Sneak Peek

14.2K 234 3
                                    

SNeak Peek

Hindi na maipinta ang mukha ni Lance ng makitang mag aalas singko na ng hapon ay hindi pa rin nakabalik ang asawa. Muli siyang tumawag sa mansyon kung dumaan ang asawang si Dianne Clarisse sa bahay ng magulang, ngunit ganun pa rin ang sagot ng katulong na hindi naligaw si Dianne doon. Kaninang tanghali pa ito umalis nang bahay at hindi pa rin nakabalik hanggang ngayon.

"Kung ayaw mo akong tumabi sayo, okay fine! Dahil maghahanap ako ng taong willing na tabihan ako.!"

Napasipa si Lance sa isang pasong may nakatanim na bulaklak na rosas ng pabalik balik sa kanyang isipan ang minsang sinabi nito sa kanya.

"Shit! Where the hell is she?" nagpupuyos ang damdaming tanong niya sa sarili. Muli niyang tinawagan ang cellphone nito pero hindi pa rin sinasagot ng asawa ang kanyang tawag. Kinuha niya ang susi ng kanyang kotse at sumakay para hanapin ang asawa.

"Wow, thank you ha? Favorite ko talaga ito. Napaka special kasi para sa akin lahat ng klase ng roses." masayang sambit ni Dianne sa bagong kilalang kaibigan sa resort ng El Bonita Rosa na si Liam ng makipag-kilala ito sa kanya ng pamansin nitong kanina pa niya pinagmamasdan ang magaganda at sariwang roses na maayos ang pagkagawa bilang bouquet. Kinuha nito ang magandang bouquet at ibinigay sa kanya bilang tanda ng pakikipag-kaibigan nito sa kanya na tinanggap naman niya. Nasa isang restaurant siya ng naturang resort at kanina pa siya nakatambay dito dahil sa tinatamad siyang umuwi at makikipag iringan nanaman sa asawa. Kaya't minabuti na lamang niyang irelax ang utak sa kagandang tanawin ng isla.

"Your welcome." nakangiting sagot ni Liam sa kanya na tumanaw sa dagat.

"Are you alone here" tanong ng binata sa kanya nang mapansing wala siyang kasama.

"yeah, nagrerelax lang ako. Maya-maya uuwi na rin ako." nakangiting sagot ni Dianne sa bagong kaibigan.

"You live here? Bakit ngayon lang kita nakita dito" tanong naman nito sa kanya.

"Bago lang ako dito, doon lang ako nakatira sa---

"Diane Clarisse.!!" hindi naituloy ni Diane ang sasabihin ng marinig ang galit na boses ng asawa.

"M-Miguelle, what are you doing here?" kinakabahang tanong niya sa asawa ng makita ang pagdidilim ng mukha nito.

Hindi maintindihan ni Lance ang sarili ng makitang kausap ng asawa ang kapatid niyang si Liam na malayo ang loob sa kanila. Lalong lalo na nang makita niyang gumuhit ang matamis na ngiti nito para sa kapatid habang hina-halik halikan ang hawak na bouquet ng sariwang rosas. Hindi niya napigilang kontrolin ang sarili at galit na inagaw ang pansin ng asawa at nilapitan.

"Come on, hurry up!" saad niyang mahigpit na hinawakan ang braso ng asawa.

"M-Miguelle.., sandali lang." nagpupumiglas namang saad ni Dianne sa asawa.

"Hey! Dont you know how to respect the woman!?" galit na sambit ni Liam sa kapatid.

"And you! Dont you dare to touch my wife, or even close to her kung ayaw mong makakabangga ako Liam!" mariing sagot ni Lance dito.

"Do you know each other?" nagtatakang tanong ni Dianne na pinaglipat-lipat ang paningin sa dalawa ngunit hindi siya pinansin ng mga ito. Bagkos ay matalim ang tingin sa isa't isa.

"Wife!?" hindi makapaniwalang saad ni Liam na napakunot pa ng nuo.

"Shut up! Asik naman ni Lance dito at hinila na ang asawa palabas ng restaurant at tuloy tuloy na pinasakay sa kanyang kotse.

"Ano bang problema mo ha? Basta basta ka nalang sumusugod na akala mo ikaw ang may ari nitong isla! Hoy, Mr Lance Miguelle Lancer-- "

"Shut up.!!" malakas na sigaw ni Lance sa asawang biglang natahimik. Galit pa rin siyang pinaharurot ang kotse nito pabalik sa kanyang bahay habang si Dianne naman ay nakadama ng takot sa nakikitang galit sa mukha ng asawa.

Nang makarating sa bahay ay agad na binuksan ni Dianne ang pinto ng kotse at nauna nang pumasok sa loob habang hawak hawak pa rin ang bulaklak sa kanyang mga kamay ng bigla siyang hablutin ng asawa sa kanyang braso at galit na inagaw sa kanya ang hawak na bulaklak.

"Hey! What are you doing!?" sigaw ni Dianne na pilit binabawi ang kanyang bulaklak sa asawa.

"Bakit? Rosas lang ba ang katumbas ng pagkatao mo Dianne? Ha?! Itong letseng rosas na ito kung kaya't kung kani-kanino ka lumalandi para makuha ang iyong gusto.?! galit pa ring sambit ni Lance na pinaghahampas ang rosas sa pader ng bahay hanggang sa masira ang magandang rosas.

"Ano ba Miguelle!? Tama na! Muling sigaw ni Dianne sa asawa na hindi na makapagsalita ng maayos dahil sa masakit na salitang binitiwan nito sa kanya.

"At ito pa, sinong lalaki ang nagbigay nito sayo at dinala mo pa ito sa pamamahay ko.!" galit pa ring tnong ni Lance na kinuha ang hindi kalakihang paso na may nakatanim na rosas.

"Miguelle huwag yan! Akin na yan.! Bigay mo sa akin yan." saad ni Dianne na pilit inaagaw ang pasong may nakatanim na rosas na kinuha pa niya sa rosas na binigay ng kanyang mama bago ito namatay. Ngunit hindi siya pinakinggan ng asawa. Malakas nitong ibinagsak ang paso kung kayat nabasag ito at nagkalat sa sahig ang lupa.

Para namang natigagal sa kinatatayuan si Dianne na tiningnan ang pasong nabasag sabay bagsak ng kanyang luha at tumakbo paakyat sa kanilang kwarto. Galit pa ring sinundan ni Lance ang asawa sa kwarto at muling hinawakan nang mahigpit sa braso.

"Bitiwan mo ako! Your beast!" sigaw ni Dianne dito na patuloy sa pagluha. Habang si Lance naman ay nadagdagan ang galit.

"At sinong gusto mong hahawak sayo? Ang ibang lalaki? Ha!? Iyon ba ang gusto mo Dianne kung bakit ka hindi umuwi dito sa bahay dahil nakikipaglandian ka sa ibang lalaki.!?" galit paring wika niya dito nang bigla siyang sampalin ng ubod lakas ng asawa.

"How dare you, para pagsabihan ako ng ganyan Lance? You dont kn---

Hindi na natapos ni Dianne ang sasabihin sa asawa ng mabilis nitong inangkin ang kanyang labi. Pilit niyang iniiwas ang sarili dahil sa nasasaktan siya sa paraan ng paghalik nito na tila doon ibinunton ang galit na nararamdaman nito sa kanya. Pero mas malakas ang asawa at kahit anong pilit niyang itulak ito at iiwas ang mukha mula dito ay hindi niya magawa. Inaamin niyang nasasaktan siya sa maparusang halik ng asawa, ngunit may kung anong pwersa namang nag uutos sa kanya na tugunin ang halik ng asawang si Lance.

Dahil sa sobrang galit ni Lance sa nakitang pakikipag-usap ng asawa sa kapatid niyang si Liam ay sumulak ang kanyang dugo dito. Hindi niya man maamin sa sariling nagseselos siya ay ganun ang kanyang nararamdaman. Tulak na rin ng galit at selos ay mapangahas na hinalikan niya ng sapilitan ang asawa. Plano lang sana niyang parusahan ito, ngunit nag iba ang galaw ng kanyang mga labi nang maramdaman ang mainit na pagtugon ng asawa sa kanya sa kabila ng maparusang halik na ibinigay niya dito. Dahil sa kapusukang kapwa nila nararamdaman ay dahan dahang inihiga ni Lance ang katawan ng asawa sa kama at napadagan siya dito. Hanggang sa unti unti na rin siyang nilalamon ng kanyang pagnanasa sa asawang minsan niya na ring inaasam na maangkin. Ngunit hindi niya magawang angkinin dahil na rin sa siya mismo ang nagbigay ng rules dito na in Rule # 1 NO SEX INVOLVE! biglang natigilan si Lance mula sa mapusok na paghahalikan sa asawa ng maalala ang kanyang Rule # 1. Kaya ba talaga niyang panindigan ang kanyang rules dito? O siya na mismo ang babali sa kanyang rules na ibigay dito?

Please read the full story @

http://soeursbelle.com/?ap_id=catchme

Someone To Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon