Ikaw Na Best Friend Ko

13 0 0
                                        

Hayskul tayo nang tayo'y magkakilala

"Bes" ang tawagan natin sa isa't isa

Masaya tayong dalawa, magkasama

Ikaw at ako, sa akin ay sapat na.


Masakit 'man, pinilit kong layuan ka

Dahil ayokong masira at mawala

Ang pagkakaibigan nating dalawa

Nadarama ko kasi'y hindi na tama.


Pagsasama namin ay naging masaya

Ngunit para sa'ki'y may kulang talaga

Ngiti mo kasi'y hindi ko nakikita

Sa paglayo ko ba ika'y nagdurusa?


Isang araw ay hindi ko na kinaya

Hiniwalayan ko s'ya't nilapitan ka

Ako'y naluha nang ikaw ay makita

Kainis. Napakaduwag ko talaga.


Ikaw pa rin 'yan at ako pa rin ito

Kaibahan ay naging close uli tayo

Nadarama ko'y ayokong malaman mo

Pagkat mahal kita, ikaw na best friend ko.

Ikaw Na Best Friend KoStories to obsess over. Discover now