"Hindi maaari 'yang gusto mo keiji." Madiing ani ng reyna.

Tiningnan ko ito "Maraming salamat kamahalan." Sabi ko lang saka bahagyang yumuko, isang tanda nang pag-galang.

"Keiji wag kang lumayo sa amin nang tuluyan. Nakiki-usap ako." Malumanay na sabi nang reyna.

Napa-iling ako "Patawad." Isang malungkot na ngiti lang ang ibinigay ko rito bago ako tumalikod at nag-simulang maglakad palabas.

"Eron, pigilan mo siya..." Rinig kong iyak nang reyna.

Napapikit nalang ako at pilit pinigilan ang sarili na wag silang harapin. Hindi ko kayang makitang umiiyak ang babaeng minsan nang naging ina sa akin.

"Shhhhh....Wag ka nang umiyak mahal ko." Rinig kong pag-a-alo nang hari sa asawa.

Binilisan ko pa lalo ang paglalakad ko palabas ng malaking silid na 'yun. Hanggang sa nakalabas na nga ako, Kasama ang matinding lungkot sa kaibuturan nang aking puso at mga luhang nakatakas sa aking mga mata.

Masakit talikuran ang mga taong minsan nang naging magulang sa 'kin. Nasasaktan ako pero mas nangingibabaw pa rin sa 'kin ang galit sa kanila dahil sa nangyari noon.

"Tapos na uncle." Naka-yukong sabi ko rito bago sumakay nang kotse.

Malungkot akong napangiti. Kahit papano ay masaya pa rin ako dahil siguradong ligtas ang pamilya ko.

KAREN POV

"Handa na ba lahat nang dadalhin mo karen?" Tanong ni janice nang silipin ako nito sa kwarto.

Tumango ako saka umupo sa kama katabi nang maleta ko "Parang ayoko'ng iwan si keiji janice." Isipin ko pa lang na mag-i-isa siya ay nadudurog na ang puso ko.

"Karen," Tumabi ito sa 'kin saka ako niyakap nang patagilid "Ito ang gusto nang anak mo. Magtiwala na lang tayo sa kanya karen." Sabi nito.

Bumuntong hininga ako "Pero hindi ako mata-tahimik janice."

"Karen, Ipanatag mo nga 'yang loob mo. Tulad nga nang sinabi ko sayo, Magtiwala nalang tayo kay keiji." Ani niya "Hindi naman siya magde-desisyon nang ikapapa-hamak niya."

Hinawakan ko ang braso niyang naka-pulupot sa 'kin, saka ko isinandal ang ulo ko sa ulo niyang nakahilig sa balikat ko. "Alam mo janice, Mula nang mawala si kiro ay parang nawala na rin ang kalahati nang buhay ko. Ngunit, kinaya ko pa rin dahil may mga anak pa akong nandito sa tabi." Tumigil muna ako saglit bago ako nagpatuloy "Pero ngayon, Pati ang anak kong panganay ay maaari ring mawala sa 'kin. At hindi ko alam kung kakayanin ko ba 'yun." Masakit para sa isang ina ang mawala'y sa anak. Parang unti-unting dinudurog ang mga puso namin.

"Hindi siya mawawala sa 'yo karen. Malakas ang anak mo at matalino. Tiyak na po-protektahan siya nang may kapal."

Mapait akong napangiti "Sana nga janice....."

"MAG-IINGAT KA rito ha?" Naiiyak na sabi ko sa kanya.

Ngumiti ito "Opo mama. Pangako, Iingatan ko ang sarili ko." Sabi pa nito saka ako niyakap nang mahigpit.

Gumanti na rin ako sa pagkaka-yakap sa kanya "Mahal na Mahal kita keiji." Ani ko sa malungkot na tinig.

"Mahal na Mahal din kita mama." Rinig kong bulong nito "Lagi mong tatandaan na ginagawa ko ito para sainyo ni kirsten." Dagdag pa nito.

Marahan akong tumango saka kumalas sa pagkaka-yakap sa kanya. "Hindi ka na ba talaga sasama?"

"Susunod nalang ako mama," Sagot nito na halata namang ayaw niyang sagutin ang tanong ko.

Bumuntong hininga nalang ako saka humakbang palayo "Hihintayin kita anak," Mabigat sa loob na sabi ko.

Alam kong may plano siya. Sana lang ay hindi siya mapahamak. Mahal na mahal ko siya at diko kaya kung pati siya mawawala rin sa 'kin.

****
Hi :)

Spell bara-bara? A: V-A-M-P-I-R-E-2-3....HahahahaxD.

Guys! Ewan ko kung saang parte nang utak ko nahugot ang mga 'to. Alam ko pong palpak itong chapter na 'to. Bara-bara kasi eh.

Busy po ako ngayon sa school (as always) pero try ko pa rin pong mag-update. Nagagalit na po kasi si dark, eh. HahahahhaxD Nagtatampo na rin sa 'kin si keiji :( Ang hirap po palang magtampo at magalit ang mga GWAPO hahahahah-Charot!

TRIVIA
     Nakakatalino daw ang pakikinig ng music kapag nagrereview. (I know alam na 'to ng lahat)

See you next chapter!

'Guys comment niyo 'yung name nang  mga crush characters niyo dito sa story ko.....I-me-mention ko kayo sa next chapty :)'

Thanky!
#voteandComment
#Dark #Keiji #Darwin #Porever

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon