Chapter 36 ... Real ^_^

Start from the beginning
                                        

Den - " hindi .. ayos lang yan heheh .. "

sa totoo lang gusto din mapag isa ni Dennise ngayun , kahit ang bigat ng nararamdaman nya dahil sa sakit .. mas masakit pa din yung nakita nya na humalik pa si Jai bago mag paalam kay Alyssa .. masama ang loob nya kay Alyssa , pero mas masama ang loob nya sa sarili nya dahil wala syang nagagawa ngayung ang daming umaaligid kay Alyssa .

Ella - " sigurado ka ba ? pwede namang samahan kita"

Den - " wag na " ngiting saad nya " sandali lang naman ako eh "

wala ng nagawa si Ella ng mag umpisa ng maglakad si Dennise , kumaway pa ito bago makalayo kay Ella .

bumuhos naman ang malakas na ulan pero hindi hadlang yun kay Dennise , alam nya nasa BEG pa din ang isang taong kahit kailan hindi umubra ang kagandahan nya . ang isang taong nag papagulo ng isipan nya at isang taong nilalabas ang tunay na ugali nya .. "Ang akin .. Akin lang" .

naglalakad si Dennise habang nasa ulo nya ang sports bag nya para hindi sya gaanong mabasa sa ulan , ngayun pupuntahan nya si Alyssa sa BEG .. wala na syang lusot , kung gusto nyang makilala si Alyssa kailangan din nyang ipakilala ang sarili nya ng maayso dito .. alam nyang takot si Alyssa at duwag , pero handa si Dennise para tumayo at maging matapang para kay Alyssa .

Den - " Phenom ..."

sinong mg aakala na isang Phenom pala ang isang Nerd , kailangan nyang malaman ang katauhan sa Phenom ng USTe nuon . napangiti sya ng maalalang may pag kakataon sya ngayun na makilala ang nag iisang phenom

pero

napatigil na lang sya ng papasok na sya ng BEG , nasa may gate pa lang sya ng makita nyang kaharap ni Laura si Alyssa , nakatalikod sa kanya si Laura kaya hindi nya alam kung mag kahalikan pa ang dalawa .

hindi maiwasan ni Dennise na mag init sa galit at inis , naiyukom nya ang kamao nya dahil sa ginagawa ng tao sa BEG .

Den - " Eherm .... BEG 'to hindi motel"

agad napalingon si Alyssa sa likod ni Laura at halos mangilabot sya ng makita nyang ang dilim ng mukha ni Dennise .

Aly - " De-Den ? ka-kanina ka pa ? "

nakita ni Alyssa ang mga kamay ni Dennise at parang natakot naman sya dahil halatang sobrang galit ang pag kakayukom ng kamao ng dalaga .

Lau - " oh sya sige Aly .. mag bibihis na muna ako " ngiting saad nya

lilingon na sana sya ng biglang humalik naman si Laura sa pisngi nya na kinagulat nya , gumanti na lang ng alanganing ngiti si Alyssa bago ito ulit tumingin kay Dennise .

Aly - "ah-ahmm a-ano .. ba-bakit nandito ka pa ? "

hindi naman gumagalaw si Dennise sa kinatatayuan nya at nakatungo lang ito , hindi naman makakilos ng maayos si Alyssa dahil sa kaba at takot . napaatras na lang sya ng bigla ng lumakad si Dennise papasok .

Aly - " De-den ? "

hindi naman sya pinansin ni Dennise at lumakad pa din ito , umatras na lang si Alyssa at baka isang mag asawang sampal at suntok ang matikman nya ngayun kahit hindi na naman nya alam ang ginagawa nya .

mas humigpit pa ang pag yukom ni Dennise sa kamao nya kaya naman napalunok na lang si Alyssa , napatigil na lang si Alyssa ng tumigil na din si Dennise .

napatingin na si Dennise kay Alyssa at nabakasan ng huli ang galit at sakit sa mga mata ng dalaga . halos nagulat na lang sya ng may namuo pang luha sa mga mata ni Dennise .

Nerdy FighterWhere stories live. Discover now