Paano mo nga ba masasabing tanga ang isang tao pag nagmamahal?
Tanga ka ba kung nagbibigay ka ng walang kapalit?
Tanga kaba kung nagmamahal ka ng mali?
Tanga ka ba kung patuloy kang umaasa na mamahalin ka balang araw ng taong mahal mo?
Tanga kaba kung nagmamahal ka pero hindi ka naman pinahalagahan?
Tanga kaba kung nagiging mahina ka kahit malakas ka?
Tanga kaba kung wala kang paki-alam sa sasabihin ng iba?
Tanga kaba kung patuloy kang lumalaban kahit alam mong wala na?
O mas tanga ka kasi hindi mo pinahalagahan ang taong nagmahal sa'yo ng sobra?
Sa buhay natin, wala yatang taong hindi naging tanga sa larangan ng pag-ibig
Ganyan talaga minsan ang pag-ibig
Nagmamahal ka kahit hindi ka naman mahal
Nagbibigay ka ng walang hinihinging kapalit
Nagiging mahina ka kahit malakas ka pa
Patuloy kang umaasa na balang araw mamahalin ka din ng taong mahal mo
At nagmahal ka kahit alam mong mali.
Ano nga ba ang mas mahalaga;
yung naging matalino ka pero hindi mo naranasan mahalin ang taong nagmahal sa'yo?
O naging tanga ka pero nakapiling mo naman ang taong mahal mo sa sandaling panahon?
Sa pag-ibig naman, minsan hindi mo maintindihan kung ano ang tama at mali
kung ano ang pwede o hindi
O kahit alam mo ang tama at mali
ang pwede at hindi
Pikit mata mong ipinaglalaban ang puso mo dahil alam mo na dun ka sasaya
Madali man sabihin sa iba,
"Bakit ka nagpakatanga sa kanya?!"
Kung hindi mo naranasan maging tanga kahit minsan;
hindi maintindihan ng iba ang dahilan ng isang taong nagmamahal kung bakit patuloy kang nagpakatanga sa larangan ng pag-ibig
Hindi nila pwedeng sisihin ang taong nagmahal ng sobra dahil hindi mo naman siya pwedeng turuan kung ano ang dapat niyang gawin
Hindi naman siguro mahalaga kung naging tanga ka dahil sa pag-ibig
Ang mahalaga, alam mong maging matalino ka na sa panahong kailangan mo nang gamitin ang isip mo
Dapat mahalin mo din ang sarili mo
Dapat mo din itong pahalagahan
Kung hindi mo mamahalin ang sarili mo paano ka mamahalin ng iba?
'Wag mong sayangin ang buhay mo sa isang taong hindi ka kayang pahalagahan o mahalin
Minsan, masakit man tanggapin na ang taong nagpasaya sa atin ay siya din ang dahilan ng ating kalungkutan.
Siguro nga kaya nilagay ng Diyos ang utak natin na mas mataas kaysa sa puso.
Para paaalahanin tayo na hinding-hindi kalimutan na gamitin ang isip.
Masarap man magmahal pero sana 'pag nagmahal ka,
'wag mong kalimutan gamitin 'yang utak mo
'Wag mong hayaan na puro puso lang ang paiiralin mo.
