Mag-a-attend ng party sina Christie at Kevin.
Isa daw kaibigan ni Kevin way back from college ang nag-imbita dito.
Magpo-propose daw kasi sa girlfriend nito.
Habang nasa sasakyan sila ni Kevin ay pareho lang silang tahimik.
Bigla nitong hinawakan ang kamay niya.
"Kevin, nagda-drive ka." natatawang sabi niya.
"I can manage it with my one hand." pagyayabang nito.
Natawa siya.
"Christie..."
Lumingon siya kay Kevin.
"Ikaw? Gusto mo na bang magkaroon ng pamilya? As in, bubuo ng family." --Kevin
"Sino ba naman ang aayaw doon? Karamihan naman ay gustong bumuo ng sariling pamilya."
"Saan mo gustong ikasal? Something simple? Beach wedding?"--Kevin
Nag-isip siya.
Parang may nagtanong na sa kanya ng ganun, ah.
Pero...
Another piece of memory came into her mind.
"Kung magpapakasal tayo, saan mo gusto? Church wedding, beach wedding, garden wedding,
o kahit na ano pang lugar basta dudugtungan ng wedding sa huli?"
Naipilig niya ang ulo.
Nag-flash na naman ang lalaking blurred ang mukha.
Napahawak siya sa ulo.
"Christie, masakit ang ulo mo?" nag-aalalalang tanong ni Kevin.
"Hindi naman. It's j-just that...I'm confused already. Ang daming nagfa-flash na scenes sa utak ko.
But I can't understand it. And I saw this particular man but I can't see his face. Mga lugar na alam
kong pamilyar ako pero hindi ko matandaan. Kevin, ano'ng ibig sabihin ng mga nakikita kong
flashbacks?"
Natahimik si Kevin.
Mayamaya pa'y nagsalita na ito.
"Christie, huwag mo na lang pilitin ang mga bagay na hindi mo matandaan. Time will come na
mataandaan mo rin ang mga bagay-bagay."
"But Kevin--"
"We're here."
Nag-park ito sa malawak na parking lot ng mansion ng kaibigan nito.
Obviously, ayaw nitong pag-usapan nila ang mga "bagay-bagay" na sinasabi niya.
___________________________________________________________________________
Imbitado si Ryan sa engagement party ni Raffy, kaibigan niya noong college.
Magpo-propose na kasi ito sa girlfriend nito.
Pagpasok niya sa mansion nito ay sinalubong siya ni Raffy.
"I'm glad you did it." --Raffy
Nakipag-high five siya dito.
"Syempre, ikaw pa! Nasaan na ang girlfriend mo?"
"Mamaya pa iyon. Surprise 'to eh." ngiting-ngiti si Raffy
He's glad na ang maloko niyang kaibigan ay lalagay na sa tahimik. For good.
Hindi pa niya mapuntahan si Christie dahil madami pa siyang dapat asikasuhin.
