"People must accurate to what life is,When you feeling down,there so much reason to stay alive and live with it,and when you feel sadness,then there is someone who can give you smile to your face."
But when someone give you only heartbreaks,there is only one thing which can give you another chance to feel your presence to the world..........meet new people.
*********
Ano ba ang kasalanan ko sa mundo at ang malas-malas ko? Nakakaramdam ako ng sakit na kahit kailan hindi ko alam kung makakaya ko pa,tanging sa pag-iyak ko nalang nilalabas ang sama ng loob ko,gusto ko nang kapayapaan,gusto ko ng takasan ang lahat-lahat ng sakit na nararamdaman ko.
It's just a one step away and it can give me the pleasure I want.One step away and all the heart aches will be fade away.
I close my eyes and I took one step,hinahanda ko na ang sarili ko sa kung ano mang sasalubong sakin sa ibaba.Kumapit ako sa railings at pinakiramdaman ang hangin,habang isinasayaw nito ang buhok ko,ang simoy nito ay nagbibigay sa akin ng kaginhawaan kahit ang bigat bigat na nang nararamdaman ko,nangilid ang mga luha ko sa aking pisngi habang inaalala ang lahat ng pasakit sa aking buhay.
Kung sana nga lang,lahat ng ito ay matapos na,kung sana hindi na lang ako nasasaktan,hindi sana hahantong sa ganito.
Unti-unti kong binitiwan ang pagkalahawak ko sa railings at akma na sanang tatalon sa footbridge ng may biglang nagsalita sa mula sa likuran ko.
"Miss,anong ginagawa mo ha?!"sigaw nito
Unti-unti kong minulat ang aking mata at tuluyan ng napahikbi.Hindi ko alam kung malas ko lang at may nakakita sa akin.Kung saan handa na akong takasan ang lahat-lahat.
"Kung sa tingin mo,pagpapakamatay ang solusyon sa problema mo,wag mo nang ituloy!" Dagdag nito at isang ubo ang narinig ko.
Kung alam lang sana ng lalaking ito kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.
Humarap ako sa kung sinong lalaki ang nagsalita,at pinahid ang mga luhang hanggang ngayon ay dumadaloy pa rin sa aking mga mata.
"B-bakit pa?para patuloy lang na m-masaktan?ayoko na,ang s-sakit-sakit na dito eh!" Nauutal na sambit ko at tinuro ang puso ko habang humuhikbi.
Tinignan niya ako na puno pagsusumamo.
"Sa tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan ha?"
Tinignan ko siya sa kanyang mga mata at nakita ko kung gaano kalungkot ng mga yun.Napansin ko rin ang isang maliit na hose na nakakabit sa kanyang ilong at ang isang maliit na strolley at may oxygen na kung saan hawak-hawak nya habang nakatayo.
"Miss,hindi ko alam ang problema mo pero alalahanin mo,hindi mo pasan ang buong mundo ng ikaw lang mag-isa,just like you,I'm both hurting too,physically and emotionally!"sambit nito at sinundan ng mga pag-ubo.
Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa at tanging mga rumaragasang mga sasakyan at busina lang ang maririnig sa paligid.
May isang parte ng utak ko ang sumasang-ayon sa sinabi niya,na hindi ko pasan ang boung mundo na nag-iisa,maaaring kagaya ko,may mas mabigat din na dinaramdam ang estranghero ito.
"Alam mo ba kung gaano ko kagusto na mabuhay pa ng matagal,kung pwede nga lang sanang hilingin yun,ayoko ko na lisanin itong mundo na malungkot,na kung pwede lang,wala na lang akong sakit kasi marami pa akong gagawin na makabuluhan dito sa mundong ibabaw...."
"Kaya kung pwede lang,don't waste your life with nonsense,because you're not the one who has a miserable life,now if you will do that,parang binigyan mo na rin ako ng rason na wag nang lumaban sa buhay".
ESTÁS LEYENDO
Moving Closer
De TodoOne is suffering from heartbreak,and one is fighting from suffering.A typical story of two people meet each other.A true to reality story of two people.A Terrence and Ellaine's story.
