Chapter 16 - In a Blink of an Eye

Start from the beginning
                                        

Cleaning day lang ang araw na ito. Hindi naman lahat ng Affectionate ay dumating. Pero mas konti ang dumating sa section 2. At syempre, andun si "DK" since class president siya. Wow. Ang "role model".

Paglalagay ng floor wax at pagbubunot ang paborito gawin pag cleaners kami. Kaya naman ito ang ginawa ko sa Cleaning Day. Habang nagbubunot ako, nilapitan ako ni Myra.

"Chii, sipag natin ah." sabi niya nang nakangiti,

"Hehe. Syempre naman Myra, ito na nga lang magagawa ko eh."

"Tama yan. Wag ka na iiyak ah. Hindi bagay sayo yun, ang gandan mo eh." bola niya.

"Ikaw naman! Maka-bola! Hehe. Ok na ako."

"Hindi naman yun ang pagkakakilala ko kay Allein. Sayang kayo. Parang lumabas tuloy na may kabet siya." sabi uli ni Myra.

Kabet? Di ba kanta yun? Ay, rap pala na ang chorus ay kinanta ni Kyla? Wow. Sakto yun ah.

"Teka My, alam mo yung kantang yun?"

"Anong kanta?" tanong niya.

"Yung kabet?"

"Ah, oo naman, kabisado ko yun eh."

"Kantahin mo naman yun oh. Ay, isulat mo na lang pala yung lyrics, di ko kasi kabisado eh."

"Bakit naman?" nag-isip siya. "Ah, gets-gets. Sige." At sinulat niya yung lyrics.

Nang matapos na kami maglinis, tumambay muna kami sa tindahan sa tapat ng school. Wala lang, bonding time muna. Ok lang sana eh, kaso magkasama si "DK" at ang hanep kong ex. Bakit andito yang babaeng yan, eh wala naman dito yung classmates niya? Ah, ok fine, andito nga pala ang boyfriend NIYA.

Nasa dulo sila, kaya walang masyadong kumakausap sa kanila. Biglang lumapit si Myra sakin.

"Chii ito na." inabot niya sakin yung papel kung san nakasulat yung lyrics. "Pero, hindi dapat yan yung kanta mo, dapat yung Huling Hiling."

Medyo nilakasan ko yung boses ko. "Hindi, tama na to. Maganda yung lyrics eh."

Sumabay pa si Queenie sakin. "Oo nga, maganda yang kantang KABET."

Ngumiti na lang ako.

Nagsi-uwian na kami. Pagdating ko ng bahay, binilang ko yung ipon ko. Kailangan ko bumili ng pagkakaabalahan ko ngayong summer, bago mag-ANI.

Inutusan kami ni Kam na pumunta ng palengke. At habang naglalakad, kinwento ko sa kaniya lahat ng nangyari.

"Ang kapal naman ni Kara ate! Ang kapal, kapal!!!"

Natawa naman ako sa kapatid ko. Kung matapang ako, mas matapang siya. Hindi yan agad - agad mahihiya sa mga taong nasa paligid basta alam niyang tama siya.

"Isa pa yang si Kuya Allein! Akala ko naman ang bait-bait!" galit na galit na siya.

Sa may highway kami dumaan nung pauwi na kami. Pagdating namin sa CES, sumilip ako sa may sakayan. Na-recognize ko agad yung damit ng dalawang taong nakaupo ron.

"Andun sila sa waiting shed sa sakayan."

Nagulat ako kasi bigla siyang pumunta duhn. Buti na lang at hindi pa siya nakakalayo.

"Hoy! Kayong dalawa! Ang kapal niyo! Umuwi na kayo!" grabe naman makasigaw tong kapatid ko. Nakakahiya. Hehe. Pero wala namang tao sa tricycle station sa CES nung mga oras na yun, kaya walang masaydong nakarinig sa kaniya.

In fairness, na-touch ako sa ginawa niya. :D

"Tama na yan Kam, uwi na tayo." Buti nagpaawat siya.

Nung gabing iyon, hindi ako nakatulog agad. Inisip ko lahat ng mga nangyari nung nakaraang dalawang linggo.

Parang panaginip.

Hindi, bangungot pala. At buti na lang, nagising ako agad.

Pero kahit papaano, namimiss ko si Allein. Nakakamiss yung pag-aalaga niya. Namimiss ko talaga siya.

Ang daming mga pangyayari na gusto kong kalimutan, pero meron din naman akong gusto i-treasure. Tulad na lang nung mga tulang binigay niya sakin, si Jecjec at kung anu pa. Yung suporta niya nung sumabak ako sa mga contests. Yung nilakad namin ng magkasama yung Katipunan mula sa U.P Theater. Yung unang beses niya pinakilala niya ako sa pamilya niya.At yung nakaraang birthday nila ni Aya.

Parang kailan lang.

Parang kailan lang ang lahat…

Nawala lang in a blink of an eye… 

Kailangan ko kalimutan lahat.

I'll move on…

I'M MOVING ON... 

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now