Chapter 36 ... Real ^_^

Magsimula sa umpisa
                                        

Aly - " te-teka .. ba-bakit ka naluluha ? "

lalapit na sana si Alyssa ng mapansin nya na nakatigil pala si Dennise sa lagayan ng bola , kumuha agad ng bola si Dennise at binato kay Alyssa .

Aly - " aray ! para san yun !? "

kumuha ulit ng isang bola si Dennse at binato kay Alyssa , hindi pinapakingan ni Dennise yung sinasabi ni Alyssa dahil sa galit . kaya patuloy lang sya sa pag bato at si Alyssa naman nakasalag yung dalawa lang nyang kamay .

Aly - " teka Dennise ! ano bang ginawa ko !? "

sa wakas nasabi na din ni Alyssa ang nilalaman ng isap nya , tama ano na naman bang ginawa nya .

napahinto naman si Dennise sa pag bato kay Alyssa , dahan dahan naman na umayos ng tayo si Alyssa bago tinignan ulit si Dennise . nakatingin lang ito sa bola habang nakatungo . nakita ni Alyssa kung paanong pagkakahigpit ang pagkakapit ni Dennise dito .

Den - " Tanga mo .." bulong nya ng hindi man lang tumitingin " ang tanga tanga mo ..."

muli na naman dumampot ng bola si Dennise at tinignan na si Alyssa .

Den - " ang tanga mo talaga !! " binato nya ng malakas si Alyssa

tumama na kay Alyssa ang bola , as in sapul sa mukha . kaya naman napaupo na lang si Alyssa at napatingin kay Dennise .

Aly - " ako ? bakit ako naging tanga ?? "

kumuha na naman ng isang bola si Dennise , akmang ibabato na naman ito kay Alyssa kaya wala ng nagawa si Alyssa kundi ang tumayo at hinanda ang sarili .

bumato na si Dennise at na receive nito ng ayos ang bola , hindi naman ata yun napansin ni Denise dahil kumuha pa ulit ito ng bola .

Aly - " teka lang Den .. mag usap na muna tayo "

hindi naman sya pinakingan ni Dennise at bumato ulit ng bola , na receive na naman ulit ito ng ayos ni Alyssa .

Den - " ang tanga mo ! "

muli na naman itong bumato pero nasasalo lang ng ayos ni Alyssa , hindi napansin ni Alyssa na maayos ang pag re-receive nya ng bola . napansin na lang nya ng wala ng maibato si Dennise , napatingin ulit si Alyssa sa palad nya . " na-nagawa ko ba yun ? " sa isip nya

napatingin naman si Alyssa kay Dennise para sana kausapin ng ayos pero nakita nyang nakatungo pa din ito , hindi masabi ni Alyssa kung anong lagay ngayun ni Dennise dahil nakatungo pa din ito at nakayukom pa ang kamao .

Aly - " Den ..."

napatingin na si Dennise kay Alyssa at nagulat ang hulli ng makita nyang umiiyak si Dennise pero bakas ng galit .

Den - " ang tanga tanga mo kasi wala kang ginagawa pero nahulog ako sa'yo !!! " sigaw nito

parang na istatwa ngayun si Alyssa sa kinatatayuan nya at napatigil ang pag hinga , si Dennise nasa harap nya at sinigaw ang nararamdaman para sa kanya . tumalikod na si Dennise at tumakbo palabas ng BEG .

Aly -"  teka lang Den .." tawag nya , akmang hahabol sya ng biglang may nagsalit

Lau - " Aly ..." napahinto naman si Alyssa at napatingin sa kanya " wag mo na syang sundan .. hindi naman kayo bagay eh .. Nerd ka lang sa paningin nya at sa paningin ng barkada nya .. baka matulad ka lang sa ibang manliligaw ni Dennise .. sa una lang gusto pero sa huli .. akala lang "

napatigil naman si Alyssa at tumingin na lang sa gate ng BEG kung saan lumabas si Dennise , hindi na nya natanaw si Dennise dahil sa lakas pa din ng ulan at dilim ng dinadaanan . lumapit naman si Laura kay Alyssa .

Nerdy FighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon