Si Dendi at Cristy

44 0 0
                                        


Overseas worker si Dendi sa India. Apat na taon na siyang naka-destino doon bilang engineer ng isang malaking korporasyon.

Sa ibang bansa kasi nakakahanap ang mga Filipino ng higit na magagandang trabaho kaysa  sa Pilipinas. Onti lang ang pagkakataon at mahirap na umunlad sa Pilipinas.

Isa sa maraming Filipino si Dendi na sa ibang bansa nakahanap ng maayos na ikabubuhay. Naisipan niya na mangibang-bansa at nang mapabilis ang pag-iipon ng perang pangkasal, pati na ang pambayad sa upa sa isang karaniwang tahanan, sapagka't ibig na niyang lumagay sa tahimik, na mapakasal kay Cristy, ang sampong taon na niyang kasintahan. Masakit man sa kanyang kalooban ang mapawalay kay Cristy at ang mapalayo sa kanyang mga magulang at kapatid, nagpasiya si Dendi na magtrabaho at magtiis kahit na kung saan man siya makarating.

Mahusay na empleyado si Dendi. Sharp siya mag isip at masipag siya. Unique siyang tao at buo ang relasyon sa Diyos. Madasalin siya at mapagbasa ng Bibliya. Dala, marahil, ng marubdob niyang paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos, nakapanggagamot si Dendi sa mga maysakit.

"Pastor" ang tawag sa kanya ng mga kasamahan sa trabaho. Naaangkop na bansag sapagka't sa tuwing magsasalo-salo sila o may ano mang pagtitipon ay siya ang namamahala sa pagdadasal ng pasasalamat sa Diyos. At sa ibang pagkakataon naman ay binabasahan niya ng Bibliya at binibigyan niya ng gabay ang kanyang mga kasamahan.

Kung may nagkakasakit at lumalapit sa kanya upang magpagamot sa pamamagitan ng dasal, tinatanggap ni Dendi sa loob ng kanyang pamamahay, ang ganoong mga nangangailangan ng tulong.

Maraming bawal sa India sa dahilang naiiba ang kultura at relihiyon ng mga tao doon. Kinailangang makibagay sina Dendi at ang kanyang mga kasamahan sa naiibang kaugalian at nang sila ay hindi mapasama.

Pinaka-matindi sa lahat ng bawal ay ang paghahayag sa salita ni Hesu Kristo, ang pagbasa sa Bibliya, o ang pagdiriwang ng mga ritwal na pang-Kristiyano sa harap ng publiko, upang makaakit ng mga disipulo. Naniniwala ang mga Muslim kay Hesu Kristo bilang profeta at pinapayagan ang mga Kristiyano na sumamba sa kanilang simbahan; nguni't ang gawaing pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay tuwirang paghamon sa paniniwala nila.

May gumagala sa paligid na mga kawani ng religious police na ang katungkulan ay ang mag-abang at manghuli ng mga lumalabag sa mga kautusan at kaugalian ng relihiyong Islam.

Kaiingat din sa mga karaniwang mamamayan na maiinit ang mata at pakialamero na nagsusumbong sa mga pulis kapagdakang may nakita silang lumalabag sa mga kautusan.

Hindi lingid sa kaalaman ni Dendi na sa India ay bawal ang magturo at magpalaganap ng ibang relihiyon, bukod sa Islam. Ang parusa sa paglabag sa nasabing kautusan ay ang malagim na kamatayan sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo.

Kung kaya't si Dendi ay maingat na ginagampanan ang kanyang pagiging pastor at nagtuturo at binabasahan ng Bibliya ang mga kasamahan, tuwing araw ng pangiling, doon lamang sa loob ng kanyang pamamahay.

Sa Manila ay waitress si Cristy sa isang sikat na Chinese restaurant. Maganda siya. Katamtaman ang taas, kayumanggi, at mahaba ang buhok. Hindi nakapagtataka na umibig sa kanya si Dendi.

Bagay silang dalawa. Masasabing gwapo si Dendi, kahi't na siya ay may kaitiman. Tama lamang ang taas niya, Matipuno ang kanyang pangangatawan, at palaging may ngiti sa mga labi. nakakaakit ang dimples niya sa magkabilang pisngi.

Nagkakilala ang dalawa sa isang prayer meeting sa Makati na kapuwa nila dinaluhan. May magandang tinig si Cristy. Sa mga nasabing prayer meetings ay madalas na si Cristy ang nangunguna sa pag-awit ng mga himno. Sa kadalasan ng pagkikita nila, at palibhasa ay magkalapit ang kanilang mga bahay na inuuwian sa Quezon City, naging laging magkasabay sa pag-uwi sina Cristy at Dendi. Naging malapit sila sa isa't isa, hanggang sa dumating ang araw na nakapaglakas ng loob si Dendi at naipagtapat kay cristy ang kanyang nararamdaman na pag-ibig. Sinagot naman siya ni Cristy ng isang matamis na, "Oo".

Isang araw ay may lalaking pumasok sa restaurant upang kumain. Si Cristy ang sumalubong.

"Dendi, bakit ka narito?" Gulat na gulat na salubong ni Cristy si Dendi.

"Kasi, eh . . ."

"Hindi, bale. Mamaya mo na ipaliwanag. Siguro gutom na gutom ka na. Umupo ka at dadalhan kita ng pagkain."

Sa kusina ay ibinalita na ni Cristy ang pagdating ni Dendi. Ang lahat ay nagsigawan ng "Welcome, Dendi" at nagalak sa magandang surpresa. Hindi mailarawan ang kaligayahan at pananabik ni Cristy.

Habang nakaupo at kumakain si Dendi ay di mapigil ni Cristy ang yakapin siya at halikan sa pisngi, sabay bulong, "Magpapaalam ako sa aking boss, at nang makasabay na ako sa iyo sa pag-uwi."

Walang tigil ang kuwento ni Cristy. "Magugulat tiyak, pero matutuwa, si Mommy. Palagi ka nga niyang kinukumusta sa akin. Bakit hindi ka muna tumawag sa telepono?"

Nakakain na si Dendi at pagkakatapos ay nagbayad na at tumayo sabay nagpasalamat sa manager.

Sa may pintuan ng restaurant ay nag-aabang na si Cristy at handa nang lumakad. Inabot niya ang kamay niya kayt Dendi at lumakad sila na magkahawak ang mga kamay.

"Sinurpresa mo ako Dendi. Bakit di ka nagsabi na ikaw ay uuwi?"

"Mangyari ay . . ."

"Hay nako, Dendi, pinasaya mo ako!"

Kinawayan ng dalaga ang isang taxi driver. Hinatak si Dendi na sumakay na at sila'y mabilis na inihatid ng driver sa kanilang pupuntahan. 

Sa kasabikan ni Cristy ay siya na ang nagbigay ng direksyon sa driver. "Sa Golden Gate sa Pasig, kuya." At habang nasa taxi ay walang tigil si Cristy sa kakasalita.

"Siguro ay marami ka nang naipon at tayo'y pakakasal na. Sasabihan ko ang ating mga kaibigan. Kanino ko kaya ipatatahi ang akin wedding dress?"

"Saan mo nga pala iniwan ang mga bagahe mo? Hindi, bale, mamaya na natin pag-usapan".

Sa Golden Gate Motel, sa loob ng malamig na silid, ay nagkaroon ng pag-iisa at katahimikan ang couple na matagal nang hindi nagkikita. At sa pagkakataon, ay hindi maaaring hindi mag-init na rin sa pananabik. Yinakap ni Dendi si Cristy at binigyan siya ng matamis na halik.

Pero lasing si dendi at labas-pasok ang rason sa kanyang isipan. Ang nagaganap ba ay katotohanan o guni-guni? Ginugunita niya ang simula ng kanilang pagkikita noong araw na iyon at tinutunton niya ang bawa't isang hakbang na nagdala sa kanya sa kasalukuyang kinahahantungan. Di siya makapaniwala. Nasabi na lamang sa sarili, "Hindi ko maintindihan kung paano ako napasok sa ganitong kalagayan, nguni't di na imporante. Cristy, "Ang ganda mo at mahal na mahal kita"

Mabilis ding sumagi sa isipan ng babae ang kasal. Mamaya ay pag-uusapan namin kung kailan igaganap. May dala kaya siyang singsing pangkasal? Sino-sino ang aming magiging ninong? Paano ang wedding dress ko? Ipatatahi ko ba o bibilhin nalang? 

Samantala, sa mismong oras na si Cristy ay nageenjoy ng walang maliw na kasayahan. Sa India naman, sa kainitan ng tanghali, sa gitna ng isang plaza, sa harapan ng isang malaking pulutong ng manonood, ay may isang lalaking nakabalot sa isang itim na kasuotan na akay-akay sa magkabilang panig ng braso ng dalawang guwardya. Sa isang nahirang na lugar ay huminto sa paglalakad ang pangkat. Pinatigil at pinadapa ang nakasuot ng itim na ang ulo niya ay nakakatang sa isang malaking bilog na kahoy na tila tadtaran.

May mga Filipino sa nasabing pulutong ng manonood. "Ano ang kanyang nagawang kasalanan?" tanong ng isa sa mga manonood sa kanyang kasama.

Karaniwang bago maganap ang isang pagpugot ng ulo, may pina-iikot na sasakyan ang mga maykapangyarihan, na sa pamamagitan ng loudspeaker, ay inihahayag sa madla ang magaganap na pagpapataw ng parusa sa isang kriminal.

Sa pagkakataong ito ay hindi mawatasan ang kalatas sa dahilang panget ang tunog ng loudspeaker.

Nagbubulungan ang mga magkakasama.

"Nagkamali siya sa pagiging matulungin. Iyong batang maysakit na ibig niyang pagalingin sa pamamagitan ng dasal ay hindi Kristiyano kundi anak ng mag-asawang Muslim. Hindi gumaling ang bata; bagkus ay lumubha pa ang karamdaman at namatay. Isinisisi sa kanya ang pagkamatay ng bata."

"Mabilis ang paglilitis. Napakabilis ng mga pangyayari. Dinakip siya, ikinulong, at hinusgahan kaagad na may sala."

"Kawawa naman!"

"Filipino ba yun?"

Itinatago ng pupugatan ang kanyang leeg. Ang mga ganitong pupugutan ay pinaiinom ng gamot na pampakalma. Malagihay na ang pakiramdam ng tao. Wala nang takot. Hindi na makapalag. Hindi na makasigaw. Nguni't ang taong ito ay umuusal ng dasal at pinaiikli ang leeg at nang hindi ito kaagad mapuntirya ng berdugo.

Ibig niyang tapusin ang kanyang dasal: "Panginoong Diyos, Ikaw ang Panginoon sa buong mundo; mamamatay na ako, nguni't mabubuhay ang aking espirito, Panginoon, sa Iyong Kaharian. Alay ko sayo ang aking buhay."

Bago, gamit ang natitirang lakas at sandali, isinigaw ng tao ang kanyang huling panambitan. Bago bumagsak ang matalas na espada sa kanyang batok, nabitawan ni Dendi ang ganitong pangungusap: "Cristy, mahal na mahal kita!"

Sa mabilis na sandali, si Dendi ay pinugutan ng ulo ng berdugo. Parusa ito, kaparusahang kamatayan, sa kasalanang pagpatay sa isang batang wala pang kamalayan, at sa pagkakalat ng Kristiyanismo sa lupain ng Islam na labag na labag sa paniniwala at pag-uutos ng relihiyon ng bansang pinili niyang trabauhan.

Iba talaga ang pag ibigStories to obsess over. Discover now