Chapter 16 - In a Blink of an Eye

Start from the beginning
                                        

Yung pagtira niya samin ng dalawang linggo, maaring maliit na bagay lang iyon. Pero yung tiwala ko sa kaniya at yung tiwala ng pamilya ko sa kaniya, sinira niya. Kahit pa walang alam sila mama sa nagyayari sa amin ngayon, alam niyang hindi na siya makakabalik sa amin.

"Grabe naman tong si Kara! Bakit naman niya ito ginawa kay Chii?" tanong ni Princess.

"Tsk, oo nga eh, to think na pamilya na rin kung ituring siya ng family ni Chii." sabi ni Sam.

"Walang pinipiling tao ang taong may motibo." sabi ni Rose Anne.

"Eh anong motibo niya?" tanong ni Queenie.

"Hindi ko alam, pero tingin ko talaga meron. Hindi niya ito basta-basta gagawin, lalo na kay Chiina." sabi uli ni Rose Anne.

Tama. Tama si Rose Anne. Tingin ko rin hindi siya basta-basta "magugustuhan" si Allein ng ganun-ganun lang, lalo pang lama niyang boyfriend ko si Allein.

"What if magsumbong siya kay Tita tungkol sainyo ni Allein, Chii?" tanong ni Michael.

"Hindi niya gagawin yun." Nahimasmasan na ako. Kailangan ko nang ipakitang malakas ako.

"Bakit naman? Paano ka nakasisiguro?" tanong ni Michael.

Napaisip ako ron. Hindi ko naman talaga alam kung gagawin niya iyon o hindi. Hindi ko nga rin alam yung motibo niya eh.

"Hindi ako sigurado. Pero naisip ko lang na kung sasabihin niya yun kay mama, lalo niyang pinatunayang wala siyang kwentang kaibigan."

"Eh nagawa na nga niya diba?" sabi ni Princess.

"Ang kapal naman niya kung dadagdagan pa niya yun." sabi naman ni Sam.

Lumingon ako sa labas, nakita ko si Allein, nakikipagkwentuhan sa mga boys. Parang wala lang eh no? Si Kara naman, nakikipagtawanan  sa mga classmate niya. Napatingin din ang barkada sa kaniya.

"Grabe, ang saya-saya pa niya!" sigaw ni Sam.

"Ang kapal niya! Nakakainis!" mahinang sabi ni Rose Anne.

"Hindi rin ako makapaniwala sa ginawa ni Allein. Parang hindi talaga siya. Pero wala naman na tayong magagawa ngayon eh. Si Chii ang mahalaga ngayon." sabi ni Josh.

Lumigon ako sa kaniya, sabay ngiti. Salamat sayo, Josh. Buti ka pa. Sana, wag mo itong gagawin kay Rose Anne. Sabihan mo muna siya, kung sakali.

Binalik ko yung tingin ko kay Kara.

Sana sinabi mo na lang ng harapan sakin. Hindi yung patalikod ka kung tumira. At may gana ka pa maging masaya?! Oo nga naman, ganyan ka pala talaga.

Ahas. Tahimik kung tumuklaw. Ang bilis mo rin kasi magpalit ng balat.

Sayang lang ang friendship at pagiging magkapatid natin. Sayang lang lahat ng tinulong ko sayo. Hindi naman ako humihingi ng kapalit eh, pero ito yung bingay mo.

Salamat ha.

Sana hindi ka na nag-abala.

Doble - KARA.

==================

The rest of the week was… WTH.

Thursday nung huli kong nakasama ang barkada. Sila na mismo ang gumawa ng paraan para maibaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now