Chapter 34: Ten of Swords

Start from the beginning
                                    

"Oo nga eh, baka makipagkita rin ako sa dating banda namin."

Hinawakan ko siya sa kamay, "Magandang ideya 'yan. Baka pwede pa kayong sumali sa battle of the bands for charity sa Eastwood sa U-week natin. Matagal nang pinaglalaban ni Mr. Cayabyab 'yong pagbalik no'n, 'yong welcome sa outsiders basta't may student silang kasama."

"Shit, tama ka! Hindi ko naisip 'yon. Thank you, Tabs," sabi niya at binuhat at niyakap ako bigla. Napatawa naman ako at hinaplos ang buhok niya. He's so excited, ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Punta kayo sa booth namin ah. Baka escape room 'yong piliin nila kasi ang dami na ng horror room proposals galing sa ibang clubs."

"Siyempre naman, kahit ako pa first test subject niyo eh."

Sa araw bago ang pagbubukas ng mga booths ay abala kaming lahat. Tatlong araw ko na halos 'di nakikita si halimaw dahil naging busy ako sa set-up namin, siya naman may practice kasama ang banda niya.

"Okay na 'to, Mer. Mahihirapan talaga silang i-solve 'to. I swear, if that guy from the engineering department everybody has been talking about comes... siya agad 'yong accomplice. Naku, 'pag nakalabas sila nang hindi lang man nakalipas ang lima minuto, sasabunutan ko talaga sarili ko kasi ilang oras natin 'tong ginawa," sabi ng aking kasama sa club.

Ang plano kasi may gawin kaming kasabwat sa grupo ng sampung tao. Matapos silang makatakas sa kwarto ay dapat nilang hulaan kung sino ang traidor sa kanila, 'yong nananabutahe. Kasi talagang gusto ng mga clubmate kong mag-away ang mga magkakaibigang papasok, naku.

"Break muna tayo, guys. Malapit na rin naman tayong matapos eh," anunsyo ng presidente. "Balik na lang tayo after 30 minutes, okay lang ba?"

Siyempre payag kami agad, sino ba naman mang-hihindi sa break, diba? Agad naman lumapit si Matt sa akin at pinatong ang mabibigat niyang braso sa balikat ko. "Tara sa booth ng kaibigan nating maldita?"

"Oo nga pala no, may ipapakita daw siya satin."

"I don't know what it is that she wants to show us na talagang 'di pwede sa pagbukas ng mga booths na lang niya ipakita."

Hinampas ko siya sa braso, "Kailan pa ba kayo mag-momove on sa pagiging aso't pusa niyo? Feeling ko parang nagkaroon ako ng dalawang anak bigla."

"Mer! Over here!" Kita ko si Mads na kumakaway sa 'di kalayuan. Sumayaw-sayaw siya na parang inaadvertise ang booth nila —jazz hands and twirling. "This is our booth— ugh you're andito rin?"

Binelatan naman siya ni Matt. My eyes scanned their area; there seems to be a lot of purple and blue, parang galaxy-themed. Pero parang may mga anting-anting rin tapos kaunting ilaw lang ang naka-andar. "Ano 'tong booth niyo? Parang 'di ko yata mahulaan kung ano."

"Don't worry, we'll be doing that for you!" Masigla niyang sagot.

"Wha— ano?"

"You don't need to make hula because we'll be doing the hula. Welcome to the Fortune Telling and Tarot Reading Booth!"

"Teka, seryoso?" Tumango naman siya, 'yong tangong parang made-detach na ang ulo niya sa leeg. "Gusto ko magpahula!"

"And that's exactly why you're andito," kinuha niya naman ang kamay ko at hinatak ako paloob. "We have 5 people, each with their own specialty. Celia knows how to read palms, Denise reads fortune, Emily and I read tarots. So which one do you want to try?"

"Tarot? 'Yon 'yong cards diba?"

"Yes, that's it," at sa bawat segundong lumipas ay mas lumiwanag ang kislap sa mga mata niya dahil sa excitement.

"Hindi pa ako nakapa-tarot read sa buhay ko, pwede 'yon ang piliin ko?"

"Of course! Then I will have the honor of serving our first customer. You, ugly, yeah you," sigaw niya kay Matt na 'di naman makapaniwala sa tinawag sa kaniya. "You go doon, to Emily. Emily usually predicts bad luck, coincidentally, for majority of her reads." Napailing naman ako sa sinabi niya, lalo na nang nagsimula siyang tumawa ng nakakilabot.

She shuffled and arranged a deck of cards in front of me, all of them face-down. "Pick any 3 cards and place them in however you like, could be upright or reverse."

Pumili lang ako lung anong card ang unang nahagilap ng aking mga mata. "Ito na 'yong mga napili ko."

"To make this clear, do I flip the cards facing me or facing you?"

Does it make a difference, isip ko. "Facing me."

"Alright, I'm gonna flip them now," sabi niya. "Your first card is... oh! The Star. This is, like, big sanaol energy. It symbolizes hope, inspiration, and healing —I swear, Mer, this is one of those cards people wish to see. Wishes are fulfilled so energy is balanced; it basically means healing so your wounds from paghihiraps will heal."

Napaisip naman ako, kung sa paghihirap lang, madami ako no'n ah. Matapos ng lahat ng bullying na dinanas ko dito, mga kagaguhan ni Kaiser noon, kahit 'yong kayod ko sa gym, talagang kailangan ko ng healing ah. Kung 'di sinapian 'tong si Halimaw ng Holy Spirit, sana nagdudusa pa rin ako ngayon.

"Okay, your second card is the Queen of Cups. But of course, a kind ally is nearby, ready with sympathy and insight. If I am not evidence enough then I don't know what is," napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Oo naman no, 'di ko kailangan ang card para sabihan ako niyan."

Ngumiti naman siya sa sinabi ko then flipped over the last card and said, "Ten of Swords, uhm, well that's a strange card. This basically means that some form of misfortune will befall you, though I don't know what it is." Napatingin naman ako sa ekspresyon sa mukha niya, "Nah, you don't need to alala, the cards aren't always right. Some of them kind of just want to tell you to reevaluate your life or something."

There is a strange bubbling in my stomach that I couldn't explain, baka naging pranning lang ako dahil sa sinabi ni Mads. Ang vague naman kasi, some form of misfortune? Pwede naman matapilok ako sa bato diba, 'di kaya matumba ng hangin?

Biglang lumitaw sa kurtina ang ulo ni Matt kaya nasorpresa kami sa loob. Sino ba naman ang hindi mabibigla sa parang lumitaw na ulo diba? "Tapos na break natin, balik na tayo bago tayo mapagalitan ni pres."

Tumango naman ako sa kaniya, "Mauna na kami, Mads. Good luck sa inyo dito."

"Thank you for coming, Mer!" Sabi niya sabay yakap sa akin.

Sa labas, habang lumalakad pabalik sa aming booth ay kinamusta ko naman ang tarot reading ni Matt. "Ah, marami raw magkaka-crush sakin kasi ang gwapo gwapo ko. Aray!" Napasigaw siya sa pagbatok ko. "Oo na, oo na. 'Yon naman kasi sabi ng manghuhula kanina eh," he murmured the last part more to himself, "sa'yo?"

Nagkibit balikat ako, "Parang may malas daw na mangyayari. Ewan ko nga, baka daw mali. Wala namang scientific basis 'yong tarot eh, ang saya lang subukan."

"Fuck, oo nga sana. Sabi kasi sakin kanina baka raw malagas ang buhok ko."

Napatawa naman ako sa sinabi niya, "I'm sure mamahalin ka pa rin ni Lyla kahit makintab na ang ulo mo."

"She's stuck with me so she doesn't have a choice," sagot niya na walang halong pagdadalawang-isip. Yup, definitely catching feelings.

At sa paglakad namin pabalik ay 'di ko mapigilan pag-isipan ang sinabi ni Mads kanina, "Ten of swords, uhm, well that's a strange card. This basically means that some form of misfortune will befall you, though I don't know what it is."

Hindi naman ako ang tipo ng tao na matatakot sa gano'ng bagay. Unang beses ko pa lang magpa-tarot kaya 'di ko alam kung nangyayari ba talaga ang mga sinasabi ng mga manghuhula. At kung totoo man, alam ko ring normal lang ang mga masasamang pangyayari sa buhay, I mean, that's how we grow stronger, right? And yet... I have this inkling feeling in the pit of my stomach —and it's anything but good.

Note: Grabe talaga 'yong school year na 'to. Napapa-appear disappear talaga ako. Parang magiging pasyente sa morgue muna ako bago magtrabaho sa ospital eh 😂 kamusta naman kayo?

Married to an Asshole ☑️Where stories live. Discover now