Chapter 1: I don't know what to do.

9K 129 3
                                    


Mae's POV

" Hello Hon! " Sabay halik sa cheeks ko.

hindi ako tumitingin sa kanya.

" Late ka nanaman "

" Sorry na Hon. Traffic kasi eh " Tsk. Sabi niya.

" Traffic nanaman? " Hindi pa rin ako natingin sa kanya.

" Ano bang meron diyan sa dinadaanan mo at laging traffic pag magdedate tayo? " nasambit ko nalang. Eh sino ba naman ang hindi maiinis eh 2 oras kang pinaghintay ng boyfriend mo tapos ang rason paulit-ulit nalang. Sabihin nyo nga sakin readers, kayo ba hindi maiinis don? Grrr.

Inirapan ko siya nung hindi siya sumasagot sa sinabi ko. I crossed my arms at tinalikuran sya.

Niyakap niya ako mula sa likod at sabing " Sorry na Hon. Sorry na. Please patawarin mo na ako. " Pag sinasabi niya yan parang alam niyang bibigay din ako. Tsk.

napangiti ako. Tapos inalis ko yung pagkakayakap niya sakin at humarap ako sa kanya. Ngumiti lang ako sa kanya at may kukunin ako sa bag ko. At siya kumunot naman ang kilay niya, confused siya kung ano ang kukunin ko sa bag ko. Pagkalabas nung kinuha ko inihaya ko ito sa kanya.

Ang hitsura naman niya eh ganito >>>>>> o.O

" Happy 1st Anniversary Hon! " naisigaw ko iyan. napatingin naman yung mga tao samin at si Marco naman napatingin din sa mga taong nadaan.

naghihintay ako ng sasabihin niya. Kinuha niya ang inihaya ko sa kanya.

" Ahhmmm. Happy Anniversary Hon. Hmmm. " Nadisappoint naman ako kasi parang alam ko na kung bakit ganiyan ang reaksyon niya. yung ngiti ko unti unting nawawala. tinignan niya ako looking disappointed.

" You forgot? " Naiiyak kong sambit. Hindi siya sumagot at bumabaling baling ako tingin niya. Sabi ko na nga ba eh. Tsk. Wala nang sense ang pagiistay ko dito. Lalakad nalang ako paalis. Tumutulo na yung luha ko. Gosh! Hindi niya man lang ako hinabol. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa mall. Pumunta ako sa favorite naming resto ni Marco at sumalubong sakin yung lalaking nakausap ko kanina. Organizer siya.

" Ma'am ihahanda na po ba? "

" Hindi na. Hindi na tuloy. Cancel nyo nalang lahat. " sabi ko.

" Pero Ma'am pasensya na po. Hindi po pwedeng irefund eh. " sabi niya.

" Okay lang. Alis nako. " Lumakad na ako palayo.

Tinignan ako ng mga tao at nagbabadya nanaman ang mata ko para lumuha. Alam ko ang iniisip nila. Naawa sila sa akin. Alam nila na 3 araw ko itong pinaghandaan at binayaran ko silang lahat para lang magacting at pasayahin si Marco sa Anniversary namin. He's my first boyfriend kaya pinaghandaan ko talaga. Halos hindi na nga ako kumain sa tuwing may break time kami sa school para lang dito tapos mapupunta lang lahat ng inipon ko sa wala? Tapos ang nakakatawa pa doon yung taong sosorpresahin mo at pinaghandaan mo ng sobra sobra eh nakalimutan ang pinakamahalagang araw niyo bilang magkasintahan. Funny right? so funny!!!!!

Nakauwi ako ng bahay na maga ang mata ko. dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong. sa pagiyak ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Geez! 9pm na pala at gutom na ako. bumaba nako at dumiretso naman sa kusina. Nakita ko si Manang na dala-dala yung bag niya.

" Mae alis na ako ah? Magiingat ka dito" sabi niya.

oo nga pala. weekend pala ngayon.

My Possessive BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon