Totoo ngang may iba kana. Akala ko isang kalokohan lamang ang nabasa kong iyon. Noong minsan akong nag bukas ng aking account. May nabasa akong post mo na nakapagpadurog ng puso kong umaasa sayo. Akala ko kasi pwede pa. Binigyan mo ko ng aasahan ko. Chinat kita at sinabing wala na pala tayong pag asa kasi May iba kana. May iba kana talaga. Akala ko may part two pa tayo. May part two pa yung relasyon natin. Naalala ko wala nga pala tayong relasyon. Dahil isa lamang yong sana. Sana na pwedeng mangyari. Akala ko pwede pang mabalik ung dati. Yung dati na masaya tayo. Yung dati na satin lang umiikot ng mundo natin. Yung tayo na may pakialam pa din sa mga naka paligid sa atin. Akala ko tayo pa din sa dulo. Yung dulo na ang ganda ng ating pangarap. Yung dulo na tayo talaga. Yung dulong sobrang saya natin. Akala ko nalang pala siya ngayon. Pero siguro iyon na talaga ang katapusan. Katapusan sa ating dalawa. Sa katapusan kung anong meron tayo. Ang dami kong pangarap para sa atin. Pero ang sakit lang kasi talaga. Totoong may iba kana nang galing na mismo sa iyong pinsan. Na nakapag pawasak sa akin. Kalimutan na nga siguro kita. Kasi wala nang pag asa sa atin. Hindi ka man mapalitan sa puso ko. Alam kong may tamang tao para sa akin na mamahalin ako ng buong puso. Na mas higit pa sa pag mamahal na pinadarama mo sakin. Pero meron nga ba? O Ako lang talaga?
Dito ko na tinatapos ang pagpaka tanga ko sa isang katulad mo.
----
