siya. Tinignan ko lang siya habang tinatapon niya ang buhangin sa dagat. Nakikita ko na bawat isang sakop ng kamay na buhangin na kanyang itinatapon, unti-unting nawawala ang kanyang kirot sa puso.

"Nakakatuwa ang mga araw na yun no? Sa totoo Nics, medyo gumaan yung puso ko nung ginawa ko 'yun. Tandang-tanda ko pa 'yun. December 12, 2010 pa yung araw na yun. At aam mo ba kung anong petsa ngayon? December 12, 2013 ngayon, kaya ipagdidiriwang natin ang ikatlong taon simula nung araw na 'yun. Kaya kuha ka na diyan ng isang buhangin at itapon mo na. Tsaka teka lang, hinaan mo ang ha. Baka mapuwing ako eh" Sabi naman sakin ni Stephen. Natawa nalang ako sakanya. Biruin mo yun, tatlong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi pa din niya nakakalimutan ang araw na yun. Akala ko kasi ako lang ang nakakaalala. Pero talo pa din talaga ako, pati buwan at petsa alam na alam ni Stephen.

Sa kalagitnaan ng masayang pagbalik alala namin ni Stephen, sabay na dumating si Kael at Alisa. Makikita mo sakanilang mukha na kanina pa talaga kami nila hinahanap.

"Salamat at dito ko lang pala kayo makikita. Grabe napagod ako sa kakahanap sainyo. Ano bang ginagawa niyo dito?" Pagbukas ng bagong usapan naman ni Alisa.

"Akala kasi namin mahimbing pa ang tulog niyo kaya hindi na namin naisipan na istorbuhin pa kayo sa pagtututlog niyo. Besides, baka pagod kayo mga nangyari kahapon and you need to take a rest para sa mga events mamaya." Sagot naman ni Stephen kay Alisa.

"Eh kayo? Di ba, you need to take a rest din para mamaya? Tsaka sagutin niyo muna yung tanong ko, ano bang ginagawa niyong dalawa dito? At bakit may mga buhangin kayong hawak-hawak sa kamay niyo?" Pagusyoso naman ni Alisa

"Uhmm.. Wala lang 'to. Naalala ko lang kasi yung tinuro sakin ni Nica nung mga oras na nagkaroon ako ng problema. Tara upo ka dito." Pagimbita naman sakanya ni Stephen. Bigla nalang akong napaalis sa malaing batong kinauupuan ko at agad na umupo si Alisa sa tabi ni Stephen. Napaupo nalang ako sa buhangin kasama si Kael.

I Will Never Leave You [On-Hold]Where stories live. Discover now