Mikaella Diaz

3 0 0
                                        

Mikaella's POV

"Mika, gising na! Late kana!". Sigaw ng kasambahay naming si Pokwang na nagpagising sa mahimbing kong tulog.

Dali-dali akong bumangon at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos ay lumabas din ako para magbihis at kumain na ng almusal.

Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakapag almusal. Yes! Heavy breakfast, malakas kasi akong kumain pero hindi naman ako tumataba. Hehehe!

"Pokwang, nakita mo ba ang I.D ko? Nawawala na naman kasi eh". tanong ko sa kasambahay namin.

Lisa ang totoo niyang pangalan. Pero simula ng mamasukan siya sa amin pinalayawan na siyang Pokwang. Kagagawan ng mga pinsan ko. Nakakatuwa kasi siya at napakabait.

"Nasa likod ng pinto ng kwarto mo. Isinabit ko dun. Kung saan-saan mo kasi nilalagay eh." sermon niya sakin. Nginisihan ko nalang siya at nagpasalamat.

Tinapos ko na ang aking pagkain at nagmadaling nagpaalam sa mga magulang ko.

Ako nga pala si Mikaella Diaz. Panganay sa apat na magkakapatid.
Isang business man ang aking ama habang isang dakilang guro naman ang aking ina.

Nasa 4th year high school na ako ngayon.
Excited ako at pinagbubutihan ko ang aking pag aaral dahil graduating student na ako.
At syempre dahil na rin sa inspirasyon ko maliban sa pamilya ko.

Ang lalaking lihim kong sinisinta sa school simula noong 1st year high school palang ako at hanggang ngayon hindi nagbago yun.

Siya si Carl Sandoval. Chinito, matangkad at higit sa lahat ang gwapo niya!

Subalit papalit-palit siya ng girlfriend. Kilala siya playboy sa school namin. Pero kahit ganun hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya.

Pagdating ko sa school saktong magsisimula palang ang flag ceremony. Buti nalang at nakahabol ako.

Pagkatapos ng flag ceremony pumasok na kami sa aming mga silid-aralan. At nakita ko nanaman siya.
Subalit kasama niya ang nobya niya. Rica ata ang pangalan. Bigla akong nalungkot at bilis na pumasok sa room namin.

True Love WinsStories to obsess over. Discover now