We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Tali

23 1 0
                                        

...

...

...

Marami dito sa mga batong dingding at sahig ay nadurog na sa putik at abo, at pinapakita na ang pundasyon ng mansyon.

Ang mga kisami rin, nadurog na rin papunta sa lupa, at nagkapatong patong ang mga luwad.

At ang kinatatayuan ko ay tuyong lupa. Tuyong-tuyo na lupa.

"Pah..."

... Wala namang masyadong gagawin dito kundi magsunog ng mga patay na dahon at maghintay.

Panoorin ang usok na umangat— Umikot at kilitiin ang loob ng ilong mo. Walang buhay gaya ng mga buto na wala na sa katawan. Oo. Walang kabuhay-buhay dito.

Pero ano bang magagawa ko? Hindi ako makakaalis. Sasabihin ng iba, sinumpa. Pero para sa akin, kinulong lamang.

Pero mas gugustuhin ko pang hindi ko ito isipin masyado. Lumuhod ako sa maliit na apoy na ginawa ko, at kumuha ng konting uling at lupa mula sa apoy gamit ang aking palad. Ang liwanag na ito na pinag-aaksayahan ko ng panahon at pinapaalala sa akin na ang puso ko'y tumitibok pa.

Dinala ko ang sunog na lupa malapit sa aking mukha, sinara ang aking mga mata at huminga, nilasahan ko at iniluwa. Tuyo na ang lupa, hinding hindi na magkakaron ng halaman.

Siguro maghihintay ako dito ng panghabang buhay.

"Ano?"

Mayroong kakaibang kumakaluskos na hindi masyadong malayo– sa may parteng Kanluran. Kanluran, tama? Pinakinggan ko pa ng mas mabuti.

Ano iyon? Sino? Isa pa, dito? Napangiti ako dahil doon.

Ang mga mata ko'y mas naging alerto at ang tenga ko'y umangat. Naramdaman ko ang aking puso na tumitibok hanggang sa aking lalamunan.

Dapat ba akong lumapit? Tumawag? Gagana ba iyon?

Humingi ng tulong– magmakaawa: "Tulong! Tulong! May tao rito!" Isang walang kwentang kasinungalingan. Gagana ba iyon?

Hindi. Tumigil– makinig ng malalim.

... Kung ano man iyon, may ginagawa siya doon. Ang ingay ay nasa may mga lumang pinto; binuksan ang lalagyan ng mga alak; ang mga bahay at tindahan ay pinasukan.

Isang mangangalakal, ibigsabihin...? May isang taong nakahanap ng lugar na ito?

Tut, hm. Ang pakikinig sa mga ingay na ito ay... hindi pangkaraniwan. Hindi siya dapat... "hindi pangkaraniwan", pero dapat "kakaiba". Dapat kong maalala ang mga tunog na gaya nito.

Ha? Ang ingay ay lumalapit... Oo? Iniisip ko lang ba ito?

Hindi, hindi. Sigurado akong nasa loob na ng mansion. Umiikot sa may kusina at silid pahingahan.

Nakapagdesisyon ako (kung sakaling mahanap niya ang ang daan papunta sa sayawan) na tumayo lamang. Tumayo ng tuwid at hintayin ang bago kong kasama.

At sa aking gulat, ito ay... Siya ay nagpakita sa may pinto noong mga sumusunod na minuto.

Isang bata? Lalaki? Anong klaseng bagay ulit ba ito?

Mayroon siyang dalang maliit na bagahe at bote ng tubig na nakakabit sa baywang niya... Baka isa siyang manlalakbay?

Mukhang hindi pa niya ako nakikita. Pumasok lang siya, malayo ang tingin. Humakbang siya ng ilang beses, at nakuha ko atensyon niya. Lumapit siya ng konti, at tinitigan niya ako sa mukha, at isa pa sa may bandang paa.

Huminto siya doon. Tumititig lang siya, at wala na siyang ginagawa.

"Lumapit ka dito!" Sabi ko. Nagulat siya at parang may naalala na isang bagay. At ang tibok ng puso niya ay dinig na dinig sa ere.

TaliStories to obsess over. Discover now